That Strange Feeling (Part 1)

2.9K 46 3
                                    

*knock knock knock* *knock knock knock*

"OH?! Sino ba yan?! Ke aga aga pa eh nambubulabog na!"

"Anak, si Mommy mo to. Maghanda ka na at magsisimba pa tayo."

Oo nga pala. Linggo ngayon. Kailangan sumamba. Nakasanayan na kasi namin na magsimba every Sunday. Para naman ket papaano eh malapit kami sa itaas.

"Eto na po Mom. Maliligo muna ako saglit."

"Ohsige. Pagkatapos mo, bumaba ka na agad. Sabay na tayong mag almusal."

"Opo Mom."

Dali dali naman akong naligo baka kasi mainip si Mommy. Madalang pa naman yun sumabay kumain. Busy na kasi lalo na't magiging prinsipal na siya ng school.

Bumaba na ako at nakita kong nasa hapag kainan na si mom. Umupo na ako.

"Kamusta ka na anak?"

"Eto pa rin Mom. Medyo busy na kasi malapit na rin ang finals."

"Pagbutihan mo pag aaral mo anak ah? Para di ka magaya sa kuya mo na puro kabulastugan ang nalalaman."

"Nga po pala, san si kuya?"

"eh ayun, umagang umaga, kasama na ang barkada. Hayaan mo na yun anak. Matagal na akong nawalan ng pag asa diyan sa kuya mo. Di na ata magbabago."

"Wag kang mag alala mommy. Gagalingan ko po sa school."

"Inaasahan ko yan anak ah"

"Opo mommy"

Nag usap lang kami habang kumakain.Nagkukwento siya kung ano na ang nangyayari sa school na pinagtatrabahuan niya. At eto naman ako, nakikinig lang sa kanya.

Nang nakapaghanda na kami ay dumiretso na kami sa sasakyan. Si Mom na daw magdadrive.

Medyo matagal pa bago kami makaabot sa simbahan. Naglaro lang ako sa phone ko nang bigla kong naalala si Queen. Kailangan ko pala talaga siyang suklian kasi hindi lang basta basta yung pagsisinungaling niya.

"Good Morning :)"

*After a minute*

"Good Morning din :)"

"Thank you ulit kagabi ah!"

"No prob. Tumigil na ba?"

" Oo, salamat talaga sa tulong mo ah!"

"Mabuti naman kung ganon. Nga pala, nagtanong yun saken kung matagal na raw ba tayo. Sinabi kong 5 months na tayo. HAHAHA"

"Ayos ah. HAHAHA. Buti naniwala."

"Oo nga eh. Ang tagal ko pa siyang inuto para maniwala lang."

"Thanks ah :) wait, seryoso ka bang may ipapagawa ka saken?"

"HAHAHA Uto uto ka naman rin pala. Di ah. Ano naman ipapagawa ko sayo? Assignments?"

"Pwede rin naman."

"Di kita mapagkakatiwalaan sa answers eh! HAHAHA"

"Loko ka talaga Queen! Tyl muna. Nasa church na kami."

"Okay. Ingat babe ;)"

Ang kulit rin pala ng babaeng to. Ang saya kausap. Parang sira kasi. Pero nakakainis kasi binabara ako. Tska hindi rin kasi kami gaanong close. Kaya nga medyo awkward pa kung nakikipagtext ako sa kanya.

Queen Kiara Delos Santos ang buong pangalan niya. Nasa middle class. Matalino at laging nagpaparticipate sa school activities. Kaya medyo famous siya sa batch namin. Oo nga pala. Kaklase ko rin siya pero di ko talaga siya tinutuonan ng pansin. Napapansin ko lang siya pag nagsisimula na kakulitan niya sa klase. Yung pakikipaglaro niya ng habulan sa amin. Nakakaasar nga kasi 2nd year na kami pero nakikipaglaro pa rin na parang bata.

Pagkatapos namin mag simba, umuwi kami agad ni Mom kasi marami pa daw siyang gagawin.

Nabagot ulit ako sa byahe kaya naisipan kong pagtripan na lang si bata.

"Hey. Busy?"

"Not much. Tapos na pa lang magsimba ang babe ko. HAHAHA."

"Nakakailan ka na yang pagtawag mo saken na babe ah. Baka gusto mong gawin talaga kitang babe ko. HAHAHA."

"Joke lang naman. Sarap mo kasing asarin eh."

"Sus. Kung di lang talaga kita kaibigan."

"Ano?! Ha? Papalag ka saken babe?"

"Ewan ko sayo."

"Sungit ah. Sino bang mas gusto mong mangaasar sayo, si Jonas o ako?"

"Ikaw na lang. Di ko trip yun!"

"Eh sino pala trip mo?"

"Ikaw."

"Sira!"

"Naniwala naman? HAHAHA"

Di na siya nagreply. Expire na ata ang load ni bata. HAHAHA

End of Chapter


-Star24-

It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon