Out of My League

2.4K 44 1
                                    

Vince’s POV

February 14

~~~ Knock knock knock ~~~

“Pasok po.”

Pumasok si Mom.

“Happy Birthday anak! I love you.” Hinalikan niya ako sa cheeks.

“Salamat Mom. I love you too. Teka, san si Dad?”

“Umalis siya nang maaga anak. Sabi niya may business meeting daw sila. Pinapasabi din niya sayo na babalik siya mamayang hapon.”

“ahh. Sige ma.”

“Bumaba na tayo para kumain.”

Sabay kaming bumaba ni Mom. Parang normal na araw lang to ah. Hmm, ayos lang. May gift naman siguro si Mom. Ok na yun.

Kumain lang kami ni Mom. Pagkatapos, naligo at bumalik na sa room. Inopen ko muna fb account ko. Puro greetings. Nakakatamad ding basahin. Nilike ko na lang para di naman ako magmukhang snob.

Hay ang boring. Birthday ko ba talaga? Hmmph. Makatulog na nga ulet.

Queen’s POV

Maaga ako ngayon kasi nagpapatulong si Tita Ann sa pag surprise kay Vince. Sabay na din kaming pumunta nila Andrea at Mae.

~~~~FAST FORWARD~~~

Nasa bahay na kami ni Vince. Ang laki ng bahay nila. Halatang mayaman talaga. Sabi ni Tita nasa kwarto lang daw siya. Ang tamad naman nun. Ganito kaya siya lagi sa bahay nila?

Inaasign ako ni Tita sa mga balloons. Si Andrea, tumulong sa kusina. Si Mae naman, inaarrange ang mga tables at chairs. 12:00 daw mag uumpisa ang party.

Nilapitan ako ni Tita habang dinidikit ko ang mga balloon sa wall.

“Queen.”

“Ano po Tita?”

“Pwede bang ikaw ang magbigay ng cake sa kanya mamaya?” Hala! Bat kaya ako?

“Ay sige po Tita.”

“Salamat ah.”

“Walang anuman po.”

Hmm. Biglaan naman yun. Pero bat kaya ako? Pwede namang si Andrea o kaya si Mae. Hmm …

Vince’s POV

~~~Knock knock knock~~~

“Anak. Lumabas ka na. Kakain na tayo.”

12 o’clock na pala. Nagugutom na rin ako.

“Coming na Mom.”

Paglabas ko sa kwarto ay biglang …….

Poooop!!! (Party Pooper po yun)

May confetti na nahulog galing sa taas. Taz may banner pa na biglang bumukas. Napangiti ako. Lumabas si Andrea, Mae, si Mom, si Dad, c kuya at ang mga relatives ko. Pero parang may kulang. Nalungkot ako bigla. Wala pala siya.

“Happy Birthday anak! Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo. ” niyakap ako ni Dad. Sumali naman si Mom at kuya.

Lumapit naman si Mae at Andrea.

“Hoy Payat! Happy Birthday ah! :D”

“Salamat payat! :)”

“Happy Birthday Besh!!!!! :D”

“Salamat Drey.” Ngumiti lang ako sa kanila.

“Bat parang hindi ka ata masaya?” tanong ni Mae. Nahalata niya siguro.

It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon