Vince's POV
"Hey buddy!" Niyakap ako ni Tito na para bang hindi kami nagkita sa room ko kanina.
"Hi! You must be Eli? You are certainly cute." Sabi ng isang magandang dilag na katabi ni Tito.
"Syempre hon. Saan pa ba nagmana tong pamangkin ko?" sabay wink sa akin. Parang timang lang tong si Tito.
"Anyway, Im Lauren. You're uncle's fiancée." Nagshake hands kami.
"Yeah. I heard that kanina. And now, I can truly say na ang astig ng taste ng Tito ko. You're so gorgeous Miss Lauren."
"Aw thanks. Mana ka talaga sa Tito mo, palabiro. And you can call me Tita Lauren na cause I'll be your future aunt naman eh."
"Oh sure Tita. You and Tito are simply amazing. I'm glad that he found you." tiningnan ko si Tito. Halatang halata sa kanyang mga mata na masayang masaya siya. "You're so lucky to have him and of course, he's also lucky to have you in his life. I guess I need to let somebody take care of my bestfriend." Nang masabi ko yun, ngumiti si Tito sa akin. May nabuong luha sa kanyang mga mata. Alam kong tears of joy yun at sobrang masaya ko para sa kanya. "I'll save some messages for your wedding na. Nakokornihan na kasi ako." Nagchuckle silang dalawa.
"Come here nga!" Lumapit ako kay Tito at niyakap niya ulit ako nang napakahigpit. "Thanks buddy." He whispered while nakayakap sa akin.
"You haven't told me na ganyan kaganda fiancée mo. Magmumukha tuloy akong bodyguard pag katabi ko siya." Tinanggal niya ang pagyakap niya.
"Di ko magawang sayangin tong kagwapuhan ko noh?" At lumabas na naman ang kahanginan niya. Nagkukwentuhan lang kami. Getting to know each other ekha nga. Pero may naalala ako. About sa nangyari kanina. Ang bastos ng ginawa ko eh. Parang iniwan ko lang siya sa ere. Tsk. Dapat may gawin ako.
Kinuha ko ang phone ko at tinext ko siya.
"Busy ka ba diyan? Let's meet."
Ilang minuto lang at nagreply siya.
"Di naman. Saan?"
"Sa room ko. Di yun nakalock so pumasok ka lang. I'll meet you there in a minute."
Nagreply siya pero di ko na binasa.
"Ah Tito. Masakit pa talaga ulo ko eh. Can you give me half an hour para magrest?"
"Sure. Basta bumalik ka kaagad pag nawala na yung sakit."
"Roger that!" At umalis na ako.
Sumakay na ako sa elevator at tumungo sa room ko. Halatang nasa room na siya kasi hindi nakasara ng maayos ang door.
"Hi!" naabutan ko siyang nakatingin sa salamin habang inaayos ang dress niya.
"Nandito ka na pala. Masakit pa ba ulo mo?"
"Konti na lang pero gusto ko pang magrest." Humiga na ako sa kama.
"Bat sinama mo pa ako dito kung matutulog ka lang pala ulit?" Pagsusungit niya. I get it.
"Ayaw mo ba akong makasama?"
"Di naman sa ganon."
"Eh ano pala?" Tumingin siya sa akin. Yung bang parang gusto niyang pumatay ng tao.
"ALAM MO BA KUNG GANO KAMI KATAGAL NAGHANDA PARA SA PARTY NIYO? TAZ DADALHIN MO LANG PALA AKO DITO KWARTO MO PARA BANTAYAN KANG MATULOG? KUNG ALAM KO LANG NA GANITO LANG GAGAWIN KO EH DI NAGDAMIT MAID NA AKO!" Galit na galit niyang sagot. Big deal ba talaga sa mga babae yun? Umupo ako para makausap siya ng maayos.
"Look, Im sorry. Di ko naman inexpect na sasakit ulo ko eh. I'll make it up to you." at niyakap ko siya. Ano ba pwedeng gawin? Hmm.
Nilabas ko ang phone at naghanap ng music. Ayun!
*Plays Can I have This Dance*
Lumuhod ako sa harapan niya at inabot ang kamay ko. "Shall we?"
Ngumiti naman siya at kinuha ang kamay ko. Tumayo ako at nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang niya. Nilagay naman niya ang kanyang mga kamay sa balikat ko.
"You look so stunning. Gumanda ka lalo."
"Sus. Ganyan ka lang kasi nagkasala ka." Ngumiti na lang ako.
Pinagmasdan ko ang napakagandang dilag sa harapan ko at naramdaman ko na sa bawat pagsunod namin sa ritmo ng kanta ay lalo akong nahuhulog sa kanya. Yung pakiramdam na ayaw mo nang bumitaw sa ganoong position. Yung wala ka ng tanging maiisip kundi siya lamang. Alam kong mali tong ginagawa namin pero sa oras na yon, naramdaman ko na ito ang pinakamagandang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko.
Hindi man kami nag uusap pero alam kong nararamdaman niya kung gaano ko siya kamahal at ganoon rin ang pakiramdam ko sa kanya. Hanggang sa nagkadikit ang mga noo namin. Pumikit siya na para bang may gusto siyang iparating. Hindi na ako nag atubiling idampi ang aking mga labi sa kanyang labi.
-Star24
BINABASA MO ANG
It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLD
RomansaPano kung nagsimula lang kayo sa isang biro? Yung bang biglaan lang ang pagdating niya sa buhay mo. At dahil diyan, natatakot kang BIGLAAN din ang pagkawala niya sa buhay mo. Si Vince Eli Rodriguez ay isang karaniwang high school student. Simple lan...