5: The Mission

9.1K 299 23
                                    

Citadel—binubuo ng limang malalaking gusali kung saan nagtatrabaho ang higit sa limampung libong Guardians at ang kastilyo ng mga Zacharias kung saan nagsisilbing opisina, at kasalukuyang pinamumunuan ng mga miyembro ng Order of the Superiors.

Dalawang araw ang inabot bago malibot ang halos kalahati ng buong Citadel. Hindi pa sakop sa napuntahan ang mga lugar na nire-renovate, dine-develop para sa mga bagong laboratory, gardens, war ruins, guild cemetery, gyms, at tatlong training grounds.

Nagbalik ang mag-asawa sa meeting room ng mga Superior at panibagong briefing na naman para sa rules and regulations. Sina No. 99 at Cas ang nagbibigay ng guide sa kanila tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa lugar na iyon at bilang mga bagong Superior. Binigyan na rin sila ng tig-iisang kopya ng Criminel Credo na dalawampung pulgada ang taas, labingwalong pulgada ang lapad, at limang pulgada ang kapal.

"Handbook 'to?" nagtatakang tanong ni Josef habang titig na titig sa hawak na librong kasingkapal ng hollowblock.

"Revised na 'yan base sa mga amended article, at isang code lang ang nandiyan. For field guide lang, hindi pa kasama ang codes na para dito sa loob ng Citadel," panimula ni Cas. "Nawala at nabago na ang ilang Code of Conducts pagkawala ng ibang mga Superior. Nadagdagan na rin ang mga policy na malapit nang i-update sa mga association head. Isipin n'yo na lang na summarized na 'yan para sa inyo. Pagbalik n'yo rito sa Citadel, saka ko kayo bibigyan ng kopya ng batas na para naman dito sa loob ng guild."

"Summarized?" takang bulong ni Josef habang tinititigan ang makapal na librong nasa harapan niya. "Huling beses na nabasa ko ang Criminel Credo, hindi pa 'yon ganito ka-summarize."

"Pasalamat na lang tayo kasi handbook ang tinawag nila rito. Kung pocket version 'to, ngayon pa lang, may sisirain na 'kong grupo," seryosong sinabi ni Armida habang dismayadong nililipat-lipat ang pahina ng handbook na hawak niya.

"Actually, may pocket version. Hanggang volume 389. Every volume has four hundred and seventy-five pages. Complete and revised," nakangiting sinabi ni Cas sa kanila. "Copies for trainees."

Tumahimik ang buong meeting room. Bumaon ang titig nina Armida at Josef kay Cas.

Makalipas ang ilang minuto . . .

"Alam mo, Josef, yung lolo mo, ma-issue talaga 'yon sa buhay e," sarkastikong bulong ni Armida habang dinuduro ang asawa niya sa malapitan. "Namumuro na 'yon sa 'kin, ha."

Napangisi na lang si Josef at tinampal sa noo ang asawa niya. "Ayan ka na naman. Basahin mo na lang," nakangising utos ng lalaki. "Anyway, nabasa n'yo na ba 'to?" tanong ni Josef kina Cas.

"Yes. We have to," sagot agad ni Cas.

"Talaga? Gaano katagal?" tanong ni Armida para matantiya niya kung magbabasa pa ba siya o hindi na.

"It took me two days. Straight," sagot ni Cas. Tumingin siya kay No. 99 para alamin ang sagot nito.

"What?" buong pagtatakang tanong ni No. 99 habang isa-isang tinitingnan ang tatlo.

"Did you read the revised copy of the Criminel Credo?" tanong pa ulit ni Cas kay No. 99 .

"Of course." Pinaling-paling ni No. 99 ang leeg para sukatin kung gaano katagal bago niya natapos ang handbook. "Kaunting agwat lang ng kay Cas. I think." At mukhang hindi pa siya sigurado sa sagot.

Si Armida na ang nagtanong. "You think?"

"I read the important pages, that's enough," paliwanag ni No. 99.

Nasa mukha ni Cas na dismayado siya sa sinagot ni No. 99. Si Josef, humugot na lang ng hininga at naasiwa sa sitwasyon, samantalang si Armida naman ay nginisihan ang sariling ama.

"You didn't read it, did you?" tanong ni Cas habang nakataas ang kilay kay No. 99.

"I did," mariing tugon ni No. 99, pilit pinaniniwala si Cas at ang mag-asawa.

"You're a Superior. You should've read it." Poker-faced lang si Cas habang nakahalukipkip at nakatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa dulo ng mesa.

"I've read it. And besides, assassin ako, hindi bookworm. My job is to kill my targets and implement the law, your job is to make these laws. I know you know the difference."

Ngumiti nang sobrang lapad si Armida habang nakatingin kay No. 99.

"I love you now," masayang sabi ni Armida kay No. 99.

"Read it," matigas na utos ni No. 99 kay Armida.

"Make me." Humalukipkip si Armida at sumandal sa inuupuan. "Assassin ako, hindi bookworm. My job is to kill my targets and implement the law, not to read these pieces of paper," dugtong niya habang ang tamis ng ngiti sa ama.

"Nakita mo na'ng kalokohan mo, Yoo Ji?" tanging nasabi ni Cas kay No. 99 at saka umiling.

Binuksan na lang ni Cas ang projector sa loob para sa susunod na bahagi.

"Let's proceed. Bago kayo makapunta rito sa Citadel, siyam na Superiors ang wala at nawala sa puwesto," panimula ni Cas.

"Para lang sa posisyon ko, siyam agad ang t-in-erminate n'yo?" mapanghamong tanong ni Armida. "Ilang Superior ba ang kaya n'yong patayin para lang sa titulo?"

Napunta tuloy ang atensiyon nina Cas at No. 99 sa anak.

"Matagal nang kulang ang guild, bago pa man patawan ng parusa ang mga hindi umaayon," seryosong sagot ni Cas, "at marami kaming kayang isakripisyo para lang sa posisyon mo."

"Dahil ba threat ako kung magiging kalaban n'yo 'ko?" puno ng kompiyansang tanong ni Armida.

"Dahil anak kita," walang kaabog-abog na sagot ni Cas. "At papatay ako at ang ama mo ng kahit sinong hindi tatanggap sa 'yo sa lugar na 'to."

Agad na naglaho ang ngiti ni Armida. Napalitan iyon ng nakatagong galit na matagal na nitong kinikimkim sa loob.

"Papatay kayo para sa 'kin pero kayo mismo, gusto akong patayin."

"Para din sa 'yo ang lahat ng 'yon," sagot na lang ni No. 99. "Utang na loob mo sa 'min kaya ka nariyan sa posisyon mo."

"Nandito ako dahil nandito ang taong 'to," pagturo niya kay Josef, "at hindi ko kahit kailan tatanawing utang na loob ang lahat ng 'to. Tandaan n'yo 'yan."

Tumayo na si Armida at walang paalam na lumabas ng meeting room.

"Ah—" Napatayo na lang si Josef at napalingon sa direksiyon ng pintuan. Hindi niya alam kung susundan ba ang asawa o patatapusin ang briefing na iyon.

"Hayaan mo na siya, Ricardo," sabi ni No. 99.

"Ano ba'ng gusto n'yong mangyari?" tanong agad ni Josef bago sundan ang asawa.

"Hindi na puwedeng bumiyahe ang Fuhrer para personal na ibigay ang Summons sa mga bibigyan ng titulo ng pagiging Superior," sabi ni Cas. "Isa sa trabaho ng Fuhrer at delegates ang magbigay ng invitation sa mga Superior candidate."

"Ano 'yon, pupuntahan namin silang lahat? Nang personal?" litong tanong ni Josef. "Puwede ba kaming tumanggi?"

"Hindi kayo puwedengmamili. Tinanggap ninyo ang posisyon, panindigan ninyo ang ginawa ninyong desisyon.Mas madalas patawan ng castigation ang mga Superior na hindi sumusunod sa Credokaysa inaasahan ninyo."

Project RYJO 4: The Superiors: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon