Halos mandilim ang paningin ni Armida habang nilalakad ang basa at sementadong daan ng pier. Taas-baba ang dibdib niya at halos panlisikan ng mata ang warehouse na balak tunguhin.
Walang ibang laman ang isip niya kundi trinaydor siya ng matandang Zubin. At ang dahilan na naiintindihan lang niya, gustong maparusahan si Cas—at sa kung paanong paraan, ang alam lang niya ay may kinalaman na naman doon ang kinaiinisan niyang Credo.
"Tigil!" sigaw ng isa sa mga bantay sa labas ng warehouse.
Nagtaas ng isang kamay si Armida at inangat ang briefcase na hawak. "Pakisabi sa boss mo, nandito na yung kailangan niya!" sigaw rin niya at ni hindi man lang huminto sa paglalakad.
Nagpalitan ng tingin ang mga armadong bantay. May isang lumapit kay Armida at marahas siyang hinawakan sa kanang braso.
"'Wag mo nang subukang lumaban," babala ng lalaki sa kanya.
Napahinto sa paglalakad si Armida at halos pigilan ang sarili na huwag tanggalin ang ulo ng lalaking humatak ng braso niya.
"Ipagdasal mong hindi kita makita kapag natapos 'to," matigas na sinabi ni Armida. "Matamaan lang kita ng paningin ko, ipapalamon ko 'yang atay mo sa 'yo."
Marahas ding binawi ni Armida ang braso niya at nagpatiuna na siya sa warehouse na binuksan ng isang lalaking armado rin ng mataas na kalibre ng baril.
Maraming lalaking armado sa paligid pagpasok ni Armida sa may kadilimang warehouse na iyon. Tambak ang malalaking crates sa gilid. Mukhang may meeting sa lugar at naabutan niya sina Carlos Zubin na nag-e-examine ng mga kahon sa isang nakabukas na wooden crate.
"Boss," pagtawag ng lalaking naghatid kay Armida. "Nandito na."
Napahinto si Carlos Zubin at mahinang natawa. Umangat-baba ang balikat nito habang tumatawa at umiiling.
"Cassy darling!" malakas na pagbati nito at tumalikod na para harapin si Armida. Inilahad nito ang mga braso habang malapad ang ngiti. "What a surprise!"
"Yeah, what a fucking surprise," sarcastic na sinabi ni Armida sabay ngisi. Hinalbot ng isang lalaking bantay sa kamay niya ang briefcase na lalo niyang ikinainis.
"Sabi ng supplier, magandang quality ito kahit synthetically produced mula sa deadly nightshade," kuwento ng matanda habang tinititigan ang hawak na mesotheraphy gun na may lamang lason sa syringe.
"Belladonna . . ." mahinang sabi ni Armida at tinitigan ang lasong hawak ng matanda.
"Hindi ko alam kung paano ko masusubukan 'to pero mukhang alam ko na ngayon kung paano."
Naningkit agad ang mga mata ni Armida dahil hindi siya tanga para hindi isiping siya ang tinutukoy ng matanda.
"Pakiramdam ko, ang tagal talaga nating hindi nagkita, Cassandra," sabi pa ni Carlos sa kanya habang pinapasadahan ng tingin ang hawak na makitid na baril. "Tumawag ang tao ko sa 'kin. Wala raw silang namataang Guardian sa casino."
Si Armida naman ang natawa kahit naiinis. "Iniisip mo bang kakailanganin ko ng Guardian para lang gawin ang pinagagawa mo, hmm?"
Napahinto si Carlos at inilipat ang tingin kay Armida. Para bang nagulat ito sa narinig. Saglit itong hindi nakapagsalita. Humugot lang ito ng hininga at tumanaw sa malayo na parang naghahanap ng sasabihin. "Alam ko kung paano ka kumilos, Cassandra." Tumango pa ang matanda na parang naniniguro sa sinasabi. "I don't want to exaggerate the endeavor, but . . ." Ibinalik niya ang tingin kay Armida. "Walang Guardian sa perimeter, terminated ang mga target, and the latest update was . . ."
BINABASA MO ANG
Project RYJO 4: The Superiors: Assassins
ActionMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...