15: Dark Side of Shadow

8.7K 266 8
                                    

Pinalipas ni Josef ang buong maghapon bago muling kumilos nang mag-isa. Matagal-tagal na rin noong makatanggap siya ng trabaho. Ilang taon din iyon, hindi pa kasama ang nangyari sa auction. Iniwan niyang tulog si Armida. At mas mabuti na iyon dahil hindi siya nakakakilos nang maayos kapag kasama ito. Mas gusto niyang nagtatrabaho nang tahimik at walang ingay.

Paglubog na paglubog ng araw. Lumabas ng unit si Josef na bihis na bihis. Black long-sleeved shirt na nakatupi ang manggas, black trouser, at black leather shoes—kadalasan niyang suot kapag nagtatrabaho siya nang gabi. Mas madilim na kulay, mas mahihirapan ang lahat na makita ang gagawin niya.

Nagbigay ng instruction si Cas, naging madali na para dito ang i-locate ang target nila. At mukhang tama nga ang hinala niya dahil sa nakita niya noong nakaraang gabi—Elites ang may kagagawan ng nangyaring pagsabog. Kung sakali mang tama ang naiisip niya, parehas ng target ang grupo at ang Scheduler.

Isinara ang kalsada sa palibot ng nasunog na building. Hindi na rin kumalat ang apoy dahil naapula agad. Nagsimula sa itaas ng gusali ang pagsabog at hindi na nadamay pa ang mga floor sa ibaba, ngunit pinalikas pa rin ang mga nakatira doon. Amoy na amoy pa ang usok sa lugar. Nasa madilim na eskinita si Josef na katapat naturang gusali. Pagitan iyon ng isang bakod ng pabrika at mataas na bakod naman ng isang residential house. Nakasandal lang siya sa pader habang tinitingnan ang mapusyaw na ilaw ng bombilya galing sa isang bahay, sampung metro ang layo mula sa kinasasandalan niya.

Hindi pa nagbabalik ang koryente sa buong lugar kaya ang ibang naroon ay napilitang gumamit ng generator upang magkailaw kahit paano.

Umaalulong ang mga aso. Nahaharangan ng mga kulumpon ng ulap ang bilog na buwan. Malamig ang simoy ng hangin.

"Ikaw ba ang may kagagawan ng pagsabog kagabi?" sabi ng boses mula sa kung saan.

Lumingon si Josef sa kaliwang gilid, sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya roon ang babaeng nakalaban nila noong nakaraang gabi. Nakasuot ito ng itim na halter top na hanggang ibaba lang ng dibdib ang haba, camouflage shorts, at black boots. Pansin niya ang benda sa binti nito at ang holster sa belt na may iba't ibang klase ng nakasukbit na armas.

"Marami kayo, di ba?" tanong pa nito habang tinututukan ng baril si Josef.

"Hindi ako kabilang sa mga taong tinutukoy mo," iyon na lang ang nasabi niya. "Hindi rin ako assassin. Hindi ako lalaban sa 'yo."

"Then why are you here?"

"I'm here for a proposition."

"Are you tracking me?"

Nakarinig si Josef ng kasa ng baril.

"Who are you?" tanong pa ng babae.

"I'm Josef and I'm here to summon you."

"Summon for what?"

"We are part of a guild named Superiors. We rule the land. We implement laws. We punish law-breakers. And you are invited to be a part of it."

"Huh!" Natawa ang babae. "Wala akong interes umanib sa kung anong organisasyon na hindi ko kilala."

Napatayo nang diretso dahil doon si Josef at seryosong tinapunan ng tingin ang Scheduler.

"Hindi ko tinatanong kung interesado ka," mababa ang tonong sinabi ni Josef. Humakbang na siya papalapit sa direksyon ng babaeng kausap, binabalewala ang panunutok nito ng baril.

"I won't go near me if I were you," banta ni Scheduler.

Hindi iyon inintindi ni Josef at humakbang na naman.

Bang!

Alam ng Scheduler na natamaan niya ang lalaki ngunit ang ikinatataka niya ay patuloy pa rin ito sa paglapit.

Project RYJO 4: The Superiors: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon