One week later.
"Hagh—! Ugh! Ugh! Ugh!"
Nagising si Armida sa isang medical facility na hindi niya alam kung saan. Nakadikit sa kanya ang maraming tubo. Dextrose, dugo, oxygen, mga kableng nakadugtong sa dibdib niya para i-monitor ang heartbeat niya para sa ECG. Meron ding mga nakakabit sa ulo at braso niya. Puno ng malalaking makina, oxygen tanks, computers at kung ano-ano pa sa loob ng lugar na iyon.
Nanaginip siya nang masama. At hindi niya nagustuhan ang panaginip niyang iyon kaya una niyang hinanap ang asawa niya.
"Josef?"
Tinanggal niya ang oxygen pati na ang IV na naka-connect sa dugo at dextrose. Nanghihina pa siya pero kaya na niyang tumayo. Namamanhid ang likod niya pero nararamdaman naman niya ang ilang parte ng katawan niya. Ilang beses na siyang nagkaganoon kaya sanay na siya.
"Josef?" Halatang bagong gising ang boses niya dahil basag pa.
May mga nakadikit pa sa kamay niyang mga IV na nag-co-connect sa iba pang tubo pero hindi na niya tinanggal.
"Josef?! Hindi ka ba nakakarinig?" Bumangon na siya sa hinihigaan at tiningnan ang paligid.
Biglang pumasok sa loob ang isang nurse na may dalang notes. Napahinto ito nang makita si Armida na nakatayo na.
"O-o-oh my god."
"Pakitawag nga ang asawa ko."
"D-D-Doc! Doc!" Hindi naalis ang tingin niya kay Armida habang tumatawag ng doktor. "Doc!"
"Tinatanong kita kung nasaan ang asawa ko."
"Doc, gising na ang pasyente!" sigaw niya habang paatras nang paatras.
"Hindi ka ba marunong sumagot?" Nilapitan niya agad ang nurse na mukhang nakakita ng multo at hinawakan agad ito sa kuwelyo ng suot na uniporme.
"M-M-Ma'am, 'wag po muna kay—"
"I'm asking you. Where. Is. My. Fucking. Husband. Hmm?"
"Ma'am . . ."
"WHERE?!" Ibinato niya nang sobrang lakas ang nurse at tumama ito sa tangke ng oxygen sa tabi ng hinigaan niya.
Mabilis niyang tinungo ang pinto ngunit nandoon na agad ang mga doktor.
"Sedatives! Faster!"
Lumapit ang mga nurse sa kanya at hinawakan siya. Tinurukan siya ng sedatives ng isang nurse pero hindi agad iyon tumatalab. Kinuha niya ang kuwelyo ng nurse at ibinato lang niya ito nang walang kahirap-hirap sa iba pang mga nurse na pumigil sa kanya.
"Miss, can you please calm—" Nag-angat ito ng syringe na akmang ituturok sa kanya pero agad niya iyong hinalbot at isinaksak nang mariin sa leeg ng doktor.
"Where is Josef!"
Tuloy-tuloy na siyang lumabas ng medical facility at nilakad ang hallway ng ospital.
"Josef!" pagtawag niya kahit na parang matutumba siya anumang oras. "Josef, nasaan ka na?!"
Napahinto siya nang makita si Cas na nakatayo sa may dulo ng hallway at parang nakakita ng multo pagkakita sa kanya.
Hindi na niya nagawa pang humakbang ng isa at tinitigan na lang ang babae sa dulo ng pasilyo. "Cas," mahinahon niyang pagtawag dito. "Cas, yung asawa ko," kalmado niyang tanong habang lumalakad siya papalapit dito.
Umiling lang si Cas habang unti-unting humahakbang palayo sa kanya.
"Cassandra, si Josef."
Pumatak na ang luha ni Cas habang unti-unti siyang nilalapitan ni Armida.
"I'm asking you. Where . . . is . . . my . . . husband."
Napahinto si Cas nang malamang pader na ang nasa likuran niya.
"Cassandra," huling pagtawag ni Armida at huminto sa harapan ng ina. "Nasaan ang asawa ko!"
Kinuha niya ang kwelyo ni Cas at buong lakas niyang inangat ito habang nakadikit sa may pader
"Tinatanong kita! Nasaan si Josef!"
"A-Armi-da." Pinipilit ni Cas na bumitaw sa pagkakahawak ni Armida sa kanya.
"NASAAN ANG ASAWA KO?!"
~ To Be Continued ~
BINABASA MO ANG
Project RYJO 4: The Superiors: Assassins
AcciónMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...