Pagtapak na pagtapak nila sa lobby ng casino-hotel, nagkukumpulan ang mga tao sa entrance at may mga dumarating nang mga pulis at ambulansiya base sa ingay sa labas.
"I don't want to offend you, pero hindi pang-tao ang ginawa mo," sabi ni Josef habang pinanonood nila ang lahat na asikasuhin ang mga biktimang hindi pa inaalis sa mga puwesto nito para imbestigahan.
"No offense taken," sagot naman ni Armida at bumalik sila sa backstage kung saan mas siksikan ang mga contestant ng ballroom competition na naudlot.
Mabilis na kinuha ni Josef ang kamay ni Armida para hindi ito mawala sa siksikang lugar na iyon.
"Binaril ba?"
"Sabi ng emcee, hindi."
"Ano raw ang nangyari?"
"Hindi pa nila alam."
"Buhay pa ba?"
"Wala na. Tatlo raw yung patay."
Nakalabas agad ang dalawa mula sa backdoor ng hotel. Kung magulo na sa loob, mas magulo pa sa labas. Ang daming nakapalibot na mga police mobile at ambulansya.
"Hindi ko alam kung magpapasalamat ba 'kong malinis kang trumabaho or what," sabi pa ni Josef at tumungo agad sila sa parking lot sa gilid ng hotel. "For sure, may suspect na sila kung sino ang mastermind."
"Ang importante naman, wala silang clue sa kung sino ang killer," sagot agad ni Armida.
Mabilis na pumuwesto si Armida sa isang gray Maserati na nakaparada sa gitna ng napakaraming kotse at nginitian si Josef. "We can't call a service for this one, Josef. Alam mong magkakaproblema tayo." Hinubad niya ang natitirang gold harclip sa buhok niya at sinubukang buksan ang kotse.
"Alam mong may alarm 'yang kotse, di ba?"
Bago pa man madampi ang hairclip sa lock ng sasakyan, natigilan na agad si Armida at buong pagtatakang tiningnan ang asawa niya. "So, ano'ng gusto mong gawin ko?" Itinuro niya ang sasakyan. "Steal this car. NOW."
Matamis na ngumiti si Josef at itinaas ang kanang kamay. May hawak siyang remote key fob at pinindot iyon.
Beep! Beep!
Sabay silang napatingin sa gilid. Limang sasakyan din ang layo ng tunog mula sa Maserati. Agad na nagkatinginan ang mag-asawa.
"Where the hell did you get that?" nagdududang tanong agad ni Armida sa asawa niya.
"This is how I steal car, Miss Armida Zordick. Hindi ako amateur," at nakangiti siyang naglakad papunta sa kotseng tumunog.
"Huh!" Masamang tiningnan ni Armida ang asawa niyang naglalakad. "Yabang!"
Umandar na ang isang kotse at huminto sa tapat ng Maserati ang isang silver Mclaren Mansory.
"Wow, nice," nasabi ni Armida at lumapit doon. "You drive that?"
"Hindi ba halata?" sagot agad ni Josef at binuksan mula sa loob ang pinto ng kotse sa may passenger seat.
Umikot na papunta roon si Armida at sumakay agad. Tiningnan niya si Josef na seryoso lang at mukhang handa nang umalis sa lugar na iyon. Naka-activate na agad sa GPS ang Blue Marginal kung saan sila pupunta.
"I know how you work," sabi agad ni Armida habang nakikita ang mukha ng asawa niya. Masyadong seryoso si Josef, at nakita na niyang nagseryoso ito pero hindi gaya ng nababasa niya sa mukha nito sa mga sandaling iyon.
Walang lumabas na kahit ano kay Josef. Pinaandar lang nito ang sasakyan sa direksyon na kabila ng kung nasaan ang mga pulis.
"Ano'ng laman ng briefcase?" mabgat na tanong ni Armida.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 4: The Superiors: Assassins
ActionMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...