29: Final Touch

1.4K 86 4
                                    

Walang alarm sa paligid, pero alam nilang nagkakagulo sa lobby ng hotel. Nakatuon lang ang tingin ni Josef sa phone niya at binabasa ang detalyeng sunod-sunod na ibinibigay ni Cas kung nasaan na si Xandra Lee.

"Guess you can't do it alone," pang-asar ni Armida sa asawa niya. "Partner tayo. You can't go alone doing this job dahil dalawa tayong in-assign dito."

Sinulyapan ni Josef si Armida at saka siya napabuga ng hangin. "I'm just trying to save you," katwiran niya habang hinihintay makaabot sa 23rd floor ang elevator. Nasa 15 pa lang at nakailang beses ding huminto at nagsakay ng ilang attendant na nag-ro-room service.

"Save me from what?" mataray na tanong ni Armida. "Sa target?" Sumandal siya sa malamig na dingding ng elevator at pinagmasdang maigi si Josef. "Okay, I'm not gonna fight. Para lang matahimik ang loob mo."

Saglit na nandilat ang mga mata ni Josef na parang ayaw pang maniwala sa isang imposibleng bagay na mula sa bibig ng asawa niya. "Mahirap sa 'king makitang nahihirapan ka, okay?" Sinulyapan niya si Armida at binigyan ng matipid na ngiti. "I want us to be safe. I want you to be safe." Saka niya tinapos ang pagbabasa ng detalye sa phone na hawak
 
Napahilig sa kanan ang ulo ni Armida at nagtatakang tiningnan ang asawa niya. "That's weird. We always tried to kill each other before, di ba? Tapos concern ka sa 'kin ngayon."

Napaayos ng tayo si Josef at tinigilan ang pagbabasa sa phone. Naniningkit ang mga mata niya nang tingnan si Armida. Sinusukat ng tingin ang mga sinasabi at inaakto nito.

"Mission pa rin 'to, Josef. I can handle myself—"

"No," putol niya agad dito. "You can't."

"Why? Is it about that loose cannon thing again?" Nadismaya agad si Armida sa naisip. "Laging iniisip ng lahat na kapag nasa paligid ako, para akong plague na uubusin silang lahat. Can we disregard that part right now?"

Lalong umikot ang mata ni Josef sa sinabing iyon ni Armida sabay buga ng hininga. "You just killed three men using what? While doing what?" Inilahad niya paharap kay Armida ang mga palad para ipakita ang punto niya. "Asawa kita. And I want to do this task normally."

Saglit na nagitla roon si Armida at unti-unting tumawa. Nagtaas siya ng kanang hintuturo at iwinagayway iyon kay Josef. "That's a good joke. I'll buy that."

"Armida, ito lang ang kaya kong gawin para sa 'yo." Bumigat ang tono ni Josef at nadagdagan na naman ang konsensyang bumabagabag sa kanya. "I don't know where to begin. I don't know what to do." Bumuga siya ng hangin at saka napailing. "Hindi madaling isipin na ililigtas mo ang pinakadelikadong taong nakilala mo sa tanang buhay mo. That alone is stressful enough. How am I supposed to do that? Pumatay ka nga nang hindi ko alam kung paano, and obviously, this hotel's lobby is a chaos right now."

"Then don't stress yourself," sagot na lang ni Armida at hinintay na bumukas ang elevator. "Wala naman akong sinabing iligtas mo 'ko. For all we know, Cas assigned me para maging Guardian mo."

"That's a lie."

"Then ask her where the hell is Xerez right now."

Ting!

Lumabas na ang dalawa sa elevator. 2317 ang room number ni Xandra Lee pero nasa kalahati pa lang sila ng floor, nakita na nila itong naglalakad sa hallway.

Sabay-sabay silang napahinto para tingnan ang isa't isa. Ilang dipa rin ang pumagitan sa mag-asawa at sa target.

"Oh!" gulat na nasabi ni Armida. "Mas madali pala 'to sa inaasahan ko." Inilahad niya ang kanang palad kay Josef. "Card."

Marahas ang buga ng hangin ni Josef at pinaikutan ng mata ang asawa niya. Kinuha niya sa bulsa ng suit ang summons at inilapag sa palad nito.

"Xandra Lee," pagbati ni Armida habang naglalakad palapit sa dalaga at hinaguran ito ng tingin. Bumagay rito ang suot na black and white infinity dress, kaya alam niyang mahihirapan itong lumaban sa kanya dahil magiging abala ang tela sa kilos nito. Naka-high pony tail ito at bumagay sa soft rosy smokey eye at pink lipstick. Hindi mahahalata kung ano bang klaseng tao ang dalaga.

Project RYJO 4: The Superiors: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon