Kung may isang bagay silang pinagsisisihang mag-asawa, malamang iyon ay ang pagsusuot ng damit na available sa penthouse—unisex white T-shirts na magkasingsukat lang, comfy gray shorts, at ang pinakamalala sa lahat, rubber slippers na nahubad gawa ng pagkaladkad sa kanila ng mga dumukot sa kanila sa hotel.
"Great!" malakas na sabi ni Josef nang ibaba sila sa kung saan ng sasakyang naghatid sila sa kawalan. "Now, where are we?"
Matapos makipag-usap sa matandang nagngangalang Carlos Zubin, piniringan na naman sila at kinaladkad na naman papunta sa kung saan, isinakay sa isang sasakyan, at iniwan sa kung saang lugar na hindi sila pamilyar—o marahil ay si Josef lang ang hindi.
Dinampot ng lalaki ang briefcase na ibinato na lang basta sa kalsada at kasama sa ipinadala sa kanila. Sinundan lang niya ng tingin ang sasakyang humarurot palayo sa kanila sa kabilang direksyon na puro talahib na lang bago lumiko sa kanan.
Nakatanaw lang si Armida sa malayo. Abot naman ng tingin nilang dalawa ang pinakamalapit na town center. Pinalagpas lang sila nang kaunti sa boundary ng city na pinanggalingan.
"We can walk from here," sabi ni Armida nang lingunin si Josef sa kanan niya. "Hindi naman malayo ang pinagbabaan nila sa 'tin."
Napabuga ng hininga si Josef at saglit na napakamot ng ulo. "Alam mo, hindi ko makuha kung bakit ka na naman pumatol sa kung anong deal sa matandang 'yon."
Nagsimula nang maglakad ang dalawa at binaybay ang blangkong kalsada. Maliban sa matataas na talahib at damuhan, wala nang ibang nakapaligid sa kanila sa lugar na iyon.
"He called me Cas," sagot ni Armida. "He knew your mother. He helped your mother once because of Cas." Tiningala niya nang kaunti si Josef para sukatin ito ng tingin. "They found us here because of that photo. Inisip niyang tayo yung nasa picture na 'yon. He knew them."
"Okay, nandoon na tayo," pagsuko ni Josef sa usapan nila. "But that wasn't enough to validate your reason to accept that job he was asking us to do."
"E bakit hindi ka kumontra kanina no'ng ginagawa ko yung deal?"
"Because . . ." Napatingin sa itaas si Josef at napabuga ng hangin. Sinubukan niyang pigilan ngunit tinututukan na sila ng baril. At ayaw niya talaga ng gulo. "Okay, sige na. No comment. But there should be at least a car driving here," reklamo na lang niya nang tantanan ang usapan. Dama niya ang init ng kalsada mula sa mga paang walang kahit anong nakasapin. "I could . . ." Napakibit-balikat siya at hindi na itinuloy ang gustong sabihin.
"You could steal it, I know," pagtapos ni Armida sa naputol na salita ng lalaki. "Malas mo, this land was bought years ago. It's a private property, and I guess, that geezer bought this. Walang maliligaw ritong sasakyan dahil dulong lupain ito."
Pinaikutan lang ng mata ni Josef ang sinabi ng asawa niya.
Sampung minutong paglalakad at ang pinakamalapit lang na bilihan ng gamit sa lugar nila ay ang natatanaw nilang mall—sakop iyon ng boundary ng private land na pinanggalingan at ang private land na pagmamay-ari ng business mogul na si Erajin Hill-Miller.
"The . . . Mi . . . llers," pagbaybay ni Josef at natulala lang sa fountain na inaagusan ang pader na may naka-engrave na The Millers. Hindi na niya binalak pang magtanong kung kanino ang lugar dahil parang alam na niya ang sagot.
"Tara, nagugutom ako," sabi ni Armida at nilakad na ang papasok sa loob ng mall.
"Wala tayong pera," bulong ni Josef sa kanya. "Sigurado ka rito?"
"Kung wala tayong pera, nandiyan ka naman," sabi ni Armida na diretso lang ang tingin sa nilalakaran nila.
"Mukha ba 'kong may dala?" sagot ni Josef habang takang-takang nakasunod sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 4: The Superiors: Assassins
AksiMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...