Heryoso ang tingin ni Josef sa daang binabagtas. Nakabukas ang locator na guide niya papunta sa bar na tinutukoy ni Cas.
"Turn left."
Malayo pa lang, tanaw na ni Josef ang umiilaw na neon sign ng bar.
"4 Persona," pagbasa niya sa kumukutitap na ilaw sa itaas ng entrance. Hindi niya naiwasang isipin si RYJO tungkol sa pangalan ng bar. Huminto siya roon at ipinarada ang sasakyan sa parking lot ng establisimiyento. Sinilip pa niya ang loob mula sa entrance. Madilim ngunit may naglalarong mga ilaw sa loob. Naririnig niya ang ingay roon pero alam niyang paglalim pa ng gabi ay may ilalakas pa ang ingay na iyon. Nasa alas-otso pa lang naman ng gabi.
Bumaba na siya ng kotse at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bar. Hindi bago sa kanya ang ganoong lugar, pero hindi siya nag-e-enjoy sa maingay, sa mainit, at sa amoy ng ganoong paligid. Mas gusto pa niyang magbasa nang tahimik sa kuwarto niya kaysa sa ganoon kaingay na lugar. At dahil sikat ang next target nila, kompara sa Scheduler, alam na niya ang profile nito at mukha.
"Tara, hatid na kita sa hotel."
"No, thanks, Avegon. Magta—"
Bigla siyang may nakabunggong babae habang palinga-linga sa paligid.
"Sorry," sabi niya sa kung sino mang nakabungguan niya at ipinagpatuloy pa rin ang pagtingin-tingin sa paligid.
Para sa kanya, mabilis nang mahanap ang target dahil kilala ito sa lugar. Marami mang tao sa mga oras na iyon, alam naman na niya kung paano maghahanap ng pakay nang hindi nahihirapan.
Lumapit siya sa bar counter at um-order ng inumin.
"Old fashioned," sabi niya sa bartender na nakasuot lang ng itim na T-shirt na pinunit ang manggas kaya naging sleeveless. Nilapagan siya ng lalaking puno ng tattoo ang braso at agad na nagtagpo ang mga mata nila nang hawakan niya ang baso.
"Bago ka?" tanong pa nito sa kanya.
Nagkibit-balikat siya at humigop nang kaunti sa alak. "I'm a Lee fan," sabi niya rito nang nakangiti. "Baka lang makita ko rito tonight."
Nginitian siya ng bartender at saka ito umiling na parang nakakatawa ang sinabi niya. "Ang dami n'yo nang nag-aabang ngayong gabi."
Napahigop na naman si Josef ng alak at tumingin-tingin sa paligid. "Nandito na ba?" tanong niya.
Natawa na naman nang mahina ang bartender at nagbigay na lang din ng alak sa ibang umo-order. "Nagpunta lang sa restroom."
"Hey, Tyler," sabi ng isang babaeng tumabi kay Josef. Nakataas ito ng kanang hintuturo at inayos ang pagkakaupo sa stool. Pinagpag nito ang suot na blue peplum dress at denim shorts na masyadong maikli at hayag ang sa hita.
Nakangiti ang bartender kay Josef nang mabasa nito sa mukha ng lalaki na nakita na nito ang hinahanap.
"Enjoy," sabi ng bartender para sa kanilang dalawa nang lapagan nito ng isang serving ng Gimlet ang babaeng katabi ni Josef.
Hinagod ng tingin ni Josef ang katabi. Mas mukha itong mature sa personal. Mas matangkad gawa ng heels na tumataliwas sa inaasahan niyang five foot six nitong taas ayon sa profile nila. Sa pagkakaalam niya, assassin din ang katabi. Hindi nga lang kasingsikat gaya ng lebel nila, pero alam niyang may pangalan.
"You're too young to be here," seryosong sinabi ni Josef sa katabi. Napatingin tuloy ito sa kanya "I'm Josef."
Tumaas ang kilay nito at nakatanggap agad siya ng mapanghusgang tingin. "I'm sorry, mister, you're not my type," seryoso nitong sinabi sa kanya.
"Much better." Kinuha ni Josef ang Summons card sa breast pocket ng button-down shirt niya. "Xandra Lee, I know who you really are. My wife was an assassin." Casual lang ang pag-uusap. Walang sigawan, walang pressure. Mas maigi para sa kanyang ayaw ng ingay sa misyon. "We're completing the list of our candidates. If you're not familiar with the Order of the Superiors, you can check that out personally." Ipinatong ni Josef ang card na may nakasulat na Burn Me in Old English Text font sa bar counter at inilapit kay Xandra.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 4: The Superiors: Assassins
ActionMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...