12: It's Getting Hot in Here

9K 280 30
                                    

Isang package ang ipinadala at natanggap ng mag-asawa, dalawampung minuto makalipas nilang makarating sa next location. Inabot lang iyon ng isang lalaking maraming tattoo sa katawan at naninigarilyo. Hindi mukhang alagad ng Citadel, ani nga ni Armida. Wala naman daw kasing taga-Citadel ang dugyot.

Tanghali na at nagpa-deliver na lang sila ng pagkain dahil walang kahit anong maluluto roon si Josef.

"Um-hmm, what's this?" tanong ni Armida habang ngumunguya ng chicken drumstick. Hawak niya ang isang device na may hawig sa virtual assistance single lens eyeglass. "Is this a scouter?" sabi niya habang isinusuot sa tainga ang naturang gamit. "Kaya ba nitong sukatin ang puwersa ng kalaban?"

"Scouter?" natatawang tanong ni Josef. "You watch cartoons?"

"That's not a cartoon, you uncultured swine," dismayadong sinabi ni Armida. "Learn how to distinguish, man." Pinindot niya ang isang button doon at biglang lumitaw ang profile ni Josef sa maliit na glass plate na nasa eye part niya.

"Ooh, this is cool." May sarili nga iyong virtual assistance and navigator. Nakikita niya ang profile ni Josef sa lens at naririnig sa earpod na nakakonekta roon ang sinasabi ng virtual assistant. "It sounds like Siri."

Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ng device.

"We can use this for tracking locations," sabi ni Armida sabay tapon sa hawak pabalik sa box. "Malamang kung nandito si Laby, hindi na natin kailangang isa-isahin pa 'to."

"Hey, earphone." Hinagis ni Josef ang isang bluetooth earphone sa asawa na nasalo naman nito.

"Wala ba silang ipinadalang magagamit ko? Guns? Rifle? Laser sword? Flame thrower?" sarkastikong reklamo ni Armida.

"Armida, we're here to summon them, not to terminate them," paalala agad ni Josef.

"Tsh." Sumimangot lang si Armida at ipinagpatuloy na ang pagkain.




11:37 p.m. ayon sa kanya-kanya nilang relo.

"Aaah . . . aaah . . . sige pa."

Umaalingawngaw ang malakas na ungol sa buong kuwarto.

"Pakilakas nga ng fan."

"Uhm . . . Bilis pa . . . aaah . . . igiling mo. Ayan. Ah, ang sarap."

"Malakas na 'yan."

Pawis na pawis na ang mag-asawa. Napakagat na lang ng labi si Josef sabay lunok.

"Hindi ko na kaya," sabi ni Armida sa malalim na boses at mabigat na paghinga.

"Kaunting tiis na lang," sagot ni Josef habang nagpupunas ng pawis.

"Aaah . . . idiin mo pa. Aaah . . . uhm. Sige pa."

Dinig na dinig ang enjoyment base sa ungol na animo'y naka-loudspeaker pa sa sobrang lakas.

"Goddammit!" nanggigigil na sigaw ni Armida.

Hinawakan na lang nang mahigpit ni Josef ang pulso ng asawa. "Don't!"

Isang malakas na "AAAH" sa isang matinis na tinig ang pumuno sa buong kuwarto nila.

"Fuck!" sigaw ni Armida at hindi na napigilan ang sarili. Tinabig niya ang kamay ni Josef.

"Mag-focus ka nga!" sigaw ng lalaki. Hindi siya pinakinggan ni Armida at agad itong tumayo.

Pinunasan ng babae ang noo niyang pawis na pawis dahil sobrang init na talaga sa loob ng kuwarto nila na ang tanging ventilation lang ay ang wall fan na palyado pa dahil namamatay-matay every ten minutes. Dali-dali niyang tinungo ang dingding sa kaliwa.

Project RYJO 4: The Superiors: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon