23: Abducted

8.6K 251 9
                                    

Ilang minuto pa bago ang alas-singko at kataka-taka nga namang may tatawag, lalo na ang front office, sa ganoong oras.

"Hello?" masungit na sagot ni Armida sa telepono.

"Armida Zordick . . ."

Nailayo ni Armida ang telepono sa tainga niya at tiningnan iyon. Lalaki ang nagsalita. Babae ang madalas na sumasagot sa front office, hindi rin boses ni Johanson. At walang tatawag sa kanya ng Armida Zordick sa lugar na iyon. Ibinalik niya ang telepono sa tainga.

"Who the fuck are you?" mabigat niyang tanong sa kausap at tinitigan nang masama ang kaharap na pader.

"Armida?" pagtawag ni Josef na mukhang katatapos lang magbanlaw.

Masamang tingin ang ipinukol ni Armida kay Josef, nagbabadya ng hindi magandang balita.

"It's been a long time."

"Say your name or I'll drop this call."

"My boys will pick up you up later. May utang ka pang kailangang bayaran sa 'kin."

"I'm asking who the fuck are you, son of a bitch!" sigaw ni Armida ngunit ibinagsak na ng kausap niya ang telepono. Pinandilatan lang niya ang hawak at idinako ang masamang tingin kay Josef.

"Problem?" tanong pa ng lalaki habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok. Kahit ito, mukhang nakaramdam na hindi maganda ang balita ng taong tumawag.

"A man, I don't think he was using a voice changer. Bet he's older than expected—sixty? Seventy?" pagkilala ni Armida sa nakausap. "And he called me by my name."

"RYJO?" takang tanong ni Josef.

"Armida Zordick."

Napadiretso ng tayo si Josef at nakaramdam din ng kakaibang kaba. Alam nilang walang nakakakilala sa asawa niya sa pangalang iyon maliban sa kanila.

"I'll prepare," nasabi na lang ni Armida at tinapos na ang paliligo para makapaghanda na.




Nagmamadali ang mag-asawang bumalik sa suite sa 15th floor. Nandoon ang ilang gamit nila para ma-contact si Cas. May nakakilala kay Armida sa tunay nitong pangalan at gusto nila ng sagot sa mga tanong nila na si Cas lang ang makapagbibigay.

Ngunit bago pa man sila makatapak sa pasilyo ng 15th floor, nakaabang na roon ang anim na kalalakihang mukhang may inaabangan sa hallway na iyon.

"You think, gawa 'to ng target natin?" mahinang tanong ni Armida habang nakatingin sa mga lalaking nakatingin na rin sa kanila.

Magkasabay na tumapak palabas ng elevator ang dalawa at tiningnan ang mga lalaking naglabas na ng kani-kanilang mga armas.

"Back off," sabi agad ni Armida at humakbang na paharap para pangunahan ang paglaban.

"Hey, hey, what?" Umalma agad si Josef at hinatak sa tabi niya ang kasama. "Don't fight."

Tinaasan agad ng kilay ni Armida ang sinabi ni Josef at napahalukipkip pa. "Those guys just pulled out their guns, Mister Richard Zach! And you tell me not to fight? Oh, puh-lease!"

Nagulat na lang si Armida at nanlaki ang mga mata nang makitang may tumama nang dart sa kanang braso ni Josef.

Sabay pa silang napatingin doon pagkatapos ay sa mga lalaking bumaril.

"Oh shit," nasabi ni Josef at mabilis na binunot ang dart na bumaon sa braso niya.

"What the hell are you doing?!" malakas na sigaw ni Armida at kinuha niya agad ang dart na nasa kamay ng asawa at binato pabalik sa bumaril niyon. Bilang ganti, bumaon naman ito leeg ng isang lalaking wala namang hawak na baril.

Project RYJO 4: The Superiors: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon