13: Mission 2 - The Scheduler

8.5K 252 4
                                    

"Take this!" Ibinato ni Josef ang bluetooth earphone at smart watch kay Armida. Sinalo iyon ng asawa at dali-daling lumabas ng unit nila.

Nakikita ni Josef mula sa bintana na nilalamon na ng apoy ang building na minamatyagan nila.

"She's destroying the whole town," bulong ni Josef sa sarili habang sinusuot ang bluetooth earphone niya pati na ang smart watch.

Lumabas na rin siya ng unit at walang ano-ano'y tumalon mula sa fourth floor ng building na tinutuluyan nila.

Diretso ang katawan niya nang ihulog ang sarili paharap sa pinto ng unit nila. Tumapak siya sa railings ng second floor ng gusali at saka walang kahirap-hirap na nag-backflip para sa tuluyang paglapag sa sementadong daan. Pagtapak na pagtapak ng paa niya sa lupa ay agad siyang tumayo nang diretso. Matagal-tagal na rin noong huli niyang ginawa iyon. At sa laki niyang iyon, nakabibilib na para siyang pusa kung kumilos.

Paglingon niya sa likuran . . .

"P're, ayos ka lang?" tanong pa sa kanya ng isang lalaki na may hawak na bote ng alak, kasama ang isang grupong nag-iinuman sa tapat ng apartment building na iyon.

Pare-parehas silang natigilan dahil sa nakita.

"Well . . ." Itinaas ni Josef ang hintuturo upang magpaliwanag pa pero naunahan na agad siya ng virtual assistant magsalita.

"Turn left," sabi sa earphone na suot. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang gumana ang kagamitan samantalang hindi pa naman niya ito ginagalaw. Napahinto siya sandali at nag-isip.

Tiningnan niya ang kanan. Dead end.

Tiningnan niya ang kaliwa. Kalsada.

Wala siyang magagawa kundi sundin ang virtual assistant sa instruction nito.

Samantala . . .

"Turn right."

Sumunod lang si Armida at tuloy-tuloy sa pagtakbo.

"Turn right."

Hinawi niya ang basang buhok na dumidikit sa pisngi. Pataas nang pataas ang adrenaline rush niya habang nakikita ang building na nasusunog at ang mga taong nakikiusyoso sa sumabog na gusali.

"Turn left."

Napunta siya sa isang madilim na eskinita na ang tanging ilaw lang ay ang kaunting liwanag sa bombilya sa poste limampung metro ang layo sa kinatatayuan niya.

Tuloy-tuloy siya sa pagtakbo nang bigla siyang napahinto at napaatras.

Biglang lumapag, dalawang metro ang layo sa kanya, ang isang babaeng nakasuot ng itim na racerback top, black cargo pants, at black leather boots. Kung hindi lang malinaw ang mata niya sa dilim ay hindi niya ito agad na mapapansin. Naka-high ponytail ang buhok nito habang may dalang Savage 110 BA.

"You must be the Scheduler!" hinihingal ngunit nakangising sinabi ni Armida habang mabilis na inuusisa ang kabuuan ng babae.

Nagulat ang Scheduler dahil hindi niya inaasahan na may susulpot sa kinaroroonan nila. Ang alam niya ay cleared ang lugar at walang tatao. Mas hindi niya inaasahan na tatawagin ni Armida ang codename niya kahit hindi niya ito kilala.

"Nice rifle! 1,500 meters away, huh? Not bad."

"Shit!" Bago pa makakilos si Armida, nadaplisan na agad siya sa kanang sentido ng bala galing sa rifle. "What the fuck!"

Nagulat din ang Scheduler dahil gitna ng noo ang puntirya nito ngunit daplis lang ang nakuha ni Armida.

Masyado nang matalas ang lahat ng pandama ni Armida at kusa nang kumikilos ang katawan niya kapag nakararamdam ito ng palapit na panganib. Hindi man niya mamalayan, kusa nang gumagana ang sensory at motor skills niya bilang si RYJO.

Project RYJO 4: The Superiors: AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon