Katatapos lang maghapunan ng dalawa. Matapos lumubog ng araw lang nila sinimulan ang pagbabasa ng profile ng next target nila. Nagtataka lang sila dahil front desk pa ng condo ang nagbigay sa kanila ng envelope imbis na ipadala na lang sa email. Basta pagbukas na lang nila ng envelope, bumungad na agad ang note ni Cas na nagsasabing: "To avoid possible hacking. This is highliy confidential." May punto naman dahil kung may magmo-monitor sa mga activity nila, madali lang nitong malalaman ang misyon na ginagawa nila kung sakaling ma-hack ang email.
"Sino ang susunod na target?" tanong ni Armida habang tinitingnan ang mga gamit na laman ng maleta nila. Naka-indian seat siya sa sahig ng receiving area at kinalkal ang bahagi ng lalagyan ng gamit na hindi niya pinakialaman agad.
"The Scheduler. Malinis ang record," sabi ni Josef habang nakaupo sa couch at binabasa ang lahat ng detalyeng nasa papel.
Natigilan si Armida. "Paanong malinis ang record?"
"Walang relevant details sa background. May tatlong record na kasama pero unidentified ang sources at unreliable pa, pero c-in-onsider ng Citadel na puwedeng magamit natin. S-Class equivalent. Assassin. This one's a she."
Napatayo si Armida at nilingon si Josef. "Assassin?"
"Yeah. Why?"
"Ano'ng balak ng Citadel at nagre-recruit sila ng mas maraming assassin ngayon sa guild?"
Nagkibit-balikat si Josef. "Alam mong wala pang sasagot sa 'tin tungkol diyan. Pero malamang, naghahanda sila sa puwede mong gawin." Tiningnan niya ang asawa nang may matipid na ngiti. "Remember, Superiors din ang nagpaparusa sa kapwa nila Superiors."
"Kung sa bagay." Napatango na lang si Armida nang maisip iyon. "Ah!" Itinaas niya ang hintuturo para utusan ang asawa. "Pakisabi nga kay Cas, kailangan na natin ngayon ng matinong service."
Tumalima agad si Josef at tumawag agad pero naka-loud speaker naman.
"Ikaw ang kumausap," sabi pa ng lalaki.
Sinimangutan lang siya ni Armida. "Hawak mo na, ako pa'ng uutusan mo? Gusto mong ibato ko 'tong maleta sa 'yo?"
"Ma-attitude ka rin, Misis! Iba ka!" sarkastikong sinabi ni Josef at siya na nga ang kumausap kay Cas nang sumagot ito.
"Hey, Ca—"
"Tomorrow, 7 a.m. sharp. Hihintayin kayo ng van sa parking area block 7-C third floor."
At biglang naputol ang tawag bago pa man maisara ni Josef ang bibig niya.
"Told ya, they're listening to us," mapagdudang sinabi ni Armida habang naniningkit ang mga mata.
"Do we still need to call them?" nalilitong tanong tuloy ni Josef at itinapon agad ang phone sa kama. Ibinalik na lang niya ang tingin sa mga papel na hawak para pag-aralan pa ang misyon nila. "This person could kill hundreds of people with a single blow."
"At sino namang papatay ng ganoon karaming tao, aber?"
Nagkibit-balikat si Josef. "Siya?" Natawa nang mahina si Josef. "Can you do this . . . kill too many people with a single attack?" Tiningnan niya si Armida para manghingi ng sagot.
Wala namang ibang mababasa sa mukha ng babae kundi "At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"You can't." Si Josef na ang sumagot sa sariling tanong.
"I could throw a nuclear bomb in a whole region and kill an entire village with my own bare hands," naiinis at nagyayabang na sagot ni Armida dahil hinahamon ni Josef ang kakayahan niya.
"But not with a single blow."
"That was a single blow! And who the fuck will do that evilness on Earth, huh? That's total annihilation."
Itinaas lang ni Josef ang papel na hawak niya habang nakangisi para ipakitang ang target nila ang sagot sa sinabi ni Armida.
"Bullshit!"
Natawang bigla si Josef. "Bakit ka galit?"
"Nambubuwisit ka ba, ha?"
"Bakit nagagalit ka? Sinasabi ko lang namang hindi mo kayang gawin ang ginagawa niya."
Tumayo si Armida at sinipa ang couch na inuupuan ni Josef. "Gusto mong gawin ko sa 'yo ang ginagawa ko sa iba, ha?"
Natawa si Josef pero pinilit niyang pigilan ang pagtawa. "Ang init ng ulo mo. Nagsasabi lang naman ako."
Dinuro ni Armida si Josef. "Isang salita mo pa, sasamain ka talaga sa 'kin." Padabog niyang kinuha ang isang pakete ng facial tissue at tumungo na papuntang banyo.
"O, sa'n ka pupunta?" nakangising tanong ni Josef.
"Doon sa wala akong makikitang diyablo!" sigaw ni Armida sa asawang nang-aasar.
"'Wag kang pupunta ng banyo. Makikita mo ang sarili mo!" Ang lakas pa ng tawa ni Josef pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nagpanting ang tainga ni Armida at napakagat na lang ng labi. Kumuha siya ng glass display sa itaas ng cabinet at ibinato kay Josef. Nakailag naman ito pero nadaplisan pa rin sa may kanang balikat.
"Oy! Binabato ka ba?" reklamo ni Josef.
"Fuck you!"
Pumasok na si Armida sabanyo at ibinagsak ang pinto pagpasok.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 4: The Superiors: Assassins
ActionMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...