Hindi na namalayan ni Armida na nakatulog na pala siya matapos ang nangyari noong nakaraang gabi. Nagising siya sa puting sofa bed at balot na balot ng kumot. Bumangon siya agad at tiningnan ang paligid.
Ang daming basag na gamit. Magulo ang isang bahagi ng penthouse. Nagkalat ang mga display.
Hinawakan niya ang leeg na sumasakit. Tiningnan niya ang sarili sa salamin na malapit sa hinihigaan. Wala pa rin siyang kahit anong suot. May mga kiss mark pa siya sa leeg. May pasa rin ang balikat niya at mga braso na hindi niya alam kung bakit hindi pa naghihilom. Tumayo na siya at nag-inat.
"Ah—" Napayukod siya nang biglang sumakit ang likod. Mukhang nabugbog din siya dahil sa ginawa ni Josef. Hindi niya inaasahang lalabanan nga siya nito. Medyo nangangawit din ang mga hita niya at nananakit ang nasa pagitan niyon. Ibang klase rin ang asawa niya. Napapaisip tuloy siya kung nakailang babae muna ito bago siya. Gusto niyang magbabad sa bathtub na puno ng yelo para lang mawala ang sakit ng katawan.
Dumiretso na siya sa banyo para magbabad. Gusto niyang ma-relax naman pagkatapos ng naging away nila ng asawa kagabi.
Mas tahimik at komportable sa loob ng bathroom. Tama lang ang liwanag ng mild yellow light para hindi siya masilaw. Gray, black, gold, and white ang kulay sa paligid. Malaki rin nang di-hamak kompara sa tinirhan nila sa condo (raw) noong nakaraang gabi. Pagpasok niya roon, nakita niya agad na prenteng-prenteng nakababad si Josef sa bathtub na puno ng bula. Nakapikit lang ito habang nakapatong ang mga braso sa gilid ng bathtub habang nakikinig ng Piano Sonata No. 16. na tumutugtog sa music player na nasa dingding.
"Inunahan pa 'ko," bulong niya at lumapit na sa bathtub. Una niyang nilublob ang kanang paa niya. Nagising tuloy si Josef at gulat na tiningnan siya.
"O, gising ka na agad?" tanong pa nito habang sinusundan ng tingin ang asawa. "Alas-kuwatro pa lang, a."
"Di ba dapat, ako ang nagtatanong niyan sa 'yo?" Sumampa na si Armida sa bathtub. Sinalo naman siya ni Josef.
"Aray!" Napangiwi si Josef dahil sa sakit na gawa ng pagkakasalo niya kay Armida. Nabugbog talaga siya dahil sa ginawa nito.
Sumandal ang babae sa katawan ni Josef. Nakasandig ang ulo niya sa balikat nito at para siyang batang nilalaro ang mga bula.
Pumikit na lang uli si Josef at bumalik sa pagre-relax na ginagawa. Ipinatong ulit niya ang mga braso sa bathtub at itinuloy ang pahinga.
"Kumusta yung target?" biglang tanong ni Armida habang hinihihipan ang mga bula.
"She was nice. Kinuha naman niya yung Summons." Nakapikit pa rin si Josef at hindi pa rin kumikilos sa puwesto niya.
"You can do it all by yourself," sabi ni Armida. Napadilat tuloy si Josef dahil mukhang ibabalik na naman nito ang pinagtalunan nila kagabi. "She said it herself."
"Armida . . ." Kinuha ni Josef ang kaliwang kamay ng asawa niyang nilalaro ang bula at binanlawan iyon saka inangat. Hinawakan niya ang wedding ring na suot nitong ipinagpapasalamat niya dahil hindi nito hinuhubad.
"Kaya lang siguro ako isinama sa 'yo, para hindi ako maging sakit sa ulo roon sa Citadel."
"That's not true," pakunswelo ni Josef at hinalikan sa may sentido ang asawa niyang nagdadamdam. "I need you here, okay?"
"No," matigas nitong sinabi. "If you really need me, sana isinama mo 'ko kagabi."
Napahugot na naman ng hininga si Josef dahil hindi pa rin ito nakaka-move on sa issue nila tungkol sa pagsosolo niya sa trabaho nilang dalawa.
"Tapos na, okay?" katwiran na lang niya. "I don't want to see you getting hurt again."
"Assassin ako, I'm used to getting hurt."
BINABASA MO ANG
Project RYJO 4: The Superiors: Assassins
ActionMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...