Ala-una na ng hapon. Nakabalik na ang mag-asawa sa hotel. Sinabi ni Armida na mas maganda kung doon muna sila sa penthouse dahil alam niyang inaayos ang suite niyang sinira niya kagabi lang.
At voila! Mukhang hindi nagulo ang penthouse pagkabalik nila roon dahil sobrang ayos na. Kahit ang glass wall, mga basag na display, mga nasirang furniture, mga kalat ay nawala na. Wala nang bakas na ginulo ang lugar na iyon kagabi lang.
"Ayos ka sa mga housekeeper, huh? Mabilis at malinis trumabaho," bati ni Josef habang tinitingnan ulit ang buong penthouse na parang noon lang niya nakita.
"Alam nilang laging nagugulo 'tong penthouse kapag nandito ako. May special team talagang humahawak ng paglilinis ng kuwarto ko." Inilapag na niya ang briefcase sa coffee table na katapat lang ng 55-inch Smart TV.
"Let's call Cas," sabi ni Armida kay Josef pero hindi na rin natuloy dahil agad na bumukas ang TV at mukha ni Cas ang bumungad sa kanila.
"What happened?" seryosong bungad na tanong nito.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Puno ng tanong ang tingin dahil parang pinanonood sila ni Cas mula sa Citadel at alam na alam nito ang lahat ng nangyayari sa kanila. Kahit ang timing nito, saktong-sakto na parang kinabitan sila ng monitoring system sa sarili nilang mga katawan.
Agad ang lipat ng atensiyon ni Armida sa TV at lumapit nang ilang hakbang doon. "I know you know what happened. You tell us what happened."
Nagkasukatan ng tingin ang mag-ina. Para bang nananalamin lang sina Armida at Cas sa isa't isa. Ang kaibahan lang ay maikli ang buhok ni Cas na hanggang leeg lang ang haba kompara kay Armida na hanggang dibdib.
"Who's Carlos?" pamagitan ni Josef sa mag-ina.
Kitang-kita nila kung gaano ka-propesyunal si Cas sa trabaho nito. Walang gulat, walang takot, walang pag-aalala. Blangkong ekspresyon ang nasa mukha. Walang mensaheng ipinararating ang mga matang magkahalo ang kulay berde at tsokolate na diretso ang tingin sa kanilang mag-asawa. Mahirap basahin. Mahirap hanapan ng sagot.
"Isa si Carlos Zubin sa hindi kinukuhang organization ng Citadel," panimula ni Cas. "The Fuhrer don't want him in."
"Because?" masungit na tanong ni Armida at pinagkrus ang mga braso. "Mukhang okay yung grupo. Magandang investment. Kaaway n'yo ba?"
Hindi agad nakasagot si Cas. Saglit itong pumikit at humugot ng hininga. Napaangat ng tingin ang mag-asawa dahil nakakita sila ng panibagong emosyon sa kausap. Matipid ang ngiti nito nang ibalik sa kanila ang diretsong tingin. Walang nakakatawa sa sitwasyon kaya hindi nila alam kung para saan ang ngiting iyon. "Because I once saved Anjanette Malavega from your grandfather, Ricardo. And Carlos helped me once to do that in order for you to live. The Fuhrer never trust traitors."
Sumagap naman ng hangin si Josef habang nakatingin kay Cas. Alam niya iyon. May ideya siya sa tinutukoy nito. Dahil alam niya na kung hindi dahil kay Cas, malamang ay hindi siya ipinanganak ng mama niya.
"Then he doesn't trust you," maangas na sagot ni Armida sa sinabi ni Cas.
"We don't trust each other here in this hell hole, kid," mapagmataas na kontra ni Cas. "Trust is the last thing you can give to anybody here in this place."
"E di, hindi ka pala namin dapat pagkatiwalaan," sagot na naman ni Armida.
"I need no trust from anybody—as well as for you both. All you need is to follow the law or you'll die from it."
May tiningnan ito sa gilid, parang nagta-type sa computer.
Nagkatinginan na naman ang mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Project RYJO 4: The Superiors: Assassins
ActionMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...