Chapter 14 *Ready Go!!*

359 2 0
                                    

(A/N) Dedicated kay NoroameYurei kasi natuwa talaga ako sa Blazer A.C.E. kahit first update pa lang ang mayro'n.. ^______^

Sorry po sa sobrang tagal ng update.. Ay, alam n'yo bang naplano ko na yung prequel nito.. Sorry, masyado pa 'kong bata kaya kailangan maraming pinagkakaabalahan.. Medyo mas cool yung prequel nito.. Ito kasi... secret!! Basahin n'yo na lang 'to tapos yung prequel niya called 'Look Through My Eyes' ay ipo-post ko na kapag nagawa ko na.. ^____^

Should I call 'Ang Best Friend Kong Multo' the Book 2 of Look Through My Eyes or just consider 'Look Through My Eyes' a prequel?? Help me decide, guys!! \(*O*)/

Recap: Lunchtime, nagpunta sa principal's office si Clear para ibigay kay Ana yung files tungkol sa seniors. Sinabi ni Ana kay Clear yung tungkol sa pagkamatay ni Tita Martha, na alam iyon ni Gray. Magkikita si Dylan at Clear sa fire exit para iabot kay Clear yung message ng Secret Admirer niya na gustong makipag-date sa kanya. Mababasa 'to ni Gray at bubugbugin si Dylan dahil matagal na pala niyang alam na may gusto si Dylan kay Clear. Dismissal, nangamusta si Martin kay Clear.

After a long time of waiting, here you go..

R|E|A|D

*Ready Go!!*

[Clear's POV]

"WWWOOOOOOOOOOOOOOOOOOHHHHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!" Napatayo pa 'ko sa sobrang tuwa. (^/O\^)

"Go, GRAY!!!! KAYA MO IYAN!!!" Si Gray kasi ang mags-serve eh mukhang magaling din yung kalabang team. Last point na lang para sa kalabang team pero three points pa sa team ng section nila. 

(A/N) I-play n'yo na yung Ready Go!! sa right side.. Wala naman talagang part na kakantahin yung song na iyan sa chapter na 'to, eh.. Naisip ko lang ilagay kasi iyan ang dahilan kung bakit naisip kong magpa-Intrams sa Sherwood Academy.. ^_____^ ♥ ♥

Volleyball na ang game ngayon. Basketball ang nasa kabilang court pero wala naman kina Gray, Dylan at Martin ang naglalaro ng basketball kaya bahala lang yung basketball players nila do'n. Wala rin naman akong interes sa basketball. Medyo nae-eww ako sa basketball players, eh. =_______=

"YEAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!" Sa totoo lang, kanina pa 'ko pinagtitinginan ng ibang audience dito. Nakakainis lang ang Sherwood-ers, 'no? Simula nang pumasok siya dito sa Sherwood Academy, nilalayuan na siya ng lahat dahil sa pagiging special niya. (-___-)

Grabe, iniwasan lang nung isang player yung bola. Babae kasi, haha. Kapag laro, laro. Walang babae't lalaki kasi nagiging pandaraya iyan, eh. Hindi naman tinira ni mallows yung ulo ng babae tinarget lang niya yung side nung babae na nag-sub eh parang posing-posing lang ang alam.

Ayan! Tig-one point na lang ang kailangan. Simula nang mag-sub yung babaeng model na yata sa kaka-pose, wala nang nagawa yung team nila. Naging serving game na lang. Well, good for us kasi advantage iyon para sa 'min. Si Gray pa rin ang magse-serve pero mukhang masamang-masama ang tingin ng ace player ng kabilang team, number 14 ang player na iyon. Last point na sila kanina pa pero biglang tumigil simula nang mag-serve si Gray. *O*

Tahimik lang akong nakatitig sa bola. Baka masira ang concentration ni Gray kapag sumigaw ako at nagtitili. Nag-serve si Gray, nasagot ni number 14. Tumakbo agad papunta sa harap ng net si Gray para sagutin yung bola na mabilis dumating sa kanila. Aamba siyang mag-spike?

Hindi forte ni Gray ang spiking. Mas magaling pa 'kong mag-spike kaysa diyan, eh. Minsan kasi naglalaro kami dati sa mansion nina Dylan. Magaling sa volleyball si Gray pero lagi niyang iniiwasan ang pag-spike dahil usually pababa masyado ang tira niya o kaya dumadaplis kapag masyadong nagmamadali.

Ang Best Friend Kong MultoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon