(A/N) Hi po!! Alam kong dapat busy ako ngayon kasi second day of exam na bukas, eh, first ngayon.. pero kagabi kasi biglang nag-flash sa utak ko 'to.. Wala lang.. Baka mas maganda 'to kaysa sa ibang stories na naiisip ko.
Ongoing pa po yung My Biggest Estate pero para lang makapag-warmup minsan, gagawin ko 'tong story na 'to.
Sana po basahin niyo din. I'll try my best to make this cute and entertaining..
<3 <3 <3 <3 <3 <3
*Meet Gray*
[Clear's POV]
Dismissal time na.. Naka-bag na 'ko at papauwi na.. Friday ngayon so makakapag-bonding kami nila Gray tiyaka ni Jackie, yung best friend kong multo nga.
Kinalabit ako ni Gray. Pagharap ko, kiss sa lips ang inabot ko. ^/////////////////^ Grabe!!!!!!!! Ang sweet niya talaga!!! "Mallows, halika, sabay na tayong umuwi." Inakbayan niya 'ko. Naka-bag na siya at ready for takeoff na nga.
>/////< Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag tinatawag akong mallows ni Gray. "Sure, Gray!!! I love you, eh."
Kinurot ni Gray yung cheek ko. "Mallows, 'di ba dapat mallows din ang tawag mo sa 'kin? Para sweet... kasi hanggang ngayon first name ko ang tawag mo sa 'kin, eh." Nagpa-cute pa siya. Alam niyo yung nag-puffy cheeks thingy.
"Ayoko ng Mallows sa 'yo.. Gusto ko Gray, cool kasi, eh. At saka, ang gwapo ng dating. Mas bagay sa 'yo. 'Di ba, Jackie?" Tinignan ko yung reaction ni Jackie. "Ah, umm.. Oo? Ewan. Bakla pakinggan kapag nag-agree ako."
Hmmm... Totoo naman. Bakit kasi lalaki ang tinanong ko.
Nagsimula na kaming maglakad. Malapit lang naman yung boarding house, eh.
"Oo nga pala," Nagsalita bigla si Jackie bigla. Nasa kalsada kami. Gusto ba niyang matulad kami ni Gray sa kanya? "'di ba sabi ko ipapakilala ko yung girlfriend ko?"
(O?O) Napatingin kami ni Gray kay Jackie. May girlfriend siya? Eh, 'di ba, ghost na siya?
*BEEP* *BEEP*
Umiwas kami dun sa sasakyan tapos naglakad ulit.
"Pa'no nangyari iyon?" Si Gray ko naman, naninira ng moment ni Jackie. "Dead ka na, eh."
Nakita ko sa mukha ni Jackie na nainis siya. Ikaw ba naman ang sabihan ng dead ka na, 'di ba masakit? Lalo na't totoo.
"Hindi. Seryoso ako. May girlfriend na ako. Kaya lang...... Clear, pwedeng pangalanan mo din muna siya? Wala kasi akong alam na magandang name ng babae maliban sa Clear."
Well, may point siya. Ako kasi ang nag-name sa kanya ng Jacques pero ang tawag ko sa kanya Jackie kasi cute, eh. Parang Jackie Chan lang. Favorite ko si Jackie Chan!!! Heeheehee...
Nagulat ako kasi medyo sumimangot si Gray ko. Hmph! Seloso?! Heehee... It just proves na love niya talaga ako. ^/////^
"Mmmm... Ano ba ang characteristics niya?"
Nagsasalita si Jackie ng hindi tumitingin sa 'kin.
"Umm... Parang ikaw, pero multo." #_# Oh.
Natahimik ako dun. Hindi na rin nagsalita si Jackie lalo na si Gray hanggang sa dumating kami dun sa boarding house namin. Well, sama-sama kami sa isang room kasi gusto ni Gray ko, magkasama daw kami. Si Jackie naman, takot daw sa multo....... Yeah, that's weird kasi multo siya pero ganyan talaga siya, eh.
BINABASA MO ANG
Ang Best Friend Kong Multo
Fantasi[Filipino] Kung may best friend kang kamukhang-kamukha ng boyfriend mong saksakan ng pogi, kakayanin mo kaya? At pa'no kung ang best friend mong gwapo ay isang MULTO? Pa'no kung ang best friend mong multo ay may isang secret mission dito sa lupa? At...