(A/N) Dedicated kay Ate Aly!! Super-ganda ng stories, eh.. Pati yung 'He's A Kidnapper' ang cute-cute!!
*Gray's Request*
[Clear's POV]
HAY, NAKOOOOO!!!!!!! Nakaka-ilang minuto nang hindi namamansin 'to si Gray. Si Jackie naman parang wala lang. Tahimik lang do'n.
*KRUUUG* - Bumukas yung window sa pinto ng kotse. Yung sa likod.
Lumingon ako.
"BLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEECCCCCCCCHHHHHHHH!!!!!!!" Eww. Kadiri. Sumuka si Jackie.
Sumandal na ulit siya sa upuan. Sinarado ni Brianna yung window. "Jacques! Okay ka lang?"
"*huff* *huff*"
May motion sickness din pala si Jackie. Parehas sila ni Gray. Kaya sobrang masungit kasi nga nahihilo siya sa kotse.
Sa wakas, nakarating na rin kami sa beach.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!" Makatili, panabog-eardrums.
"Grabe, ang gwapo niya, oh!" Grabe, nandito girlfriend niya, oh. Come on! Kahit kailan ba walang respect sa 'kin?
"Si Gray Williams ba iyan?" Ay, hindi. Si Dylan Chazeir iyan. 'Di ba obvious? Malamang si Gray iyan. Boyfriend ko iyan, eh.
"Sa'n naman niya napulot yung P.A. niya? Ako na lang sana!" Sinong P.A.? Ako? Maganda pa nga yung pwet ko sa mukha niya. P.A. ka diyan.
"Pare, ganda nung babae. Conservative lang." Conservative kasi nandiyan kayo. Katakot kayo, 'no.
Inilapit ni Gray yung mukha niya sa 'kin siyaka siya bumulong. "Pabayaan mo sila. 'Wag ka nang magalit. Ikaw lang naman ang love ko, mallows. Only you..." >//////////////////////////////////////< Tumango na lang ako. Sige, sige... I trust you, Gray. I love you din.
Naglakad na kami papuntang shore. Alangang mag-stay kami dito?
Nung okay na kami sa location, binaba na ni Gray yung gamit namin. Si Jackie tsaka si Brianna dumiretso na sa beach mismo. Ayun, naglalaro. Parang 'di sila, eh. Parang bata lang.
"Mallows, gutom na 'ko! Kain tayo sa restaurant!" Kain agad?
"Sige. Sa'n kakain? May resto ba dito? Wala akong dalang cash, Gray. Sandwiches na lang?" Pwede namang tiisin lang yung gutom kaya lang siya yung gutom, eh! 'Di ko matitiis iyan.
"May pera ako. Do'n tayo!" Tumuro siya do'n sa Sizzling Cool. Weird. Sizzling per cool? EH!
"CLEAR! HALIKA! LARO TAYO! MAMAYA KA NA KUMAIN! SAYANG ORAS!" Hila-hila 'ko nitong dalawang baliw dito.
"W-wait lang. Ano ba!" Argh! Ba't ba ayaw bumitaw nito!
"Baliw ba siya?" - Hindi. Special lang. Kayo kasi gasgas na. Walang special powers.
"Ang galing niya, 'no! Maganda na ang galing pang mag-magic. Parang may humahatak talaga sa kanya." Meron kasi talaga, eh. Pwedeng tulungan na lang akong ilayo sa mga baliw na 'to?
"Sayang ang ganda, dude. May sayad lang." O.O ARGH!!! Sinong may sayad? Mukha mo isasayad ko sa ngipin ng shark, gusto mo?
"Kawawa naman si Gray. Ganyan shota niya." FYI, hindi ako shota ni Gray. Mukha bang short time lang ako? No way. Buong araw kong kadikit iyang gwapo kong bf, 'no? At saka, maganda naman ako, eh. Caring, loyal,
"Kakain kami ni Gray, eh! Mamaya na lang!" I'm begging you! Let go of my hands!
"Mamaya na lang kayo kumain! Kakakain lang natin, eh." Since when? 3 hours ago yung last meal namin. At saka, this is 'Gray'! Si Gray ang makakasama kong kumain! Of course I'll eat.
Wala. Nahatak ako ng mga baliw. PLEASE. Help me. In the eyes of 'people', I'm crazy. I understand. 'Di kasi nila nakikita yung dalawang 'to, eh.
May bulung-bulungan na naman. Parang mga ewan lang. Bubuyog ba sila?
Lumingon ako para magpatulong kay Gray. Naglakad siya palayo.
Alam niyo bang dati hindi naman ganyan iyan. Super-approachable, makulit, childish, patient. Oo, pasensyoso iyan dati... pero simula nung naging best friend ko si Jackie, naging masungit na. Suplado. Pero alam ko namang love pa rin ako niyan. Love na love ko iyan, eh.
Pero... minsan naiisip kong si Jackie ang reason kung bakit nagbago si Gray. (-_-)
[Gray's POV]
Nakakainis na sila.
Bakit ba sila nangingialam sa buhay ng lovers? Okay na sana, eh. Singit sila ng singit.
Kinuha ko yung phone ko. Text ko si Dylan. Kailangan pa rin hindi masira yung act ko na may ginagawa yung Pace Outrage, band namin. Siya yung main composer namin, eh. Siya madalas mag-compose pero nagco-compose din kami ni Martin.
'Yo, Dyl. Favor. Compose ka ng song para kay mallows. Long story kung bakit. Tell you on Monday. Thanks!'
Send.
**Awaking Emotion**
"Mezameta bakari no kanjo wa
te saguri de yami samayotte
hanasanai mou soba ni iru kara"
Iyan ang ringtone kasi nag-iisang solo niya iyan. Hahahaha!! Namilit siya, eh.
Open message.
'Sure, dude. Ako na bahala sa message? Eh yung persona? Ako na bahala? Text back, last text ko na.'
(O?O) Ang yaman-yaman nitong lokong 'to nauubusan ng load?
'Yeah. Hahahah. Nice. Thanks.' Send.
Balik na sa girlfriend kong mahilig sa mallows.
O.O
"Sorry na, Gray! 'Di na namin agawin mallows mo." - Yung pesteng Jackie Chan na iyan. Nagp-pout pa 'kala mo naman nacu-cute-an ako. Kadiri. Yaoi? EWWWWWWWW!!!
Hinampas ko sila palayo. Multo naman iyan, eh. "Ako lang ang tatawag ng 'mallows' sa kanya. Babalik kayo sa pinanggalingan niyo kapag tinawag mo siyang mallows ulit, Jacques. Ikaw naman, Brianna. Ayusin mo nga 'yang boyfriend mo. Nakakainis, eh." Naglakad na 'ko papunta kay mallows. ^_____________^ Nakakawala ng galit si mallows ko.
"Sorry na daw." Nakatingin lang si mallows sa mga alon. Ang ganda niya talaga kahit sa'ng angle tingnan. Umupo ako sa tabi niya. "Sige na nga. Iyon ang gusto mo, eh." Pasalamat yung Jackie Chan na iyon sa 'kin at best friend siya ni mallows ko kaya pinagpapasensiyahan ko siya.
"Gray! May pagkain na kami! Kayo? Kain na tayo sabay-sabay?" - Brianna.
Nakakainis na talaga kayo, ah.
Bahala kayo diyan.
Tumayo ako at pupunta na sa Sizzling Cool. Weird ng name.
O.O
Niyakap ako ni mallows. "Gray, kain tayo sa Sizzling Cool."
O////////////////////////////////////////////////////////////////O
(A/N) Sorry po parang masyadong maikli yung update.. Student pa rin kasi.. Basahin niyo yung next chapter, ah!! Excited na 'ko!! ♥ ♥
BINABASA MO ANG
Ang Best Friend Kong Multo
Fantasía[Filipino] Kung may best friend kang kamukhang-kamukha ng boyfriend mong saksakan ng pogi, kakayanin mo kaya? At pa'no kung ang best friend mong gwapo ay isang MULTO? Pa'no kung ang best friend mong multo ay may isang secret mission dito sa lupa? At...