Chapter 21: Don't wanna be your friend

1.9K 82 0
                                    

[A/N: Bago ang lahat, kung medyo natatagalan na kayo sa update nitong ABHR, I suggest na basahin niyo po muna yung isa kong FanFiction titled "I am Addicted". Yun po muna basahin niyo habang naghihintay ng update dito. Thank you!]

Jordan's PoV

Three days ang lumipas after ng competition. Hindi kami pinalad gaya ng inaasahan ko. Maganda naman daw yung impromptu song na kinanta namin. Feeling ko, ako ang dahilan kung bakit hindi kami nanalo. Dahil sa pagiging bakla ko. Hindi siguro naging maganda ang tingin sa amin ng judges.

Bumalik na din ang regular classes namin. Madalas kasi kaming excused sa mga klase para sa competition.

Natapos ang Physics class namin na puro lang pagsusulat ng notes ang ginawa namin. Nakakaburyo kapag walang discussion sa totoo lang.

Naging mailap na din sa akin si Daryl. Kahit classmate ko siya, hindi kami nagkakausap. Iniiwasan ko siya at iniiwasan niya ako.

Madalas naman tumambay si Dom sa kwarto ko. He's keeping in touch.

At si Hans naman ay hindi naman masyadong nangungulit. Noong competition kasi lagi niyang bukambibig na pananagutan niya daw ako. Dahil daw may nangyari sa amin. Sa totoo lang, hindi naman kailangan. Hindi naman ako babae para panagutan. Maliit na bagay lang naman ang virginity kaya hindi big deal sa akin yun.

TLE subject na namin at kailangan naming bumili ng bangus para sa activity namin. Fishery ang major ng TLE namin kaya pinagaaralan namin ang mga isda. Nomenclature, anatomy and physiology, at methods kung paano magluto at magprepare ng fish products. Gumagawa din kami ng canned fish and sardines. Kahit na malansa, kailangan naming gawin.

Nagvolunteer na lang ako para bumili ng isda sa market. Kagrupo ko si Daryl kaya nagvolunteer ako. Iniiwasan ko siya kaya ako nagvolunteer.

Palabas na ako ng school at ipinakita sa guard ang gate pass. Pero may humabol sa akin. Si Daryl. Great! Iniiwasan ko siya pero siya naman tong dumidikit.

Sumama na din siya sa pagpunta ko sa palengke. Habang naglalakad, sinikap niyang makapagusap kami.

"Jordan. Pwede bang magusap tayo?" sabi ni Daryl. Hindi ako kumibo at nagpatuloy parin sa paglalakad.

Napadaan kami sa isang eskinita at hinatak niya ako papunta doon.

"Please Jordan. Mag usap tayo. Hindi ako mapapakali hangga't hindi tayo nagkakaayos." sabi niya.

"Ilang beses ko namang sinabi sayo na okay lang naman ako diba?"

"Hindi. Hindi ganun ang nararamdaman mo. Alam kong nasasaktan ka parin at pilit mo lang itinatago."

"Ano bang gusto mong mangyari?"

"Gusto kong maging okay ka na."

"Okay naman ako eh. Wala namang problema sa akin."

Lumabas na ako sa eskinita at sumunod naman siya. Nakarating na kami sa palengke gaya ng inaasahan.

Namimili na ako ng bangus na bibilhin ko. Magde-debone kasi kami. Boneless bangus kumbaga.

"No. 1, you should pick yung bumabalik ang laman kapag pinipindot mo." sabi ng katabi ko. Si Dom pala. Kasabay din pala namin yung section niya sa activity na ito.

Pinindot ko yung laman ng isda, bumabalik naman kaya kukunin ko na to.

"No. 2, check mo muna kung may changes after death ang isda. Yung amoy, kaliskis, at katawan." sabi ni Dom. Napansin niyang basta basta nalang akong pumipili ng isda. Nagmamadali kasi ako dahil kay Daryl. Hindi ko kaya na makasama siya na matagal.

Ibinaling ko ulit ang pansin ko sa isda. Baluktot ang katawan ng isda. May rigor mortis na ito. Magaspang na yung kaliskis at hindi na maganda ang amoy.

"No. 3, icheck mo din yung mata kung adik or hindi. I mean, kung mapula na ang mata, wag mong kunin yun." dagdag ni Dom.

Mapula nga yung mata. Bakit pa nila binebenta to?

"Ay naku anak! Hindi ko binebenta yan! Para yan sa mga nagpapakain ng hayop. Ito yung mga sariwa." turo ng tindera. Mukhang lutang nga ako ngayon. Pwede bang ipakain yung mga isda na yan kay Daryl? #NotCharot

Si Dom na ang namili ng isda para sa akin. At least, alam na alam niya kung ano ang pipiliin.

Humiwalay na sa amin si Dom pabalik ng school. Si Daryl nalang ang kasama ko pabalik.

"Ako na magdadala niyan." kinuha ni Daryl yung dala kong plastic na may lamang isda. Yung pinamili namin kanina. Hinayaan ko nalang na kunin niya at siya na ang magdala. Para naman may silbi siya. #NotCharot

"Jordan, can we still be friends?" bigla niyang sabi. Lumingon ako sa kanya. Kitang kita ko yung pagasa sa istura niya. Kinuha ko ang phone ko at isinaksak ang earphones. Isinuot ko sa kanya ang isa at sa akin naman yung isa pa. Ayaw kong magsalita kaya sa kanta ko nalang idadaan para malaman niya kung ano ba talaga ang gusto ko. Bakit hindi mo ako hayaang makalimot diba?

♬♪♩
I don't wanna see your face
I don't wanna hear your name
I don't want a thing just stay away baby
Don't wanna know if you're alright
Or what you're doin with your life
Don't wanna hear you say
You'll just stay in touch maybe
I'll get by just fine
And if you're goin then darlin'
Good bye, good bye

Don't call me in the middle of the night no more
Don't expect me to be there
Don't think that it'll be the way it was before
Don't think that I care
I'm not over you yet
And I don't wanna be your friend

I'll forget we ever met
I'll forget I ever let
Ever let you into this heart of mine baby
You just gotta let me be
You gotta keep away from me

Coz all I want is just to be free from you baby
Don't you come around
And say you still care
About me, just go now, go now

Don't call me in the middle of the night no more
Don't expect me to be there
Don't think that it'll be the way it was before
Don't think that I care
I'm not over you yet
And I don't wanna be your friend

You take it so casually
But baby it's killing me, yeah

Goodbye, goodbye

Don't call me in the middle of the night no more
Don't expect me to be there
Don't think that it will be the way it was before
No, baby
Don't call me in the middle of the night no more
I'm not over you yet
And I don't wanna be your friend
Don't wanna be your friend
Don't come near
Don't come around
Don't wanna be your friend~

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon