Season 2: Chapter 30: Assurance

1.9K 83 8
                                    

Jordan's PoV

Ikinagulat, ikinatuwa, at ikinalungkot ko ang kagustuhan ni Dom.

Nagulat ako dahil ang akala ko ay lalaban siya para sa akin. Ipaglalaban niya ako hanggang sa huli.

Ikinatuwa ko dahil hindi na ako mahihirapan sa kagustuhan ko.

Ikinalungkot ko dahil sigurado akong hindi na maibabalik ang relasyon namin noon.

It will never be the same again.

"Jordan!" Tawag ng isang lalaki mula sa likod ko. Si Daryl. Tumakbo siya nang marahan papunta sa akin.

"Anong balak mong gawin bakasyon?" Tanong niya.

"Uuwi muna ako siguro sa probinsya." Sagot ko.

"Kailan mo balak umuwi?"

"Sa linggo siguro ako uuwi."

"Aaaahhhh! Sige. Ihahatid na kita sa dorm mo."

Sinamahan niya ako pabalik sa dorm ko. Masaya akong kasama ko siya at sa wakas, hinahanap namin muli ang daan pabalik sa isa't isa.

Ano pa nga ba ang point ng panliligaw niya kung gusto ko din naman siya?

"Andito na tayo. Pasok ka na sa kwarto mo." Sabi niya nang marating na namin ang tapat ng kwarto ko.

Bahagya akong tumawa dahil napaka pormal niyang magsalita.

"Bakit ba ganyan ka magsalita?" Tanong ko na tila natatawa.

"Kinakabahan kasi ako kapag kasama kita. Parang..."

"Butterflies?"

Tumango siya bilang sagot niya. Natuwa ako sa nalaman ko. Hindi ko akalain na may ganitong klase ng lalaki para sa akin. Inaangkin ko nang akin siya! Ano ba?!

"Naisip ko lang na hindi na kita paghihintayin. Sinasagot na kita. Yes!" Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya na para bang ayaw niyang maniwala.

"Totoo ba?!" Tanong pa niya.

"Oo nga! Ayaw mo ba? Sige babawiin ko."

"Wala nang bawian! Boyfriend mo na ako at akin ka na!"

Nagtatalon siya sa tuwa at niyakap ako. Napatigil siya nang marealize niyang yakap niya na pala ako.

"Sorry. Masyado ata ako naging aggressive." Sabi niya.

"Hmmm sige gaganti nalang ako sayo."

Niyakap ko siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Dahan-dahan niya din akong inakap pabalik.

"Akin ka lang ha! Boyfriend mo na ako." Sabi niya.

"Assurance ba ang gusto mo?" Tanong ko. Hindi siya makasagot kaya ako na ang gumawa ng sinasabi kong assurance.

Tumingkayad ako at inilapit ang ulo niya sa akin. Hinalikan ko siya sa labi. Tinagalan ko ang paghalik sa kanya ng ilang segundo.

"Assured na ako." Sabi niya matapos ko siyang halikan sa labi.

Inakap niya akong muli at hinalikan ang aking noo. Baka maspoil ako ng lalaking ito at hanap-hanapin ko itong ginagawa niya.

Dumating na ang araw ng linggo. Ito na ang araw ng pagluwas ko papunta sa probinsiya. Hinihintay ko ang tawag ni Daryl ngayong umaga pero wala maski isa.

Natapos na akong mag impake nang tumawag siya.

"Anong oras ka aalis?" Tanong niya agad.

"After lunch aalis na ako." Sagot ko.

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon