Chapter 37: ILYSB

2.3K 80 2
                                    

Michael's PoV

Bumalik kami ni Daryl sa baratilyo. May nakita kasi siyang gitara at gusto niya daw bilhin 'yon. Kaya binalikan namin at binili niya na din. Kaya naman pala gusto niya yung gitara kasi kulay pula.

May kamahalan din yung gitarang binili niya. Maganda naman kasi yung klase ng gitara.

"Ayan! Nasa tono na 'to." Sabi ni Daryl.

"Try mo nga patugtugin love." Dagdag pa niya.

Nag strum lang ako randomly with random chords din siyempre. Marunong na din akong tumugtog ng gitara kasi tinuturuan ako ni Daryl nitong nakaraang linggo. Akalain mo nga naman na mabilis ko lang natutunan ang pagtugtog ng gitara.

Maya-maya ay may nagtext sa akin. Inabot ko ang gitara kay Daryl at tinignan ang phone ko. Si ate pala yung nagtext.

"Bunso, sunduin mo kami sa presinto nila papa. Malapit na kami doon."

"Sino 'yan love?" Tanong ni Daryl.

"Nagtext si ate. Sabi niya sunduin ko daw sila sa presinto nila papa." Sagot ko.

"Malapit lang naman yun dito di'ba? Puntahan na natin."

Lumarga na kami ni Daryl papunta sa presinto.

Nadaanan namin ang plaza na may stage. May event siguro ngayon.

Nakasulat sa tarpaulin na, Amateur Singing Contest of Barrio Malabanan.

Corny ng pangalan ng contest ha?

"Saglit lang love." Sabi ni Daryl. Agad siyang pumunta sa gilid ng stage at may kinausap. Ano naman kaya ang balak nito ni Daryl?

Maya-maya ay umakyat siya sa stage. Lumapit siya sa microphone stand at nagsalita.

"Magandang gabi po sa inyong lahat! Ako po si Daryl Hednor. Nagmula po ako sa Maynila. Ako po ngayon ay nagbabakasyon kasama ang aking kasintahan. Alam naman po nating lahat na hindi po tanggap ng karamihan ang same sex relationship. Sa mata din ng iba na ang pakikipag relasyon ng mga lalaki sa bakla ay isang pagkakamali. Nandito po ako sa inyong harapan para sabihin na, kung pagkakamali nga ang pakikipag relasyon ng lalaki sa bakla, ito na siguro ang pagkakamaling gagawin kong tama." Sabi ni Daryl. Nagsilapitan ang mga tao. Dumami ang mga tao ngayon kumpara kanina na kaunti lang.

"Hindi po ako contestant sa singing contest na ito. Gusto ko lang pong ipaalam na mahal ko pong tunay si Michael Vincent Jordan. Love, para sa'yo ang kantang 'to."

Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands

And you need to know
You're the only one, alright... alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night

Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad

Mad cool in all my clothes
Mad warm when you get close...to me
Slow dance these summer nights
Our disco ball's my kitchen light

And you need to know
That nobody could take your place, your place
And you need to know
That I'm hella obsessed with your face, your face

Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon