Chapter 29: Malaya

1.8K 90 5
                                    

Dom's PoV

Nakita ko ang lahat kanina. Ang pagbabalik ni Daryl. Akala ko ayos na ang lahat para sa aming dalawa ni Jordan. Hindi pa pala.

Hindi ko alam kung bakit ba sa bakla pa ako nagkagusto. Napakamalas kong tao siguro kung sa bakla pa ako makakaranas ng first heartbreak.

Pero napaka swerte ko dahil kay Jordan ako nagkagusto. Kahit kailan man, hindi ko pagsisisihan iyon.

Pinili ko munang manahimik at huwag munang magpakita kay Jordan. Lulunurin ko muna ang sarili ko sa kalungkutan.

Hindi naging madali ang lahat para sa akin. Kung ikaw ba malaman mong wala ka nang pagasa, madali parin ba sayo?

Sa simula palang alam ko namang si Daryl talaga ang gusto niya. Ako kasi ang dakilang taga-pilit ng sarili. Alam ko namang wala na akong pagasa, pinilit ko pa ang sarili ko. Palakpakan niyo naman ako!

Nabuburyo na ako dito sa loob ng kwarto ko. Hindi kasi ito katulad ng ibang dorm na pwede kang magkaroon ng dormmate.

Lumabas muna ako para malibang. Hindi naman enough ang phone para maentertain ko ang sarili ko.

Naglakad lakad ako kung saan dito sa loob ng school. Bahala na ang mga paa ko kung saan ako nito dalhin.

Limang minuto na akong naglilibot, wala akong napapala dahil sa kawalan. Pero kahit paano, nalilibang ako. Kinakain ang oras ko. Sana pati na din ang feelings ko para kay Jordan ay kainin ng kawalan.

"Ano ba talaga ang desisyon mo?"

Boses na narinig ko. Hinanap ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

Nakita ko sina Alessa at si Jordan sa isang bench. Nagtago ako sa likod ng mga halaman para hindi nila ako makita.

"Gusto kong bigyan ng chance si Dom. Pero si Daryl ang gusto ko." Sabi ni Jordan. Tama talaga ako simula't sapul. Ano bang dapat kong gawin? Ipipilit ko ba ang sarili ko o palalayain ko na siya?

"Gusto mo ba si Dom?" Tanong ni Alessa. Ang tanong na pinaka nakakatakot sa lahat. Kung marinig ko man ngayon ang sagot ni Jordan, hahantong na ako sa isang desisyon.

"Gusto ko si Dom bilang kaibigan. Kaya nga nagaalangan talaga ako kung bibigyan ko pa ba siya ng chance. Ayaw kong mawalan ng kaibigan na katulad niya."

Gaya nga ng sinabi ko, hahantong ako sa isang desisyon kung maririnig ko ang sagot niya ngayon.

Masakit.

Tumulo na ang luha ko.

Masakit.

Tumayo ako. Hindi pa ako handa para sa desisyon ko. Kailangan ko ng isang oras.

Bumalik ako sa dorm at kinuha ang gitara ko.

Pumunta ako sa dorm ni Jordan. Alam kong wala pa siya dito. Hihintayin ko nalang siya dito sa labas.

Para akong tanga dito. Nakaupo at nakasandal sa pinto habang umiiyak. Nakakatawang isipin na ang isang katulad kong tarantado at habulin ng babae ay umiiyak. Umiiyak dahil ganito pala ang pakiramdam kapag nasasaktan.

Madami na akong pinaiyak, pinaasa, at binigo.

Isang oras na ako naghihintay, wala parin si Jordan. Tama lang siguro na magtagal pa siya. Kahit paano, may oras pa ako para isiping muli ang desisyon ko.

Ipipilit ko ba ang sarili ko or palalayain ko na siya?

Namumugto na siguro ang mga mata ko.

"Dom? Kanina ka pa ba diyan?" Si Jordan. Dalawang kwarto nalang ang layo niya sa akin. Agad naman akong nagpunas ng luha ko nang palihim.

"Buti naman dumating ka na." Sabi ko. Pinipigilan kong suminghot ng uhog ko para hindi niya mahalata.

"Umiyak ka ba?"

"Ha? Hindi ah! Bakit naman ako iiyak?" Depensa ko. "Pwede ba tayong magusap?"

"Hmm... Sige. Tara sa loob."

Pumasok na kaming dalawa sa kwarto niya.

"Actually, may sasabihin din ako." Sabi ni Jordan.

"Uhmm... Ano kasi eh, pwede ba kitang maka duet ngayon? Practice lang sana. Mamaya na yung sasabihin mo."

"Hmm... Sige."

"Alam mo naman siguro yung kantang 'Malaya' diba?"

Tumango lang siya. Sinimulan ko nang tumugtog gamit ang gitara ko.

♬♪♩
Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Ang malamyos niyang tinig ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para ipilit ang sarili ko sa kanya.

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

Isusuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan

Gaya nga ng sinabi sa kanta, isusuko na ang sandata. Ganun ba ang kailangan kong gawin?

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

Tapos na ang kanta. Oras na para sabihin ko ang nararapat.

"Yung sasabihin mo pala, alam ko na yun. Huwag mo na akong bigyan ng chance. Pinapalaya na kita." Sabi ko.

"Teka, Dom?"

"Ayos lang sa akin Jordan." Nagsimula nang tumulong muli ang mga luha ko.

"Basta't ipangako mo sa akin na magiging masaya ka kay Daryl." Nahahadlangan na ng pagiyak ko ang aking pagsasalita.

"Hindi kita pinalaya para maging malungkot. Pinalaya kita para maging masaya. Kaya kung hindi ka na masaya, bumalik ka na."

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon