Chapter 32: Papa

1.7K 81 6
                                    

Michael's PoV

Please do not be confused. Sanay kasi si Daryl na tinatawag ako gamit ang surname ko. Pero dahil nandito kami ngayon sa bahay namin dito sa probinsya, Michael muna ang gamitin natin.

Alas otso na ng umaga nang magising kaming dalawa ni Daryl. Buti naman at hindi pa kami iniistorbo ng mga kuya ko. Isama mo na din sina mama at papa.

Bumangon na kaming dalawa sa kama. Pagbukas namin ng pinto, bumungad agad sa amin yung mga tinutukoy ko. Natulog ba sila dito sa tapat ng kwarto ko?

"Kain na tayo ng almusal!" Sabi ni mama. Sumunod naman yung limang pulis pababa at sumunod naman kami ni Daryl.

"Mamaya nga pala hijo, samahan mo kami sa pag-gagatas sa mga baka. Ano nga pala ulit pangalan mo?" Sabi ni papa.

Sinasabi ko na nga ba at hindi matatahimik ang limang 'to.

"Daryl po sir. Sige po sasama po ako mamaya."

"Sasama din ako." Sabi ko.

"Sumama ka sa akin sa garden. Alagaan mo naman yung mga Orchids mo." Sabi ni mama. Tama nga si mama. Ako lang naman sa pamilya namin ang mahilig sa ganyang bagay.

Wala na akong nagawa. Aangal pa ba ako? Siguraduhin lang talaga ng mga kuya ko at ni papa na hindi matatakot sa kanila si Daryl.

Pumunta na kami sa garden ni mama matapos kaming kumain.

Sinimulan ko na sa paggupit sa mga bulok na dahon ng mga bulaklak.

"Mama? Sa tingin mo pahihirapan nila kuya at ni papa si Daryl?"

"Oo naman! Mas higit pa sa iniisip mo."

"Mama naman!"

"Alam ko kasi anak, kahit na pahirapan pa 'yan ng papa at mga kuya mo, kung mahal ka talaga niyan hindi niya iintindihin yung hirap at pagod na mararanasan niya para sa'yo."

"Hindi naman talaga kailangan na patunayan pa 'yon mama! Napatunayan ko naman na po."

"Hindi mo rin naman masisisi ang mga kuya mo. Lalo na ang papa mo. Gusto ka lang nilang protektahan. Hayaan mo nalang sila anak. Kung ganoon man ang ikapapanatag ng loob nila para sa'yo."

Nagpatuloy na ako sa paggupit ng mga bulok na dahon. Diniligan ang mga Orchids, nagbunot ng damo, nagbungkal ng lupa at nagtanim ng panibagong halaman.

Sana lang talaga hindi pahirapan nila papa si Daryl.

Bumalik na kami ni mama sa bahay nang matapos na kaming maglinis ng garden. Alas onse na pala ng umaga at malapit nang magtanghalian. Oras na para magluto.

"Ako nalang po ang magluluto mama." Sabi ko.

"Osige. Doon nalang tayo sa kubo kumain. Ako nalang ang magsasaing."

Okay na siguro ang sinigang na baboy.

Sinimulan ko nang maghiwa ng baboy, sibuyas, bawang, at luya. Kung nagtataka kayo kung bakit may luya, itanong niyo nalang sa mama ko kung bakit dahil siya ang nagturo sa akin kung paano magluto.

Lagyan ko kaya ng kaunting twist? Lalagyan ko nalang ng kaunting spice ang sinigang.

Sigurado akong magugustuhan ito ni Daryl.

•••

Daryl's PoV

Unang pinatrabaho sa akin ni kuya Willis ay yung paglilinis ng kulungan ng mga baboy. Nakakasuka yung amoy dahil sa darak at sa dumi ng baboy.

"Pumasok ka doon sa loob ng kulungan at walisin mo yung mga dumi ng baboy. Tsaka mo buhusan ng tubig kapag nawalis mo na." Utos ni kuya Willis.

Ginawa ko yung pinapagawa niya at mukhang hindi na talaga kaya ng tiyan ko.

Susuka pero hindi susuko! Ayaw ko ding sumuka kasi dagdag pa 'yan sa mga lilinisin ko.

Natapos ko nang linisin lahat ng mga pig pen sa loob ng isang oras.

"Daryl! Samahan mo ako manguha ng pulot." Sabi ni papa.

What's wrong with calling him papa? Tatawagin ko din naman siyang papa in the future.

Pero, tama ba yung narinig ko? Mangunguha kami ng pulot?! As in honey extract?!

Iba talaga ang yaman ng pamilyang ito. May palayan, babuyan, at mayroon pang bee farm.

Napakadami nang bubuyog ang nagliliparan habang palapit kami sa bee farm. Kinakabahan na ako. Alam kong masakit ang bee sting kaya hindi ko naman maikakaila yung takot na nararamdaman ko.

Kung si Jollibee lang itong mga nagliliparan na bubuyog, matutuwa pa ako. Kaso hindi.

Nagsuot na si papa ng suit para hindi siya ma-sting ng bubuyog. Binigyan niya ako ng isa pang suit para suotin ko din.

Kumuha na ng pagkukuhaan ng honey si papa. Napakadaming bubuyog sa isang colony lang.

"Panoorin mo ang gagawin ko at gayahin mo nalang ako. Pagtapos kumuha ka ng isang colony at ikaw na ang kumuha ng pulot."

Tumango lang ako bilang sagot.

Natapos nang kunin ni papa ang honey extract. Now it's my turn.

Sinunod ko yung ginawa ni papa sa pagkuha ng pulot. Sa awa naman ng Diyos, nagawa ko naman nang maayos.

"Magaling ka! Mabilis kang matuto." Sabi ni papa.

"Salamat po."

"Seryoso ka naman talaga sa anak ko di'ba?"

Nagitla ako sa tanong ni papa. Tinatanong pa ba dapat 'yan?

"Seryoso po talaga ako sa anak ninyo."

"Sigurado ka bang hindi mo siya sasaktan?"

"Sigurado po ako. Kung may pagkakataong mag-away at hindi man kami magkaintindihan, ako po ang unang lalapit at susuyuin ko po siya."

"Mabuti naman kung ganun. Papa na lang ang itawag mo sa akin. Parte ka na din ng pamilya namin."

"Saglit lang papa! Hindi pa nga natin siya pinapahirapan eh!" Angal ni kuya Maxwell. Nandito na pala ang magkakapatid.

"Tama na 'yun! Baka gusto mong hindi ka pansinin ng kapatid mo ng isang buong linggo." Sagot ni papa.

"Tawagin mo nalang din kaming kuya." Sabi naman ni kuya Willis.

Inakbayan ako ng mga magkakapatid.

"Aray!"

"Ouch!"

"Aaaawww!"

"Araaaay!"

Nagtatalon yung apat sa sakit na akala mo ay tinutusok ng mga bubuyog.

Tinutusok nga talaga sila.

Naalala kong hawak ko pa pala yung colony at hindi ko pa naibabalik.

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon