Warning!: Masakit din ang chapter na to. Masasabi niyong SAYANG!
Jordan's PoV
Pagtapos kong kumanta, nakita kong hinihila ni Micaiah si Daryl palabas ng restaurant.
"Thank you so much everyone! Please enjoy your dinner." sabi ko. Mukha namang nagustuhan ng madla ang pagkanta ko. Inilagay ko na sa bulsa ng suit ko ang phone ko. Nabalot ako ng pagtataka dahil hinihila ni Micaiah si Daryl. Ano bang meron?
Bumalik ako sa table namin para ituloy ang pagkain. Tanaw mula sa loob ng restaurant silang dalawa. Mukhang maguusap silang dalawa. Hindi ko nakikita ang katawan ni Daryl dahil nakasandal siya sa puno. Blindspot naman yun mula sa pwesto ko sa restaurant.
Nabuhay yung pagiging chismosa ko kaya uminom ako ng tubig at lumabas. Sasagutin ko na din kasi sana si Daryl. Magiging boyfriend ko na si Daryl. Hindi ko na siya paghihintayin pa ng matagal.
Habang palapit na ako nang palapit, narinig kong sumigaw na sa pagiyak si Micaiah. Sumandal din ako sa puno na sinasandalan ni Daryl. Kumbaga magkatalikuran kami ni Daryl ngayon. Puno lang ang pagitan.
"Mukha ba akong okay ha?!" si Micaiah.
"Matagal na akong nanahimik Daryl! Gusto ko na makipagbalikan sayo! Mahal parin kita! Alam kong mahal mo padin ako!"
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaksyon ko. Matatawa ba ako or dapat ba akong magulat? Biruin mo yun! Ex niya pala yung sinasabi niyang 'Crush' niya.
"Ano Daryl?! Magsalita ka diyan! Alam kong mahal mo pa ako!" sigaw pa ni Micaiah. Puro lang sasakyan ang dumadaan at walang tao na dumadaan so far. Hindi naman siguro nakakahiya kahit sumigaw siya.
Hindi parin kumikibo si Daryl. Nakikipagbalikan ang ex girlfriend niya. Nabalisa na ako. Please Daryl, sasagutin na kita Daryl. Hindi ka naman na maghihintay ng matagal.
"Sorry pero iba na ang gusto ko Mic. Hindi ko maibibigay ang sinasabi mo."
Tama Daryl. Akin ka na at sayo na ako.
"Please Daryl! Wake up! Hindi mo gusto ang baklang yun! Bakla siya diba?! Bakla siya!"
Oo nga. Oo nga pala. Bakla ako. Natauhan ako dun bigla ah?! Simula palang ayaw niya na sa Bakla diba? Bakit niya nga naman ako magugustuhan diba?"Okay. I give up. Tama na sa pagiyak. Hindi na tayo maghihiwalay this time. I love you."
Tangina. Bakit ganito? Kung kelan okay na ako magmahal muli, ganito pa ang mangyayari sa akin.
Iiyak na ba ako? Magagalit ba ako? Magpapakita ba ako sa kanila? Wag nalang siguro.
Kusang kumilos ang mga paa ko. Walang luha na tumutulo. Walang bakas ng galit na makikita sa mukha ko. Walang buhay ang itsura ko. Blangko ang utak ko. Feeling ko nakadroga ako at naka tsongki.
Natural masakit! Pero hindi lumalabas sa itsura ko yung sakit na nararamdaman ko. Parang nagadik lang ako sa Alaxan at Advil. Masakit pero parang hindi ko maramdaman.
Yung feeling na umiiyak ka sa loob pero hindi ka umiiyak sa labas.
Naupo muna ako. Mahaba-haba na din ang nalakad ko. Pagod na ako. Pagod na maglakad, magisip, at maniwala.
Isinaksak ko ang earphones ko at nakinig nalang sa kanta. Mas ayos to.
♬♩♪
Di biro ang sumulat ng awitin para sa'yo
Para akong isang sirang ulo, hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano
Tiklado'y pilit nilaro
Baka sakaling merong tono
Bigla na lang umusbongMasaya na sana ako eh. Siya na yung gusto ko. Siya na sana yung boyfriend ko. Illusion lang pala lahat.
Tungkol saan naman kayang awiting para sa'yo
'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyonaryo
Kung ang tugma'y di wasto
Basta't isipin 'di magbabago
Damdamin ko sa'yoNakakatawa man isipin na, malungkot ako pero masayang kanta ang kinakanta ko. Sira na siguro ulo ko. Nakakasira ng ulo ang magmahal. Pucha!
Araw-gabi
Nasa isip ka, napapanagip ka
Kahit'san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawaSana pala ito nalang kinanta ko kanina sa restaurant. Baka sakaling mapikot ko siya at hindi na makipagbalikan kay Micaiah.
Biruin mong nasabi ko
Ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid
Laman nitong dibdib
Tila sampung pa ang awitin
ang natapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin tanggapin at dingginKinakanta ko yung taliwas sa nararamdaman ko ngayon. Baliw na siguro ako. Nagagawa ko naman sigurong malungkot itong kanta kahit masaya ang message nito.
Araw-gabi
Nasa isip ka, napapanagip ka
Kahit'san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawaAraw-gabi tayong dalawa
Araw-gabi tayong dalawaAng hirap kumanta habang umiiyak. Baka mamalat na ako nito. Okay lang naman siguro no? Para walang pagkanta, wala na ding lovelife. Titigil na lang ako sa pagkanta. Mas mabuti yun.
Tumutulo na ang uhog ko. Wala namang makakakita sakin kaya okay lang. Ilalabas ko na lahat dito.
"It was great! Here..." sabi ng lalaki mula sa likod ko. Hindi pamilyar yung boses kaya napalingon ako. Inaabot niya sa akin ang panyo niya. "Punasan mo na yan." dagdag niya
Tinanggap ko yung panyo para punasan na yung luha at uhog ko.
"Bakit hindi mo ilabas yung sipon mo? Akin na." kinuha niya yung panyo at tinakpan ang ilong ko.
"Sige na, sumingha ka na." ginawa ko naman yung sinabi niya. Binilog niya lang yung panyo at inilapag sa binti ko. Umupo siya sa tabi ko na para bang close kami.
"Ang galing mo ha! Nagawa mong palungkutin yung kanta." nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ba kailangan niya at nakaupo siya sa tabi ko.
"Siguro galing ka sa date no? Tapos hindi ka sinagot ng nililigawan mo?" tanong niya. Halata naman siguro kasi nga nakasuot ako ng suit.
"Baliktad. Hindi ko siya sinagot." malat na ang boses ko.
"Eh bakit ikaw ang umiiyak? Tanga mo naman pala eh."
"Kapal mo ah! Close ba tayo?! Tanginang to." galit kong sabi habang humihikbi.
"Hahahahaha! Okay! Quits na tayo ah! Malat ka na oh!"
Hindi na ako nagsalita at nanatili kaming dalawa sa kinauupuan namin na hikbi ko lang ang naririnig ng ilang segundo.
"Hans" sabi niya sabay abot ng kamay sa akin.
"Jordan" nakipagkamay ako. Humihikbi parin ako.
"Shall we have sex tonight?" tanong ko. Baliw na nga talaga siguro ako.
"Sure! My place." sabay kaming tumayo. Ewan ko ba kung bakit ako nagyaya makipag sex. Malungkot talaga siguro kaya ganito. Hindi dahil sa libog kundi dahil sa lungkot.
[A/N: Iba talaga kapag malungkot! Pati pakikipagkaplugan walang inaatrasan! Mabuhay mga malulungkot na tao!]
Nasa tapat na kami ng condo niya nang may tumawag sa phone ko. Sinagot ko yung tawag na wala sa huwisyo.
"Im having sex tonight. Dont call me until tomorrow. Bye."
Pinatay ko na yung phone ko para walang makaistorbo.
"Seriously? Hahahaha! Tara na! I'll take care of you tonight." sabi ni Hans.
---------- -------------- --------
Author asks: Gusto niyo ba na ang next chapter ay ang pagtatalik ni Jordan at ni Hans?
BINABASA MO ANG
Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)
Ficção AdolescenteHighest Rank in Teen Fiction category: #48 Musika ang nag-ugnay sa kanilang tatlo. Ang Badboy ng Club. Ang Baby boy ng Club. At ang Baklang Hopeless Romantic.