Chapter 13: Say you won't let go

2.6K 96 0
                                    

Jordan's PoV

Nanliligaw na si Dom. Hindi ako makapaniwala na sa ganun din pala kami hahantong. Isang linggo na din ang lumipas simula noong niligawan ako ni Dom. Kakaiba din tong lalaking to eh. Iba din yung lakas ng loob niya. Hahaha!

(A/N: Isang linggo ang lumipas pero ang totoo isang taon bago ang update! Hahahaha! Sorry naman!)

Naging busy kami sa buong linggo dahil sa competition para next week. Nagkanya-kanya kami ng practice ng mga piyesa namin. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Nakakafrustrate kaya yung wala kang maisip na kakantahin.

Nandito parin ako sa club room para magpractice kaso nga lang wala akong maisip na kakantahin. Parang wala akong mapaghugutan ng inspirasyon. Ganito ba talaga side effect ng pagiging hopeless romantic?

"Wala ka parin bang naiisip na piyesa mo? Isang linggo na ha. Next week na yung competition." si Alessa secretary ng club.

"Wala pa nga eh. Alam mo yung wala kang mapaghugutan ng inspirasyon?" sagot ko.

"May dalawa ka namang manliligaw bakit hindi ka kumuha ng inspirasyon sa kanila? Imposible namang wala ka pang nagugustuhan sa kanilang dalawa?" tanong ni Alessa. May point siya doon. Ang kaso nga lang, parang silang dalawa yung gusto ko eh. Jusko ang landi ko.

"Wala talaga eh. Isama mo pa yung pressure ng oras tsaka pressure ng competition, wala tuloy akong maisip na piyesa." pagaamok ko. Sa totoo lang hindi ko kinakaya yung pressure. Interschool competition yun eh! Kaming tatlo ang representative ng school. Si Dom, Daryl, at ako. Bakit kailangan ako pa?!

"Edi panoorin mo nalang muna na magpractice yung dalawa mong manliligaw. Malay mo makakuha ka na ng inspirasyon mula dun." suhestiyon niya. Mukhang tama siya dun ah. Sakto namang tinext ako ni Daryl.

"Hi Mahal ko! May lakad ka ba mamaya? I'll take you out tonight. Let's have dinner." text message ni Daryl. Wala naman akong lakad kaya nagreply ako at pumayag naman.

Bumalik na ako sa dorm para makapag pahinga na ako. Napagod lang ako kakaisip ng piyesa ko.

Habang nagbibihis ako pumasok sa isip ko yung dalawa kong manliligaw. Ano bang meron ako at dumating sa buhay ko ang dalawang lalaking to?

I started singing to ease the stress. Classical singing. I miss classical music.

"Jordan? Andiyan ka ba?" katok at sigaw ng lalaki sa labas. Kilala ko ang boses na yun. Yung commander yun. Si Dom.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at may bitbit siyang gitara.

"Pwede bang pakinggan mo yung piyesa ko?" tanong niya. Pinapasok ko siya sa loob. Kakanta lang naman siya eh. Wala namang mali kung papasok siya diba?

"Kakanta na ako ah. Pagtapos ko na kumanta tsaka ka magcomment." sabi niya.

"Eh bakit kasi kailangan ako pa yung makikinig sa piyes mo? Pwede namang iba nalang ang makinig sa piyesa mo." sabi ko.

"Eh kasi parang ang hirap kantahin ng piyesa ko." sagot niya. Yun naman pala eh! Papansin lang talaga yan. Dude da moves!

"Edi magpalit ka ng piyesa mo. Pinapahirapan mo pa yung sarili mo samantalang ang dali lang naman magisip ng piyesa." angal ko. Oo na! Nagsalita na ang may piyesa. Ako na talaga yung may naisip na piyesa agad!

"Eh gusto ko kasi sana hindi ko pagsisihan yung pagpili ko ng piyesa ko. Gusto ko yung maganda sa pandinig mo since ikaw yung inspirasyon ko." paliwanag niya. Tama siya. Mukhang totoo yung nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na reaksyon ko sa sinabi niya.

"Sige simulan  mo na makikinig ako." sabi ko.

♬♪I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing up

I was amazed. Nakakarelax yung boses niya. It makes my secreted dopamine be twice from its normal.

Then you smiled over your shoulder
For a minute I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told you
I think that you should get some rest

I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I knew I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

Nostalgia. He is a masterpiece. A real masterpiece.

I wake you up with some
Breakfast in bed
I'll bring you coffee
With a kiss on your head
And I'll take the kids to school
Wave them goodbye
And I'll thank my lucky stars
For that night

When you looked over your shoulder
For a minute I forget that I'm older
I wanna dance with you right now, oh
And you look as beautiful as ever
And I swear that every day you get better
You make me feel this way somehow

I'm so in love with you
And I hope you know
Darling, your love is more than worth its weight in gold
We've come so far, my dear
Look how we've grown
And I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

I wanna live with you
Even when we're ghosts
'Cause you were always there for me
When I needed you most

I'm gonna love you 'til
My lungs give out
I promise 'til death we part
Like in our vows
So I wrote this song for you
Now everybody knows
That it's just you and me
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

Just say you won't let go
Oh, just say you won't let go♬♪

"So, maganda ba?" tanong niya matapos niyang kumanta.

"Yes. It is a masterpiece." sagot ko.

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon