Chapter 36: Da Best

1.7K 72 9
                                    

Michael's PoV

Dumaan ang isang buong linggo at tapos na kaming mag-ani ng mga palay dito sa bukirin namin. Sa totoo lang, pinaka ayaw ko ang pag-aani ng palay.

Madalas kasi akong nasusugatan sa mga natitirang tangkay ng palay.

Napansin kong mas naging matipuno ang pangangatawan ni Daryl. Dahil siguro sa mga gawain sa bukirin. Madalas kasing siya na ang gumagawa ng mga trabaho sa bukirin. Madami pang pagkain dito kaya mabilis ding lumaki ang pangangatawan niya.

Hindi naman ipinasa ng mga kuya at papa ko ang mga trabaho kay Daryl. May trabaho kasi sila bilang mga pulis. Kusa lang naman na nagtatrabaho si Daryl sa bukid. May mga trabahador naman kami pero mas gusto niyang mag banat ng buto.

No pain, no gain sabi nga nila. Kaya 'yan ang kinalabasan ng katawan ni Daryl.

Wait, nahuhulog panty ko.

"Sa susunod na linggo pasukan niyo na anak. Kailan kayo luluwas ni Daryl?" Tanong ni mama. Kasalukuyan kaming nakaupo lang dito sa sofa at nanunuod ng TV.

"Siguro sa biyernes nalang po kami luluwas mama." Sagot ko.

Ano pa bang puwede kong gawin bukod sa tumunganga at kumalikot ng cellphone?

"Baka gusto mong kamustahin sa bukid ang boyfriend mo." Sabi ni mama.

Great idea mama!

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa bee farm. Wala akong naabutang Daryl doon. Ang hirap kasi dito sa bukid namin, masyadong malaki at madami kaming inaalagaang hayop.

Hinanap ko sa  chicken coop, wala. Tinignan ko din sa sheep herd, wala din. Sa horse stable, walang Daryl. Wala din siya sa babuyan. At sa kulungan ng mga baka, finally! Nandito lang pala siya kumukuha ng gatas sa baka.

"Hi!" Bati ko.

"Nilibot ko na buong bukid namin, nandito ka lang pala." Dagdag ko.

"Namiss mo ba ako kaya mo ako hinahanap?" Tanong niya.

"Hmm… siyempre oo. Akala ko nga pinagpalit mo na ako sa mga hayop dito eh."

"Kapag ginawa ko 'yun, ibig sabihin hayop na din ako. Hindi ko magagawang ipagpalit ka ano."

Kinilig ako pota!

"Matatapos ka na ba?" Tanong ko.

"Last na 'tong baka na 'to. May gusto ka bang gawin ngayon?"

"Punta tayo sa bayan. Gusto kong mamasyal."

Agad naman kaming bumalik sa bahay nang matapos niya nang gatasan yung baka.

Ipinasa ko nalang sa trabahador namin yung gatas ng baka para ipasteurize. Madalas kasi sa mga gatas ng baka na binebenta, hindi pasteurized. Lalo na yung mga sinasabing sariwa pa ang gatas na nakalagay sa bote ng gin. Madumi kaya yun! Iba ang tiyan ng hayop at tiyan ng tao. You should know that.

Sabay na kaming naligo ni Daryl. Siyempre alam niyo naman ang dapat mangyari. Nasa edad na kami na masyadong mapusok ang mga hormones namin. Siyempre hindi ko iku-kuwento dahil teen fiction ang genre ng story na ito. Hanggang sa aming dalawa nalang ni Daryl yung intimate moment naming dalawa. Hanggang kilig lang ang dapat kong ikuwento.

Nagpaalam na kaming dalawa ni Daryl kay mama na mamamasyal muna kami. Mula kasi noong umuwi ako dito, hindi pa kami nakakapasyal.

15 minutes ang biyahe mula sa bahay namin papunta sa bayan.

May peryahan dito. Palagi namang bukas ang peryahan dito. Yung sa ibang peryahan kasi, tuwing pasko lang nagbubukas.

Saan pa ba ang punta namin? Sa peryahan na. Mamaya na siguro yung 'da best' ng probinsya namin.

Namiss ko na 'tong lugar na 'to. Bahagi kasi 'to ng kabataan ko. Madalas akong magpunta dito. Lagi ko pang pinipilit si kuya Willis at kuya Maxwell na pumunta dito.

Namiss ko tuloy ang mga kuya ko.

"Ano pa gusto mong ride?" Tanong ko kay Daryl.

"Hmm… gusto ko doon sa horror house!" Sagot niya sabay turo sa horror house.

"Game!"

Alam kong unusual 'to sa mga story na nababasa ninyo. Madalas kasi sa mga horror house scenes sa mga kinesong story.

Poprotektahan ka ng lalaki kasi takot ka, yayakapin ka niya para mawala yung takot mo.

Ibang-iba kami ni Daryl. Pumasok kami sa horror house with mayabang face. Gusto niyo bang sirain namin 'tong horror house na 'to? Hahahahaha!

Maganda itong horror house na 'to kasi mahaba yung maze. Madilim din sa loob kahit na maliwanag pa sa labas. Sementado kasi ang mga pader. Hindi gaya ng tipikal na horror house sa ibang perya, walang thrill kapag maliwanag pa dahil gawa lang sa yero at kahoy ang mga pader.

Nagtatago kami at nanggugulat. Yung mga taong nanggugulat ang nagugulat imbes na kami. Lakas ba ng trip namin?

Gulat dito, gulat doon, sigaw dito, sigaw doon. Ang sarap mang trip kasama ang boyfriend ko.

Malapit na kami sa exit pero bumalik kami. Trip namin 'to bakit ba?

Binalikan namin yung nagpapanggap na white lady at kinuha yung wig niya saka kami kumaripas ng takbo palabas.

Walang tigil ang tawanan namin. Iba talaga kapag parehas ang sapak ninyong mag nobyo. Mang holdap naman kaya kami? Ano sa palagay niyo? Hahahahaha!

Naubos ang oras namin dahil sa mga rides na sinakyan namin. Sunod naman naming pinuntahan yung market.

Parang baratilyo din 'to dahil madaming binebenta gaya ng mga damit, pantalon, short, at iba pang personal na gamit sa murang halaga.

"May dare ako sa'yo love. Pero parehas nating gagawin." Sabi ko.

"Ano yung dare mo? Gawin na natin!" Sabi niya.

"Divisoria Challenge."

Vinideohan ko muna siya at siya naman ang nag video sa amin. Hindi kumpleto kapag hindi kami magkasama sa video. Paninindigan na naming siraulo kaming mag-jowa.

"Ate, paki videohan naman kami."

Nakisuyo ako sa isang tindera na videohan kami. It went well! Dahil parehas kaming malakas ang trip. Hahahaha!

Malapit nang mag hapon kaya dinala ko na si Daryl papunta sa 'da best' ng probinsya namin.

5 minutes lang naman kung lalakarin namin. So we did.

"Saan ba punta natin love?" Tanong ni Daryl.

"Sa 'da best' ng probinsya namin."

Nakarating na din kami sa wakas.

Bihira lang ang ganitong lugar sa mga probinsya. Namangha si Daryl sa nakikita niya.

The sun meets the sea and the prairie in front of us dazzled in beauty because of sunlight. The wind kisses our face and the warmth of the sunlight is enough to make this moment romantic as fuck!

Daryl hugged me from my back making me feel secured within his arms. I suddenly went singing.

You put your arms around me
And I believe, that it's easier
For you to let me go
You put your arms around me and I'm home.

He kissed me as I finished singing the verse.

I kissed him back. Passionately.

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon