Chapter 34: Shall I do it?

1.6K 75 2
                                    

Dom's PoV

It hurts seeing them together. Biruin mo, pupunta pa si Daryl sa probinsya ni Jordan.

It has been a week mula nang makita ko silang lumuwas. And it has been a week since I've been a sucker for a drink.

Ilang beses na akong nakainom ng alak. Siyempre kapag may okasyon, umiinom ako. Kapag naman nagkayayaan ang barkada, umiinom kami.

Ilang beses na din akong umuwing gumagapang.

Kakainom ko lang kagabi pero hinahanap parin ng sistema ko ang alak. Shall I go for a drink ulit?

Hindi na mahirap para sa akin ang makapasok sa bar kahit na mukha pa akong bata. I mean, not your typical manginginom.

Lagi kong dala ang birth certificate ko for one week dahil nga one week na akong drunktard.

Magisa akong pupunta ng bar at iinom.

I decided to get my usual wardrobe pag pupunta sa bar. Black shirt, jeans, and Janoski dahil pupunta ako ngayon sa bar. Or should I say pub?

"Subukan mo sa lugar na 'to. Baka sakaling makatulong sa'yo." Sabi ng bouncer sa isang bar na pinuntahan ko last night.

It is indeed a place for broken hearts dahil ang pangalan ng pub ay "Very Happy". Great! Napaka gandang pangalan! Bwisit.

Pumasok na ako sa loob at umupo sa bartender's table.

Typically the usual pub you see when you watch an american movie like Spider Man, X-men, and The Other Woman.

Wala kasing deafening noise of digital music dito sa lugar na 'to. Tama nga yung bouncer na nakausap ko. This is a must try.

"A glass of Bacardi please." Sabi ko sa bartender.

Dumami pa nang dumami ang iniinom ko.

"Mukhang problemado ka pre." Sabi ng bartender sa akin.

Nararamdaman ko na ang init ng katawan ko dahil sa alak pero hindi pa naman ako nahihilo.

Hindi ako sumagot sa sinabi ng bartender.

"Baka gusto mong pag-usapan natin 'yan. Babae ba ang problema mo?" Dagdag niya.

"Hindi babae. Bakla ang problema ko." Sagot ko.

"Woah! Napaka unusual naman ata ng problema mo."

"Alam ko."

"Alam ko ang pakiramdam. Naiintindihan kita."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kakahiwalay lang namin ng boyfriend ko. Bakla siya kaya naiintindihan kita."

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Anong ginagawa mo para makalimot?" Tanong ko.

"Ginagawa ko? Wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang umiyak lang." Sagot niya.

"Give me a bottle of vodka with lime mixture." Sabi ng lalaki sa tabi ko. Kilala ko 'tong lalaking 'to!

"Ikaw si Hans. Tama ba?" Tanong ko.

"Ako nga. Ikaw si Dom." Sagot niya.

"Kilala mo ako?"

"Siyempre nakekwento ka sa akin ni Jordan kaya kilala kita. Nakita na din kita before. Tulad noong luluwas na si Jordan at si Daryl pauwi ng probinsya. Kasama kitang nanunuod sa kanila noon."

I was left speechless.

"Nagiinom ka ba dahil kay Jordan?" Tanong niya.

"It's out of your business."

"I have the same problem as you have. Umiinom ako dahil kay Jordan."

Once again, I was left speechless.

"Nainlove ako kay Jordan since that night."

A clue sprung on my mind. It made sense na sinabi niyang nainlove siya kay Jordan since that night.

"Ikaw yung nakipag-sex kay Jordan?!" I exclaimed.

"Don't get me wrong. Siya ang nag-insist. Kung nakita mo lang kung gaano ka broken si Jordan that night."

A part of me was annoyed. Pero tinatamad akong makipag-away ngayon. Wala ako sa para sa arguement.

Dumami pa nang dumami ang ininom ko hanggang sa maramdaman ko na ang hilo. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ko dahil sa kalasingan.

"Lasing na lasing ka na. Tara na sa kotse ko. Ihahatid kita. Saan ba ang bahay mo?" Sabi ng lalaking umaakay sa akin. Si Hans siguro yun.

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy pa kami sa paglalakad. Hindi ko na kaya ang katawan ko. Hilong hilo na ako. Hinahayaan ko nalang na dalhin ako ni Hans kung saan man.

Hans' PoV

Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Bakit ba kasi 'to naginom ng sobra.

Bilang mabait na tao, ihahatid ko nalang 'to sa bahay nila.

Hirap na hirap akong buksan yung pinto dahil masyado siyang pabigat. Babalikan ko talaga 'tong hayup na 'to at sisingilin ko siya sa hirap na dinaranas ko ngayon.

Pinaupo ko na siya sa front seat nang mabuksan ko yung pinto.

Umupo na ako sa driver's seat nang masigurado kong maayos na ang pagkakaupo niya.

Kinuha ko yung phone niya para tawagan kung sino man ang kamag-anak niya. Buti naman at walang security ang phone niya.

Hinanap ko sa contacts yung number ng mama niya. Kaso lang walang nakalagay na 'mama' okaya naman 'papa'.

Ito nalang siguro ang tatawagan ko. Si Belinda.

Agad namang sinagot yung tawag ko.

"Good evening po. Alam niyo po ba kung saan nakatira si Dom? Kaibigan niya po ito, si Hans."

"Wala pa akong nakikilalang Hans na kaibigan niya. Pero iuwi mo na 'yang hinayupak na 'yan dito."

Mukhang siya nga ang nanay ni Dom. Binaba ko na ang tawag nang masabi niya na ang address.

"Pwede bang halikan mo 'ko?"

Bigla nalang nagsalita si Dom.

"Lasing ka na talaga."

"Seryoso ako."

Tumingin ako sa kanya. Aakalain mong hindi siya lasing dahil naka dilat siya at para bang nasa ulirat siya.

"Please? Kiss me."

Something inside me tells me to do it. But part of me says not to. Bakit parang napaka amusing tignan ni Dom?

It makes me hallucinate things that I can't do with him. Shall I kiss him?

Shall I do it?

Kung si Jordan nga sex ang hiniling, pinagbigyan ko agad agad. Itong kiss lang, hindi ko mapagbigyan?

Magkaibang kaso kasi yun. Si Jordan kasi, maganda ang katawan. Kahit na bakla siya, nalilibugan ako. Ibang usapan 'yun dahil si Dom ang kaharap ko ngayon.

Nakabukas naman ang aircon pero pakiramdam ko, umiinit ang paligid ngayon. Yung paligid ba ang nagiinit o ako?

Lasing na din naman ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa pwede kong gawin.

"Lasing ka lang Domi Jake."

"Please? Kiss me."

It felt like my body moved on its own.

My lips touched his lips.

I kissed him passionately. Then, torridly.

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon