Dom's PoV
Naging viral sa Facebook yung picture namin ni Jordan. Kaya pala may nagpipicture sa amin noong isang araw.
Mukhang umaayon sa akin ang lahat pagdating kay Jordan. Nasabi din kasi sa caption na couple daw kami.
"Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Tinignan ko kung sino yung nagsabi nun. Si ate pala. Nasa harapan ko siya at nakataas ang kilay.
"Puro ka cellphone!" dagdag pa niya.
"Buti naman at dumating ka na! Kanina pa ako naghihintay dito oh!" angal ko.
"Wag ka na maarte! Ano bang bibilhin mo at nagpapasama ka pa sa akin?"
"Gusto ko sana bumili ng bagong sapatos. Pero yung tipong pambabae. Or should I say, pang bakla?"
"Namamakla ka nanaman! Tapos lolokohin mo! Demonyo ka talaga! Hindi kita kapatid!"
"Iba to ate. Iba talaga to promise!"
"Dont tell me na magbo-boyfriend ka ng bakla?"
Dont tell me na maggi-girlfriend
Nagtungo na kami ni ate sa department store. Hindi naman ako magaling pumili ng sapatos kaya si ate na ang bahala.
Kumuha siya ng tatlong pares ng sapatos.
"Oh! Mamili ka na sa tatlo. Alin ba diyan ang sa tingin mong magugustuhan niya?"
Pinili ko yung mala top sider na vans na sapatos. Napansin ko kasing puro vans ang sapatos ni Jordan. Sigurado akong magugustuhan niya ang ganitong klase ng sapatos.
Nang matapos na kami ni ate sa pamimili, ginusto namin na kumain na muna bago kami magikot ulit. Umorder na kami ng pagkain at nagusap muna habang hinihintay yung pagkain.
"Hoy ikaw! Ano ba iyang binabalak mo sa bakla mo? Naku! Itigil mo na yan. Tsk tsk." sabi ni ate.
"Sinabi ko na sayo ate. Iba nga to ngayon." sabi ko. Palibhasa kasi alam niya lahat ng kabulastugan ko. Hahahaha!
"Sabihin ko lang sayo Domi Jake, ang mga bakla ay hindi dapat pinaglalaruan, sinasaktan at higit sa lahat, hindi dapat pineperahan!"
"Grabe ka naman sa akin ate!"
"Oh bakit? Hindi mo ba ginagawa yan sa mga bakla mo noon? Peperahan mo sila para may pang date ka lang sa babae mo."
"Iba nga kasi tong baklang to ate! Pero hindi rin ako bakla ah! Gusto ko talaga siya ate."
"Sige, sabi mo eh. Siguraduhin mo lang talaga na hindi mo sasaktan yang bakla mo ngayon. Or else, tatadyakan kita 70°"
"K fine! Whatever!"
"Naging viral pa naman yung picture niyong dalawa. Iba ka din talaga lumandi eh."
"Nagmana kasi ako sayo. Saksakan ka kasi ng landi."
Dumating na yung order namin at nagsimula nang kumain.
"KKB to ah. Akala mo libre kita?" sabi ni ate.
"Sampalin pa kita ng pera eh." tugon ko.
Nagikot na muli kami ni ate dito sa mall pagtapos naming kumain. Balak din sana naming mamili ng mga damit kaso ayaw ko. Isang taon kasing nasa loob ng fitting room yan si ate pag nagsusukat.
Nagpunta nalang kami sa appliances para bilhan sina mama at papa ng bagong TV. Siyempre si ate ang bibili.
Napunta kami ni ate sa harap ng 16" na TV. Kinakausap na ni ate yung merchandising staff para sa mga features ng TV na ito.
Nalingat ako ng tingin nang may nakita ako sa may kalayuan dito sa loob ng store. Si Jordan ba yun? At sino naman yung kasama niya? Hindi ko makilala yung lalaki kasi side view ng mukha niya ang nakikita ko.
Hindi ko na inistorbo si ate at sisiguraduhin ko kung si Jordan nga ba yun o hindi.
Wala na sila sa stall kung saan ko sila last na nakita. Nilibot ko pa yung buong store at nakita ko sila doon sa videoke section. Mukhang itatry nila yung videoke. Inaalok sila nung saleslady na itry yung videoke.
Tumugtog na yung kanta. Alam ko tong kantang to. Nabuhay ang pagiging epal ko. Nagmadali akong pumunta sa pwesto nila at kinuha ang mic.
I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before, you know
So why don't we just play pretend
Like we're not scared of what is coming next
Or scared of having nothing leftKilala ko yung lalaki. Siya yung lalaking kasama ni Jordan na kumakain ng cob corn noong competition. Sino ba tong lalaking to? Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ito.
Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask isIf this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?I don't need your honesty
It's already in your eyes
And I'm sure my eyes, they speak for me
No one knows me like you do
And since you're the only one that matters
Tell me who do I run to?Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask isIf this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?Let this be our lesson in love
Let this be the way we remember us
I don't wanna be cruel or vicious
And I ain't asking for forgiveness
All I ask isIf this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this endsNatapos na yung pagkanta ko at hinila si Jordan palayo.
"Sino yung kasama mo?" tanong ko kay Jordan.
"Teka lang pare! Hindi naman siguro tama na hilahin mo palayo ang kasama ko." sabad ng lalaking kasama ni Jordan. Nakasunod pala siya kahit na hila hila ko si Jordan.
"Sino ka ba? May kailangan kaming pagusapan ni Jordan."
"Ako lang naman ang naka virgin kay Jordan."
WTF?!
"Tama na yan Hans. Umuwi ka na muna. Maguusap kami nito ni Dom."
BINABASA MO ANG
Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)
Roman pour AdolescentsHighest Rank in Teen Fiction category: #48 Musika ang nag-ugnay sa kanilang tatlo. Ang Badboy ng Club. Ang Baby boy ng Club. At ang Baklang Hopeless Romantic.