Chapter 31: Inner monster

1.8K 81 2
                                    

Daryl's PoV

Mahal ko si Jordan kaya alam kong kayang kaya ko 'to. Wait, madami palang Jordan dito.

Mahal ko si Michael kaya alam kong kayang kaya ko 'to!

Kaharap ko ang apat niyang kuya. Si kuya Willis, si kuya Wilbert, si kuya Maxwell, at si kuya Manuel.

Magkatabi kami ngayon ni Michael na para ba kaming nililitis ng pulis. Tama din ang nasabi ko. Mga pulis ang kapatid nitong boyfriend ko.

"Kailan pa naging kayo?" Tanong ni kuya Willis.

"Nitong nakaraan lang po kuya bago magbakasyon." Sagot ni Michael.

"Alam mo ba 'tong pinapasok mo bunso?" Si kuya Maxwell.

"Opo kuya."

"Paano kung lokohin ka lang niyan?" Si kuya Wilbert.

"Hindi po mangyayari yun. Mahal ko po talaga ang kapatid ninyo." Sagot ko.

"Nasaan na yung boyfriend ng anak ko?!"

Isang malakas na boses mula sa pinto. Sa pagkakarinig ko, anak niya si Michael. Lord, yakapin niyo po ako ngayon. Mahal ko po si Michael.

Matipuno ang katawan at halatang barako at brusko ang ama ng minamahal ko. Nakauniform din siya. Uniform ng pulis.

Pero naisip ko lang, pamilya ng mga pulis at barako pero bakla itong si Michael. Hayaan mo na, mahal ko naman siya eh.

Ilang beses ko na bang nasabi na mahal ko siya?

"Ito na ba 'yon?" Sabi ng papa ni Michael.

"Welcome hijo! Pogi ka! Tama ang napili ng anak ko. Kumain na ba kayo ng anak ko? Kumain muna kayo!"

Sobra yung nerbyos ko. Akala ko kikilatisin ako agad.

Naupo na kami ni Michael para kumain. Base sa obserbasyon ko, matipuno din ang katawan ng nanay niya. Pulis din ba nanay niya?!

Tsaka ko lang napansin yung mga picture nilang nakaframe na nakasabit sa dingding. Pulis yung mga lalaki at sundalo ang isang babae. Sundalo yung nanay niya!

Doktor naman ang yung isa pang babae. Sa pagkakaalam ko, siya yung doktor noon ni Michael nang makulong sila ni Dom sa Chem Lab.

Tama ako ng taong minahal! Hindi ako nagkamali at kaya ko 'to.

Suddenly, a song came into my mind. There's nothing holding me back by Shawn Mendes.

Mahirap kumain kung ang apat na mga kuya ni Michael at mga magulang niya ay nasa harapan niyo habang kumakain. Samahan mo pa ng matatalim na mga tingin. Pakiramdam ko may tanong na magpo-pop out nalang bigla mula sa bibig nila.

"Ano ba?! Pwede bang kumain muna kami?! Doon muna kayo sa sala!" Bulyaw ni Michael.

Para silang mga sundalo na nagtayuan nang sabay at naglakad papunta sa sala. Wow! Commander ba 'tong mahal ko?

Ang totoo niyan, hindi naman talaga sila dumiretso sa sala. Nasa likod lang sila ng pader nakikiramdam.

"Pasensya ka na ha? Unang beses ko palang kasi magpakilala ng lala..."

"Ayos lang love. Walang kaso sa akin yun. Natural lang na protektahan nila yung kayamanan nila."

"Alam mo minsan, O.A ka na sa kasweetan mo. Bawasan mo naman ng kaunti."

Tinapos na namin ang pagkain at tinulungan ko na si Michael sa paghuhugas ng pinggan. Ayon nga daw sa pamahiin, bawal magligpit ang mga bisitang unang beses pa lang nakakapunta sa bahay. Kaya hanggang tulong lang ang magagawa ko.

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon