Chapter 22: Who you are

1.9K 85 9
                                    

Dom's PoV

Nagawa namin nang maayos yung deboning ng isda. Sunod naman ang section ni Jordan. Tignan mo nga naman, groupmate niya pa si Daryl.

Unang sumalang ang grupo ni Jordan. Nag demo muna si Sir Basalo kung paano ang gagawin sa pagde-debone ng isda.

Sumunod na sila sa ginawa ni Sir Basalo. Nakatayo sila at nakapatong ang isda sa table. Hawak hawak na din nila ang forceps na gagamitin para sa pagde-debone ng isda.

Nagsimula na sila sa pagde-debone. Diskarte na nila kung kung saan magsisimula. Nanginginig yung kamay ni Jordan. Kinakabahan siguro. Pero mukhang mas malalim pa dun. Katabi niya kasi si Daryl kaya siguro hindi siya mapakali.

Lumapit ako sa tabi ni Jordan since nasa dulo naman siya ng table. Nanonood din ang mga classmate ko kaya kailangan ko pang makipag siksikan para makalapit kay Jordan.

Nakalapit naman ako kay Jordan. Sobrang hirap lang talaga ipagsiksikan ang sarili sa ganito. Hugot din yan pero hindi ako susuko kay Jordan. Akalain mo ba naman kasi, ako tong bad boy pero ako pa itong seseryoso kay Jordan. Kung sino pa yung mabait gaya ni Daryl, siya pa yung mananakit kay Jordan.

"Kaya mo yan! Focus lang." bulong ko kay Jordan. Nasa kanan niya ako at nakatayo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin pero ibinalik niya din ang atensyon niya agad pabalik sa isda.

Nabawasan yung panginginig niya pero yung mga nakukuha niyang tinik ang umagaw ng atensyon ko. Sumasama kasi yung laman sa tinik na tinatanggal niya. Mukhang lapirot at gutay gutay na yung isda niya. Hahahaha!

"Hi Domi Jake!" pumulupot ang dalawang higad este babae sa mga braso ko. Sanay na ako sa ganito. Ganito talaga kapag bad boy ka pero habulin ka ng babae at hilig mong manakit ng damdamin ng bakla. Pero, dati lang yun. Hindi na ako bad boy, pero hindi din ako fuccboi ah! Virgin pa po ako.

"Wag ka dito baka matalsikan ka ng tinik at tsaka kaliskis." sabi ng isang babae. Iba din talaga ang kalandian nito eh.

"Tara dun tayo sa likod ng school. Balita ko magaling ka daw magpaungol." sabi naman nitong isa. Wtf? Saan niya naman nakuha iyang balita na yan?

Tinanggal ko ang dalawang braso ko sa pagkakakapit nilang dalawa. Nagulat ang dalawa nang may napupunta na sa kanilang mga tinik at kaliskis. Binabato pala sa kanila ni Jordan. Thank you for saving me baby. Hahahaha!

Nagtilian yung dalawa at umalis na sa pwesto nila. Buti nga yan sa inyo. Makati kasi kayo.

Natapos silang mag debone at yung isda ni Jordan ay tila wala nang laman. Nice! Good job! Hahahaha!

Hinatak ko siya papunta sa isang bench after niyang maghugas ng kamay. Todo sabon at alcohol dahil malansa ang isda.

Naupo kaming dalawa at nagusap.

"Kamusta kayo ni Daryl?" tanong ko.

"Gusto niyang maging friends nalang kami."

"Anong sabi mo?"

"Wala naman akong sinabi pero pinarinig ko sa kanya sa kanta."

"Anong kanta naman yan?"

"Don't wanna be your friend by Nina"

Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko muna siyang magpahinga. Hindi pa nga talaga siya nakakamove on. Knowing the fact na, si Daryl pala sana yung sasagutin niya at hindi ako, heto parin ako na patuloy siyang minamahal.

Kinuha ko yung phone ko at nakinig nalang ng kanta. Ibinigay ko sa kanya ang isang piraso ng earphones para marinig niya rin ang kanta na pinapatugtog ko.

♬♪♩
I stare at my reflection in the mirror:
"Why am I doing this to myself?"
Losing my mind on a tiny error,
I nearly left the real me on the shelf.
No, no, no, no, no...

Don't lose who you are in the blur of the stars!
Seeing is deceiving, dreaming is believing,
It's okay not to be okay.
Sometimes it's hard to follow your heart.
Tears don't mean you're losing, everybody's bruising,
Just be true to who you are!

Unti unti ay parang bumabagsak na ang mata ni Jordan. Inaantok na siya.

Brushing my hair—do I look perfect?
I forgot what to do to fit the mould, yeah!
The more I try the less it's working, yeah
'Cause everything inside me screams
No, no, no, no, no...

Bumagsak na sa balikat ko yung ulo niya. Mahaba-haba pa ang activity kaya okay lang na matulog muna siya.

Don't lose who you are in the blur of the stars!
Seeing is deceiving, dreaming is believing,
It's okay not to be okay.
Sometimes it's hard to follow your heart.
But tears don't mean you're losing, everybody's bruising,
There's nothing wrong with who you are!

Yes, no, egos, fake shows, like whoa!
Just go and leave me alone!
Real talk, real life, good love, goodnight,
With a smile that's my home!
That's my home, no...

No, no, no, no, no...

Napansin ko naman na parang may nagpipicture sa aming dalawa ni Jordan. Hindi ko nalang binigyan ng pansin ang mga iyon.

Don't lose who you are in the blur of the stars!
Seeing is deceiving, dreaming is believing,
It's okay not to be okay...
Sometimes it's hard to follow your heart.
Tears don't mean you're losing, everybody's bruising,
Just be true to who you are!

[A/N: Please read my FanFiction story, "I am addicted. And also, I'm planning to revise the early chapters of this story.]

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon