Chapter 33: Please?

1.6K 85 13
                                    

Michael's PoV

Handa na ang pagkain.

"Mama! Handa na ang ulam! Tawagin mo na sila papa!" Sigaw ko.

Kung makapagutos lang ako sa nanay ko, akala mo katulong ko lang.

Dinala ko na papunta sa kubo yung ulam na niluto ko.

"Mama!" Sigaw nung apat kong kapatid. Ano kayang nangyari at nagtatakbuhan ang apat na 'to?

"Ano bang sinisigaw niyo diyan?!" Sabi ni mama.

"Bubuyog mama!"

"Katangahan niyo kasi! Bakit hindi kayo nagsusuot ng protective suit?!"

Umupo yung apat na kupal sa kubo at naghubad ng mga suot nilang damit. Wala pang mga asawa ang mga kuya ko. Magaganda ang katawan ng mga ito. Kung makikita mo silang nakasuot ng Police uniform, kahit hindi ka adik ay magpapatokhang ka talaga.

Nilapag ko na yung kaserola sa mesa. Kinukurot ni mama yung mga beesting sa katawan nila kuya. Ibig kong sabihin, tinitiris para mailabas yung allergen na isinasama ng mga bubuyog kapag na sting ka nila.

Sumunod namang dumating sina papa at Daryl dala ang tatlong malalaking garapon ng honey extract. Ang hot tignan ni Daryl sa basa at pawisan niyang damit. Yung dibdib niyang makinis ay tagaktak sa pawis. Ano ba Michael!

"'Yan ang napapala ninyo sa katangahan ninyo! Alam niyong nangunguha kami ng pulot ni Daryl, tsaka kayo lalapit?!" Sermon ni papa.

Tumawa ako ng bahagya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan bunso? Porke't ligtas na yang boyfriend mo, wala ka nang pakialam sa mga kuya mo?!" Pagdadrama ni kuya Manuel.

"Oo nga!" Dagdag pa nung tatlo.

"Ang drama niyo. Kumain nalang tayo." Sabi ko.

Hinila ko na sa tabi ko si Daryl. Kinuhaan ko siya ng pinggan at nilagyan ko pa ng kanin.

"Spicy Sinigang 'yang niluto ko."

Alam ko kasing mahilig si Daryl sa maanghang. Mukhang excited na nga si Daryl na matikman yung luto.

Nagsimula nang kumain ang lahat.

"Wow bunso! Ang sarap ng luto mo!" Sabi ni kuya Willis.

"Masarap 'diba Daryl?" Sabad naman ni kuya Wilbert.

"Opo kuya! Masarap po." Sagot ni Daryl.

Wow? Kailan pa tinawag ni Daryl na "kuya" ang kuya ko?

Hindi lang naman sinigang ang niluto ko. Mayroon ding tuyo, pritong dalagam-bukid, at kamatis.

"Tikman mo 'tong isda anak. Sariwa 'yan!" Sabi ni papa. Akala ko ako yung sinasabihan niya.

Nilagyan ni papa ng isda yung plato ni Daryl. So siya pala yung tinawag ni papa na "anak"?

"Salamat po papa." Sagot no Daryl.

WOW?! PAPA?!

"Kami na ang magliligpit bunso. Magpahinga na muna kayo ni Daryl." Sabi ni kuya Maxwell.

Natapos na kaming kumain at nag volunteer na yung mga kuya ko na sila nalang ang magliligpit ng pinagkainan namin.

"Mukhang may dapat akong malaman." Sabi ko.

"Hmm… tanggap na nila ako bilang boyfriend mo." Sagot niya.

"Napakabilis naman 'ata?"

"Ayaw mo bang sumang-ayon sila sa relasyon natin?"

"Yun nga yung gusto ko eh! Nagtataka lang ako kung bakit. Hindi ko din naman maiwasang mag-isip. Kanina nga akala ko talaga pahihirapan ka nila sa trabahong bukid."

"Hindi naman mahirap eh."

"Siyempre hindi mo pa nasusubukang magtanim at umani ng palay. Tignan ko lang 'yang tibay mo sa susunod na linggo."

"Kahit ano pa 'yan. Kakayanin ko para sa'yo"

Humiga si Daryl sa lap ko at pumikit. Malapit naman nang maghapon kaya ayos lang kung magpapahinga kami.

Napakasarap sa pakiramdam ng sariwang hangin. Kahit na matindi ang sikat ng araw, malamig parin sa pakiramdam ang preskong hangin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Daryl sa mga hita ko.

Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, masasabi mong perfect moment ito.

Ang gwapong mukha ni Daryl, preskong hangin, at ang oras na kasama ko ang taong mahal ko.

Bigla kong naalala si Dom. Kamusta na kaya siya? Ano na kayang ginagawa niya ngayon?

Inalis ko muna sa isip ko ang bagay na 'yan. Magpapahinga nalang muna ako kasama ang taong mahal ko.

Dom's PoV

It has been weeks mula noong umuwi si Jordan sa probinsya nila.

Yes. Alam kong umuwi siya sa probinsya. Nandoon ako malapit sa bus station. Pinapanood ko sila ni Daryl maging masaya habang ako naman ay nadudurog nang sobra.

"Uggghhh! Fuck!"

Ang sakit ng ulo ko!

"Inom pa? Ito pa oh! Shot mo na!" Teka, sino ba yun?

"Ulol."

"Aba?! Inuulol mo na ang mama mo?!"

Bumalik ako sa huwisyo at napaupo bigla sa higaan ko.

"Sorry po mama."

"Alam mo anak, ayos lang naman kung iinom ka ng alak. Walang kaso sa akin yun. Pero kung araw araw kang iinom at gabi gabi ka nalang uuwing lasing, hindi na pwede sa akin yun."

Ngayon lang naman ako naging ganito. Ngayon lang naman nangyari sa akin 'to dahil kay Jordan.

Alak na lang ang matatakbuhan ko ngayon.

"Kung may problema ka anak, pwede mong sabihin sa akin. Makikini…"

"Bungangera ka mama kaya 'wag nalang."

"Gusto mo bang masampal?! Lasing na lasing ka kagabi. Buti nalang may naghatid sa'yo dito."

"Sino naman maghahatid sa akin? Mag-isa lang naman akong nag-inom kagabi."

"Aba malay ko sa'yo! Pogi yung naghatid sa'yo. Hindi ko nga natanong kung anong pangalan niya eh."

Napaisip tuloy ako kung sino yung sinasabi ni mama na naghatid sa akin. Sino bang gwapo yung pinagsasabi ni mama? May kasama ba talaga ako kagabi?

Chineck ko yung messenger ko kung may ka chat akong kaibigan ko kagabi na niyaya kong uminom.

Sa awa ng Diyos, wala.

"Bumaba ka na lang at kumain ng sopas sa baba." Sabi ni mama.

Pinilit kong alalahanin kung sino yung sinasabi ni mama na naghatid sa akin.

May nabubuo nang imahe sa isipan ko. Parang may ginawa ako kagabi.

"Please?…"

Ano yung "Please?…" na iyon? Ano bang…

"FUUUUUCK!" Sigaw ko.

"Anong sinisigaw mo diyan?!" Sigaw ni ate kasama si mama.

Si Hans yung kasama ko kagabi. Si Hans Sardona!

"PUTANGINA! ANONG GINAWA KO?!"

Paulit-ulit na umuugong sa utak ko yung mga sinabi ko kagabi. Para na akong schizophrenic dahil paulit-ulit kong naririnig yung sinabi ko kagabi.

Naalala ko pa yung nangyari. BAKIT KO BA NAGAWA YUN?!

"Please? Kiss me."

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon