Chapter 35: Cheers

1.6K 74 6
                                    

Dom's PoV

Ano bang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun?! Bakit ko nagawang makiusap na halikan niya ako?!

Ano na bang nangyayari sa'yo Domi Jake?!

"Ano bang sinisigaw mo kanina sa taas?" Tanong ni mama.

"Mama. Kahit na anong mangyari, mahal na mahal kita." Sagot ko.

"Anak, nagdo-droga ka ba?"

"Mama! Nakiusap ako sa isang lalaki na halikan ako!"

"Oh? Eh anong pake ko?"

"Hindi ka ba nagaalala para sa akin mama?"

"Hindi. Madami ka nang pinakilalang bakla sa amin. Walang problema yun."

"Mama! Lalaki nga siya!"

"Edi ikaw naman ngayon ang bakla?"

"Hay nako mama! Ang saya mong kausap!"

Umupo na ako at kumain ng sopas.

Maya maya ay may nag doorbell. Malapit nang mag tanghali kaya naman nakakapagtaka kung sino ang bisita namin.

"May bisita ka ba ngayon mama?" Tanong ko kay mama.

"Wala naman. Tignan mo nga kung sino 'yang nag doorbell ate." Utos ni mama kay ate.

"Tignan mo nga Dom." Utos sa akin ni ate.

"Tignan mo nga bunso." Utos ko.

"Ikaw ang bunso tanga! Dalawa lang tayong magkapatid dito." Sabi ni ate.

Tumayo na ako para tignan kung sino yun. Inulit pa nung nag doorbell yung pagpindot ng tatlong beses. Hindi ba siya makapaghintay?!

Binuksan ko na yung gate at…

"Waaaaah! Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko.

Lumabas si mama at si ate.

"Kanina ka pa sumisigaw Dom! Sino ba 'yan?!" Sigaw din ni mama.

"Ikaw pala hijo! Halika pasok ka." Dagdag pa ni mama.

"Anong ginagawa niyan dito mama?!" Bulyaw ko.

"Sabi ko kasi sa kanya kagabi, pumunta siya dito para makisalo sa atin ng tanghalian. Pasalamat nalang natin sa kanya kasi hinatid ka niya dito kagabi."

NANI?! (What?!)

Tuluy-tuloy lang sila pagpasok sa loob. Hindi man lang ba nila ako… ugh! Nevermind.

Wish ko lang talaga na lasing din siya kagabi at hindi niya na maalala yung nangyari.

Bakit ba kailangan pang pasalamatan ni mama si Hans? Pwede naman yung, 'okay sige hijo alis ka na salamat!'

I think my life's gonna be screwed as fuck.

Kaya pala may iba pang niluto si mama. Pero kasasabi niya lang kanina na wala siyang bisita. Ulyanin na ang nanay ko.

Bumalik ako sa loob ng bahay na nakasimangot. Naka-upo si Hans sa sofa. Sinusundan niya ako ng tingin pero hindi ko siya pinapansin.

Lumapit ako kay mama na ngayon ay naghahanda ng mesa para makakain na.

"Akala ko ba wala kang bisita mama?!" Bulong ko.

"Hindi ba pwedeng makalimot? Nakalimutan ko na nga na nakiusap ka sa isang lalaki na halikan ka."

Tinakpan ko yung bibig ni mama. Kung gaano kahina ang bulong ko kay mama, ganun naman kalakas ang pagkasabi niya.

Natawag naman ang atensyon ni Hans. Tanaw naman ang kusina mula sa sala kaya kitang-kita ni Hans na tinatakpan ko ang bibig ni mama.

Ang Baklang Hopeless Romantic (GayxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon