---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
18th Birthday ko.. Three days ago. Hehe, ngayon ang celebration. Saturday e. Para makapunta ang friendships ko di ba? Kahit na yung isa e, tinalikuran ako at nag-away kame. KERI LANG! Sagana ako sa friends....
"Tammy! Sige na kasi! pinapunta ko na siya dito e" --Matt
"Ano pa nga ba magagawa ko? Basta ubos na pagkain." --Ako
Ang kulit ni Matty! Nag-invite ba naman ng di ko knows! Pasalamat sya saken dahil kahit onti, ang lakas nya saken. HAHAHA.
"Tammy, susunduin ko sya sa gate ha?" --Matt
"Ge!" --Ako
At ayun, parang si Flash ang bilis niyang lumabas papuntang gate.
Naku talaga un! Di naman sa di ko kilala yung kaibigan nya na yun.
Kilala ko, pero hanggang name lang talaga at itsura. Sino ba naman di makakakilala sa nambugbog sa school at nagpa-suspend ng 10 days sa school. Buti na lang intrams nun at wala silang na-miss.
"Tamssss!! Andito na si Shane! :)" --Matty
"Ah, hello.." --Ako, sabay ngiti ng pilit tas bumalik na sa iba kong friends. HAHA.
Ewan ko ba kung anong meron sa Shane na yun. Karamihan ng mga friends ko, friends nya din. Yung mga BFFs nitong si Matty friends ko din, siya lang talaga hindi. Maangas kase e, ayoko sa mga ganun. Mga puro yabang lang, pero wala naman pala kapag may nakaharap na problemang sobra sobra. Hehe.
"Laro tayo! Strip poker." -- Aba, kung makaalok naman tong si Nica ng poker akala mo alam nya maglaro. HAHA. Isa siya sa barkada kong mga power trippers.
"Game o! Ako na din dealer" --Si Ron, kababata kong type na type netong bruha kong friendship na si Nica. Nako! Simula grade school crush niya yang si Ron, gagraduate na kami ng high school, ganun pa rin! HAHA.
So ayun na nga, naglaro na sila. Di ako sumali, audience lang ako, di ako maalam sa ganyan e. Haha. Tong-its lang at unggoy-ungguyan ang alam kong card games. Madaya tong game nila e, kapag lalake ang talo, maghuhubad, pero pagbabae naman dare ang gagawin.
"Kainin na natin yung cake ko! Ang drama na e". --Sabi ko after ng isang madramang eksena gawa ng pinsan ko, bestfriend ko, at ang lalakeng pinili ng pinsan ko. Haha. Next time na to. Basta wawa si Tan(BFFFFFF ko yan!)
Yun na nga, kinuha ko yung cake pero dahil pasimuno tong magaling na Matty na to, eh, imbis na kinain ung cake ginawa nilang facial scrub sa mukha ko. Pero infairness, ang saya. Bato-bato ng cake here and there. Yae na, yung tatlong cake naman bigay nila e.
After nun nag-alok na ako ng last picture at nagsiuwian na sila. ANG SAYA! Yun lang ang masasabi ko.
**BZZZZT.. BZZZZZT..** (cellphone na nagvibrate)
From: 0906*******
Thank you ulit! Happy Birthday :)
Sino naman to?
To: 0906*******
Sino ka?
Nagvibrate ulit si cellphone
From: 0906******
Shane to. Hehe. Ang saya ng birthday mo.
Ah, yung paepal pala. Hahaha.
To: 0906******
Ah, ikaw pala yan. Hehe. Wait lang ha, mag-aayos lang ako. Ang lagkit ko na e. Thank you! Ingat na lang pare.
From: 0906******
Sige, ingat ka din. Text ka after ok?
Ay wow! Demanding ang lolo nyo. Nagrason na nga ako, di pa pinalagpas. Pwes, manigas sya. FC nya ha? Makaligo na nga lang.
At yun nga, naligo na ako, tapos, nag-upload ng pictures sa Friendster. Bigla naman nagring ang aking beautiful cellphone
Ako: Hello?
Other line: Hi!
Ako: Ah, sino ka?
Other line: Shane to. hehe
Ako: Ay, di ko pa nassave number mo. Sensya
Other line: Ganun ba? Busy ka ba?
Ako: Oo e.
Kumagat kang impaktong ka! Wala akong hilig sa telebabad at text. Wag kang distorbo!
Other line: Ay. Hehe, sige! Bbye! Text na lang kita.
So tingin nya hindi nakakistorbo ang text nya?
Ako: Hehe, sige. Babush!
Kaimbyerna yung taong un a!
BINABASA MO ANG
You and Me
Teen FictionWhat if the person you learned to love is not who you really think he is? A love full of promises, hopes and dreams, tapos isang araw bigla na lang nawala lahat ng yun. Ni hindi mo alam kung bakit at kung paano.