---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Shane Vincent Villaflores' Side]
Kinakabahan ako habang hinihintay si Tammy lumabas ng bahay nila. Nasa harap ko din kasi ang daddy nya. Grabe! Kung alam nyo lang ang nerbyos ko nung nalaman kong ipinagpaalam ni Tito Bong (boyfriend ni Mama) sa daddy ni Tammy na date ko sya sa prom.Iisang auto na lang ang ginamit naming magkakaibigan na papunta sa venue ng ball. Alangan naman kasing isakay ko si Tammy sa motor ko. Ang tae nga e! Pinagtatawanan ako ng mga barkada ko kasi basang basa kamay ko sa sobrang kaba! T@ngin@ nagpraktis pa ako ng sasabihin sa mama at papa nya.
Lumabas na si Tammy. ANAK NG #$%&!!! Kulang na lang maglaway ako. Simple lang ang ayos nya pero ibang iba sya sa Tammy na nakikita ko araw-araw.
"Shane? Okay ka lang?" nasa harap ko na pala sya.
"A-ah.. Oo!" binigyan ko sya ng killer smile ko.
"Pa, tawag na lang po ako mamaya kung susunduin mo na ako ha?" lumapit sya sa daddy nya at hinalikan sa cheeks.
"Uhmm.. Tito, cge ho!" nagmano ako sa papa nya. Yun kasi ang bilin ni Tammy sa akin, laging magmano kapag nakita mommy at daddy nya.
Habang naglalakad kami palabas ng gate nila, nakita kong may bitbit na paper bag si Tammy
"Love ko, anu yan?" ngumuso ako sa direksyon ng paper bag nya.
"To?" inangat nya ng onti yung bag "Sapatos! HAHAHAHAHA"
"Bakit? Wala ka bang sapatos?"
Binatukan nya naman ako! Ibang klase talaga tong babaeng to, supladang mataray na mahilig manakit "Sira! Doll shoes! Flats! Di ko kayang maglakad buong gabi na naka-heels no! After ng entrance, magpapalit din ako"
Langya! -.- "Bat di ka na lang magflats kasi?" ang dami-dami pa tuloy bitbit
"Kaya ka nga anjan e!" tapos nag-grin sya. WAAA!! ayoko ng ngiti nyang yun."OH!"
"Aray naman!"
BINABASA MO ANG
You and Me
Teen FictionWhat if the person you learned to love is not who you really think he is? A love full of promises, hopes and dreams, tapos isang araw bigla na lang nawala lahat ng yun. Ni hindi mo alam kung bakit at kung paano.