Rain

82 0 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HAHAHAHA. Halos hindi na ako magatulog sa sobrang excitement dahil first time to! Unang beses. Nyehehehehe. Kumain, nagbrush, naligo nagbihis. Yan naman ang daily routine tuwing umaga. Nagpahatid na din ako sa meeting place namin ni Matty.

6:45

Nakarating na ako ng sakto...

Wala si Matty...

Iba ang nakita ko...

Galing impyerno ang nakita ko...

Isang...

IMPAKTO! Anak ng tipaklong, anong ginagawa niyan dito?!

No choice na ako kundi lumapit sa kanya at magtanong. Ang alam ko din, sabay pumapasok ng school si Matty at yung impakto e.

"Hoy, si Matty?" tinanong ko after ko syang kalabitin sa kili-kili. EW! Yun kase abot ko e.

Humarap sya saken at medyo nagulat, "Ewan ko din, sabi niya sabay kame ngayon e" yan ang sagot nya.

"Eh? Yan din sabi saken eh. Hintayin na lang natin, tutal maaga pa"

"Ok" friends nga sila ni Matty.

Tahimik lang kame. Walang nagsasalita. Ligaw ligaw, di naman umiimik. Ganto ba to manligaw? Text pa ng text. Tss. Di man lang ako kausap-- WAIT!!! Erase! Erase! Di ako affected. Shoo! Go away evil thoughts!

"Uhm.. Tammy?"

"Oh?" naglalaro ako ng game boy kaya di ko na sya tinignan.

"May tanong ako" Anu kaya yun?

"What?" di pa rin ako tumitingin. Ang hirap nung level ko e. Yung sa ilalim ng dagat si Mario.

"Paano kung.. Pano kung may isang taong nagpromise sayo na magiging kayo pero halos isang taon ka ng naghihintay, wala pa ring nangyayare?" anu ba yan.

"Depende" pinindot ko yung pause at hinarap na sya. "Kung nararamdaman mong wala, malamang wala na, lalo na kung yung promise na lang pinanghahawakan mo pero wala nang pinapakitang motibo sayo yung taong un." Tss. Itatanong nya saken yan, e akala ko ba nanliligaw sya??

"Ah, salamat." fake smile. Yang ang nakita ko sa mukha ni Shane.

"Tigilan mo na kasi siya tol" Matty Kabute. Litaw litaw kung san san. Hinayaan ko na lang silang mag-usap at nagpatuloy na maglaro. Pero sa totoo lang, nakikinig ako dahil curious din ako. 

"Tinigilan ko naman na sya tol" Shane

"Halatang umaasa ka pa" Matty

"Di na tol! Binura ko na nga number nya e" Shane

"Binura mo nga, memorize mo naman! Anong sense tol?"

"Bahala na nga tol" 

Tapos nun, ini-off ko na yung game boy ko at nilagay sa bag. "Di pa ba tayo aalis? 7:15 na a. 7:30 call time" 

"Hintayin lang natin si Mia" sabi ni Shane. Di ko maintindihan yung na-feel ko bigla. Kung maiinis, mahihiya, aalis at iiwan sila o hayaan na lang na hintayin sya.

Si Mia, yung kabarkada ko na nakaaway ko dahil nagbago sya. Naging playgirl. At nung prinangka ko sya tungkol dun, nagalit sya. Edi nagalit na din ako sa kanya. Tss. At yun, nagsisiraan na kame sa isa't-isa. Tsk! Pinsan rin nga pala nya si Shane. 

"Kasama mo naman ako e, di ka OP" bulong ni Matty saken.

"Thank you!" yun na lang ang nasabi ko sa kanya.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon