Why I don't trust..

78 0 0
                                    

Triple H, hello! HAHAHAH :))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang araw na din since nakipag-break ako kay Shane. Dala lang naman ng galit yun e. Nakakainis kasi, yung pangalan ng babae na yun pati yung bati nya sa phone ng, BOYFRIEND ko. Sino ba kasi yun?!

"Si Shane oh" siko ni Nica sa akin tapos ginamit yung nguso nya panturo. Naglalakad kami sa tambayan namin galing sa cafeteria.

"Hmp!" tumingin ako sa direksyon nila Shane at nag roll ng eyes "Nu ngayon? Makakain ba yan?" 

"Makipag-ayos ka na. Ano ka ba?" pilit nya sa akin

"Ayoko nga! Ni hindi nga ako makuhang suyuin nyan e. Naghihintay ako ng text o tawag wala."

"Hay naku."

"Tammy :)" bati ni Matty sa akin... na kasama si Shane -.-

"Matty! :)" nginitian ko naman sya.

"Si Shane pala o" ay! nang-asar lang. 

Tinanguan ko lang sya, pero sya naman tinignan nya lang ako saglit tapos umiwas ulit ng tingin.

"Lapitan mo na kasi tol!" tinutulak na sya ni Matty palapit sa akin.

"Hay nako Mateo, kung ayaw wag ipilit!" suway ko sa kanya. 

"Anong ayaw?!" eh? Akala ko napipe na tong isang to.

"Ayaw mo naman talaga e, kailangan ka pang ipagtulakan. Tss!" sumbat ko sa kanya.

"Tignan mo nga kasi yang bunganga mo, kung makapagsalita akala mo ang layo layo ko" wow! sinumbatan ako.

"Pake mo ba? Bunganga mo?!"

"Hindi." medyo nagsisigawan na kami.. Ako lang pala..

"Naman pala e! Makapagsalita ka akala  mo naman ikaw nagpapakain sa akin para sitahin tungkol sa bunganga ko!" oh ano sya ngayon?

"Kung makapagsalita AKO, parang pinapakain kita?!" nagtataray?! Taasan ba ako ng kilay.

"Bakit hindi ba?" 

"Tama ka naman. Binubusog kita...

ng..

Pagmamahal ko"

Jusko!!! Bakit ba ganito to?! Seryoso yung usapan biglang sesegwey ng ganun..

"Tsh! **roll eyes**"

Ilang minuto din kaming nakatayo doon.

Pero bigla na lang kami naggkatinginan sa mata tapos..

Nginitian nya ako..

Napangiti na lang din ako sa kanya..

"Ganyan ka pala magselos? Ang selosa mo pala? Hahaha" sipain ko tong isang to e.

"Tsss.."

"Bati na kasi tayo" nakatayo lang kami sa gitna ng dinadaanan ng mga estudyante

"Sino yung BABE MO!?"

"Si Denise" napayuko sya..

"Ahh.." magwwalkout na sana ako palaya pero bigla nyang hinigit kamay ko.

"Teka lang Tammy"

Tinignan ko yung kamay nya na humila sa kamay ko tapos tinignan ko sya at nginitian..

"Ano Shane? Di ako galit sayo. Naiinis ako sa sarili ko kasi kaagad ako nagtiwala sayo."

Binitawan nya yung hawak nya sa akin tapos tumingin sa mata ko "Di ko naman sinisira tiwala mo e. Nawala lang sa isip ko palitang pangalan nya. Tsaka, sya naman humahabol saken. Kahit anong iwas ko, lapit sya ng lapit"

Maniniwala kaya ako? Tinignan ko lang sya ng walang expression sa mukha. "Tammy, please?"

"Alam mo ba na nahihirapan ako magtiwala sa iba? Ewan ko kung bakit sayo, nagpa-uto ako" sabi ko sa kanya na kinagulat naman nya.

"Dun tayo sa waiting shed?" alok ko sa kanya tapos naglakad na kami papunta dun.

Umupo kami pagkadating namin sa waiting shed. Tinabihan nya ako.

"Alam mo ba Shane kung bakit kami nagbreak no Yuji?" tanong ko sa kanya.

"Oo, niloko ka nya di ba?"

"Niloko nya ako sa kaibigan ko" tinignan ko sya at nginitian "dahil sa akin kaya sila nagkakilala. Tuwing nag-aaway kami ni Yuji, yung kaibigan ko na yun yung gumagawa ng rason para magkaayos kami"

Nasilip ko na napatingin sya sa akin.

Tumawa ako ng mahina at napailing "Eh, alam mo ba na nahuli ko si papa na niloloko si mama?"

"H-ha??" gulat yung tono nya.

"Kaya kami naging magbestfriend ni Tantan" napangiti ako kasi naalala ko yung araw na yun.

"May tumawag kasi sa personal line ni papa nun, naliligo sya kaya ako na yung sumagot. Narinig ko yung boses, babae, hinanahap si papa. Sabi nya kanina pa daw sya naghihintay. Ako naman si tangang bata sabi ko naliligo lang sya. Tapos sagot sa akin ng babae... Ikaw ba yung anak ni Patrick? Hahaha. Kawawa ka naman. Pag-gising mo isang araw, wala ka ng tatay"

May namumuo ng luha sa mata ko nung maalala ko yun, nagtinginin lang kami ni Shane at kita ko na nalulungkot ko sya sa kwento ko..

"Sakto naman, pumasok si Papa at inagaw sa akin yung phone. Nagmakaawa sya sa akin na wag sasabihin kay mama. Hindi mo akalain na isang lalake na may pamilya at may kaya na sa buhay, magmamakaawa sa isang 4th grader. Nagmakaawa si papa sa akin na itago yun. 10 years old lang ako nun pero ang laki na ng dinadamdam kong sama ng loob" 

Tuluyan ng tumulo ang luha ko, pero hinayaan ko lang na tumulo ito at hindi na pinunasan. Inangat ni Shane yung kamay nya papalapit sa mukha ko, para sana punasan yung luha ko, pero umilag ako at ngumiti..

"Hayaan mo lang yan.." tinignan ko sya tapos tumingin ulit ng diretso "Nung sumunod na araw, iniwasan ko lahat ng friends ko sa school at nagtago sa isang sulok sa school at dun ako umiyak. HAHAHAHA" natawa ako bigla nung nagflashback kung paano na biglang sumulpot si Tantan nun.

"Umiiyak ako tapos biglang may batang lalake na lumapit sa akin, bunot pa nga sya e! Hahaha. Hindi nya ako kinausap, hindi rin nya ako pinatahan.. Tumabi lang sya sa akin at hinayaan nya akong umiyak.. Iyak lang ako ng iyak nun, pero napatahimik nya ako nung nilabas nya yung Airheads na green  tapos binigay yun sa akin" 

Nakakatawa talaga si Tantan, matipid sya sa salita maliban sa akin, pero alam nya kung anong dapat gawin.

Pinunasan ko na yung luha ko at ngumiti.

Tumayo ako tapos humarap kay Shane na nakaupo pa rin..

Tumingin sya sa akin kaya tinignan ko din sya sa mata..

"Kaya Shane, kung lolokohin mo lang ako, ngayon pa lang, hiwalayan mo na ako" tas smile ulit.

Tumayo si Shane tapos nilapitan ako "Hindi naman ako si Yuji e, hindi rin ako yung kaibigan mo, at kahit alam kong mahal mo papa mo, hindi rin ako kagaya nya" bumuntong huminga sya "iba ako sa kanila Tammy. Hinding hindi kita lolokohin. Mahal na mahal kita" nung sinabi nya yun, tumingin sya sa mga mata ko kaya na-feel ko ang sincerity nya.

Ngumiti na naman ako, pero hindi na yung pilit "Sana nga Shane. Kasi, mahal din kita e. Sobra"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon