Fireworks

81 1 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bagon taon na. Hello, 2007! :) Three months na lang ga-graduate na ako. KAMI ng mga kaibigan ko.

Ang bilis. 

Malapit na din kami mag-three months ni Shane. At aaminin ko, hindi madali. Ang dami-daming pinagtaluan lalo na sa ex nyang saksakan ng landi. Bwiset din yun e. 

[December 12, 2006]

sioMAI: BZZT! BZZT!

Ay kabayo! Kaya lagi akong appear offline sa YM e.

GreenTurtle12345: Hi hi Maika!

Si Maika, kabatch yan ng kapatid ni Shane, ibig sabihin second year pa lang sya. Nakilala ko sya kasi member sya ng Sophomore Council sa SG.

sioMAI: Ate Tams! Break na daw kayo ni Kuya Shane? Dahil daw kay Denise?

GreenTurtle12345: Ano?! Sinong nagsabi sayo nyan?! 

sioMAI: Yung kaibigan ko na schoolmate si Denise ate. Yun naman daw sinasabi nya.

GreenTurtle12345: Kapal naman ng mukha nun! Bwiset. Alis muna ako Maika. BYEE! Ingat ka owki?

sioMAI: Ok ate! Ingat ka din. Relax ka lang.

Nag-offline na ako. Bwiset na babaeng yun! Echosera. Di na nakontento sa pinagkakalat nyang inagaw ko si Shane sa kanya ngayon naman nagffeeling pa! 

Oo, nagbreak kami pero, HELLO!!! Wala pang 24 hours yun. At di dahil sa kanya yun. Bwiset yung nagkalat ng chismis na yun! Kaya naman pala ang daming nagtatanong kung kami pa ni Shane e.

Calling Shane-a-Pak ko!...

Ang tagal nyang sagutin ha?!

"Hello?"

"Hello mo mukha mo! Pagsabihan mo yang ex mo ha?! Sasabunutan ko na sya!" ganyan ang bati ko sa kanya.

"Ano na naman ba??" aba! kung magtanong akala mo naman ako gumagawa ng issue!

"Anong na naman?! Utang na loob Shane! Sino bang girlfriend mo ha?! Ako o yun?"

"Ano ngang ginawa?!" May gana pang mainis? Aba.

"Ikaw pa naiirita ngayon? Ha? Osige, totohanin na lang natin yang chismis ng ex mong magaling. Break na tayo! BREAK! Ayoko na! Sinimulan mo yang gulo sa ex mo tapos idadamay mo ako?! AYOKO NA! Punyemes. Mas gusto ko pang walang nagkakagusto saken kesa ganito kagulo!" binabaan ko na sya ng phone.

Kakampihan pa nya yung bruhang yon?!

Tss..

Whatever..

Aminado ako, maganda sya, maputi at matangkad.. Kumapara sa akin na maliit at hanggang CUTE lang. Pero, di naman ako desperada gaya ng babaeng yun no!

Shane-a-Pak ko! calling...

"ANO!?" o di ba? Ang gaganda ng bati ko sa kanya. 

"Kakausapin ko bukas si Denise" mahinahon na ang boses nya.

"Tapos?" nagtaas ako ng kilay pero di naman nya kita.

"Bati na tayo" lumambing na yung boses nya.

"Hay nako Shane! Tigilan mo nga ako. Ayusin mo muna yan! Nabbwisit na ako. Una, in-add ako ng babaeng yun tapos pati friends nya sa Friendster para ano?! Magsend ng hate messages?? In-accept ko na nga para hindi ako magmukhang snob tapos ganun pa?? Di pa na kontento irereport pa yung profile ko? Alam mo ba na dun na lang kami nagkakamustahan ni Mathan?? Nag-expire na yung sim card nyang roaming. Sinulot pa daw kita tapos ngayon break tayo dahil sa kanya?! Sawang sawa na ako Shane! Wala pa tayong 2 months ganito na kagulo!"

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon