-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[September 18, 2009]
Ilang months na rin since nagkahiwalay na kami ni Shane.
Madaming taong nasasayangan gaya ko..
Madami ding nagsasabi na hindi naman daw sya 'worth it'
Meron din yung mga kaibigan namin na gumagawa ng paraan para magkabalikan kami..
Gaya nung debut ng isa naming kaibigan, pinag-partner kami sa Cotillion Court nya..
Pero sad to say, di pa rin kami nagkaayos..
Ilang beses na rin ako nagmakaawa sa kanya para balikan ako..
Ilang beses akong nagpaka-desperada para magkaayos kami..
Pero wala..
Lahat ng effort ko, napupunta sa wala..
Pero, nung isang araw lang, inalok ako ni Shane na maglunch..
Nabuhayan naman ako ng loob kasi nga, nag baka sakali akong baka bumalik na sya sa akin..
Mag-iisang buwan na din kaming ganun..
Casual 'friends' lang daw na nagla-lunch sa labas..
At dahil 18th birthday ko bukas, ininvite ko na din si Shane..
Hindi kasi alam nila mama na naghiwalay na kami e..
Pumayag naman sya na magkunwari kami..
Magkasama pala kami ngayon..
Inalok ako ng mom nya na magdinner sa labas..
Alam naman ni tita na wala na kami..
Pero pag nagkakausap kami sa phone sinasabi nya sa akin na ako pa din daw mahal ni Shane..
Unti-unti...
Alam kong babalik din sya sa akin..
Andito na kami sa labas ng gate namin..
"Shane??" tanong ko sa kanya..
"Bakit?" walang emotion..
"Wala na ba talaga? Hindi mo na ba ako kayang tanggapin?" hinawakan ko yung kamay nya. Kahit pilit nyang tanggalin, hindi ako nagpatalo. Hinigpitan ko lalo yung ko hanggang hindi na sya nagpumulit pa na tanggalin..
"Tammy, please" naktia kong may namumuong luha na sa mata nya. "Ayaw na kitang lokohin.."
Lokohin? "Kahit ano pang kasalanan mo, tatanggapin pa rin naman kita e. Kaya nga love di ba? Ready mag-forgive"
"AYOKO NA NGA E!!!" tinanggal nya yung hawak ko sa kamay nya. Kulang na lang tumapis ako sa lakas ng pwersa na ginamit nya.. "TANGA KA BA?!"
Tanga ba ako? Oo. Siguro. Ganun naman pag nagmahal di ba?
"Kaya kong tanggapin kahit ano Shane. Kahit ano. Kahit gaano pa kalaki yan. Handa kong tanggapin. Basta, wag ka lang mawala saken!!" tuluyan na akong umiyak. Walang tao sa labas, buti na lang.
"Tama na.." nanghina yung boses nya "Hindi lang pagtetext kay Denise ang naging kasalanan ko sayo.. Madami pa.. Sobrang dami pa.."
Napatahimik ako at nakinig na lang sa kanya..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Ivan Joshua Ocampo's Side]
BINABASA MO ANG
You and Me
Teen FictionWhat if the person you learned to love is not who you really think he is? A love full of promises, hopes and dreams, tapos isang araw bigla na lang nawala lahat ng yun. Ni hindi mo alam kung bakit at kung paano.