Miss Cecile! This one's for you! :) Loveyou, miss!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tamiko" banggit nya sa pangalan ko at ramdam kong seryoso na talaga sya. Ngayon lang nya ako tinawag sa buong pangalan ko "minsan ko lang sasabihin to sayo ok? After ko banggitin sayo to, bahala ka na kung anong gusto mo... Mahal kita Tamiko. Matagal na."
Napatigil ako. Mahal. Ako? Matagal na. Kami? Binabaan ko na sya. Di na ako nakapag-isip kung bastos ba o hindi ang ginawa kong pagbaba ng tawag nya. Pumasok na ako ng room at umupo. Bakit nasaktan ako?
[March 8, 2004, First Year HS]
Nag buntong hininga na naman ako. Di naman ako nasaktan pero, t@ngin@ lang! Sa dami dami ng taong pwedeng ipangloko saken, yung tao pang malapit saken.
"Tammy, kung maylalabas na piso sa bunganga mo everytime na mag bubungtong hininga ka, meron na akong panglunch" biro ni Chazi. Seatmate ko at kasa-kasama ko din. Sya lang kilala kong classmate kong taga-school namin noon kaya naman napalapit na ako sa kanya"
"Zi kase, nakakainis talaga yang si Yamamoto! Ang sama sama sama sama sama sama nya!" basungot kong sabi sa kanya tapos umubob na sa desk ko.
"Hayaan mo na kasi yang si Yuji. Alam mo naman astana pogi yun pero mukhang chonggi! HAHAHAH" wahahahahaha. Napaangat naman ako ng ulo
"AHAHAHAHAHA! Mapanglait ka. Pero... totoo!"
"Edi tumawa ka. Yaan mo na, may papakilala ako sayo mamaya. Susunduin ako ng barkada ng pinsan ko, madaming fafa dun! Wahehe!"
"Ang landi mo. Ayoko! Susunduin ako nila papa"
"Late ka naman nasusundo lagi e, tsaka, dun lang naman sa sakayan papuntang mall. Malayo na ba yun? Pwedeng pwede kang bumalik dito kung ayaw mo" may point sya, infairness.
"Fine, pero siguraduhin mong mata-type-an ko yan a!" sino ngayon ang malandi?! hahaha
"Naman!" nagpatuloy na kami sa ginagawa namin at hinintay na magbell. Last subject na din namin.
**RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!**
"Tammy, dalian mo naman jan! Ang bagal mong kumilos!" Nagmamadaling sabi ni Chazi saken. Ang hirap kaya magligpit!
"Oo na! Eto na oh!"
Hinigit naman ako ni Chazi palabas ng gate. Nabunggo ako, natapakan, nasiko, at sa kasamaang palad, natamaan pa ng bag sa mukha. Ay naku naman.
"Francesss!!!!" sigaw ni Chazi.
"Ziii!" sigaw na pinsan nya. Napatakbo naman si Chazi sa pinsan nya pero hindi pa rin ako binibitawan, kaya pati ako napatakbo. Nag-hug sila..
"Ay, Fran! Si Tamiko pala, friend ko. Tams, si Frances, yung pinsan ko"
"Hello!" Ngiti ko kay Frances. Nag-hi din sya saken at ngumiti.
"Fran, asan na pala sina Mathan?" tanong ni Zi sa pinsan nya.
"Ayun o!" turo ni Frances sa likod namin.
Tumalikod ako at nakita ko ang grupo ng mga lalake pero may isang lalake sa harap na kapansin-pansin dahil na din sa angas ng lakad nito. Nang makalapit na sila samen "Zi!" bati nya kay Chazi.
"Mathan!" binitawan nya ang hawak nya saken at hinug si Mathan. Nang tinanggal na ni Chazi ang hug nya kay Mathan pinakilala nya ako sa kanya.
"Tamiko, si Mathan. Mathan, si Tamiko." nagtinginan lang kami at nagkatanguan.
BINABASA MO ANG
You and Me
Teen FictionWhat if the person you learned to love is not who you really think he is? A love full of promises, hopes and dreams, tapos isang araw bigla na lang nawala lahat ng yun. Ni hindi mo alam kung bakit at kung paano.