---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[October 16, 2006]
Thursday hanggang Sunday wala masyadong nangyare. Kinulit kulit lang ako nina Matty at Nica na sagutin ko na si Shane. Wala din palang pasok nun dahil sa sobrang lakas ng ulan. Nawalan pa kami ng kuryente.
Patuloy pa rin sa panliligaw si Shane. Text ng text. Tawag tawag din. Nung Saturday nga nagpunta sya sa bahay e. Pero di ko sya pinagbuksan. Nakakatamad. Hahaha. Pero kung tutuusin like ko na si Shane. Like pa lang. Bahala na sya kung gagawa sya ng paraan para yung like ko, eh maging love.
Haaaaaaaaaaay...
"And that ends our lesson. Any questions?" Tanong ni Ma'am Long samin. Palayaw lang po nya yan. Monday na pala.
**RIIIIIIIIIIIING!!!*
Dismissal :) oh yea. Punta ulit kaming mall. And by kami, kasama si Shane.
Nagjeep ulit kami papuntang mall. At wow! Si Shane nagbayad nung pamasahe ko. Yung akin lang. Mwahahaha. Hindi kasali yung barkada ko.
"Timezone!!!" at mabilis akong naglakad papuntang timezone. Haaaaaaay. Sana meron si Tantan. Yung card ko tuloy gagamitin ko T.T
Pero nuong pataas na kami sa escalator, nakasalubong na naman namin si Yuji. Agad-agad ko nang hinawakan yung kamay ni Shane.
At sinabing...
"Tayo na"
Wala namang masama sa sinabi ko, pero na-shock itsura ni Shane.
"Totoo?" hindi naman ako mukhang nagjjoke di ba?
"Oo. Pero kung ayaw mo babawiin ko na" tatanggalin ko na rin sana yung hawak ng kamay ko sa kamay nya pero naunahan nya ako at hinigpitan pa ang hawak dito.
Nauna na sila Nica sa Timezone. Tahimik lang kaming dalawang naglalakad. Nahihiya ako bigla, kung siguro di ko nakita si Yuji, di ko sasagutin to.
"Akin na yang bag mo" pinipilit nyang kunin yung bag ko.
"Ayoko nga!" hinihili ko pabalik. Magkahawak pa rin kamay namin.
"Boyfriend mo na ako Tammy, hayaan mong gawin ko kung ano ako sayo" sinuway nya ako at dahil dun, napatigil ako na napatingin sa baba.
"Ok" hinayaan ko ng bitbitin nya ang bag ko.
Pagkarating namin sa Timezone nakita ko agad sila Nica naglalaro ng Dance Dance Revo.
Tumakbo ako palapit sa kanila pero di ko nakita na may nakaharang palang bag sa harap ko...
Napapikit ako..
Ni-ready ko na ang sarili ko para sa aking great fall...
Malapit na..
Malapit na..
Anla! Gravity! Why are you not pulling me?
Binuksan ko mata ako at nakita si Shane..
Nakatingin saken..
Mm! Ang bango talaga nya infairness..
Nagkatinginan kami sa mata...
Shet! Feeling ko aasthmahin na ako..
Baka yung pabango nya yung rason..
Inalis ko na yung tingin ko at tumayo ng maayos.
"Thankyou" tinalikuran ko na sya at lumapit na kina Nica. Nakita ko nan sa likod ko si Shane.
"Tams, anu nangyare sayo?" Odette. Mukhang kabado.
Bago pa ako nakapagsalita, sinagot na siya ni Shane..
"Nadapa pa sya...
Na-fall sya saken...
Buti na lang nasalo ko sya"
Tapos ngumiti. Ngiting aso! Argg!!! Kainis talaga sya.
"Sila na" kabuti talaga. Kabuti Matty.
"Hoy Mateo, bigla ka na lang sumusulpot!" sabay hampas ng balikat nya.
"Huwat!?" Odette, Nica at Drex.
"Ah.. Hehe" nginitian ko sila na para na ding nagppacute.
Tinignan nila si Shane pero umiwas din sya agad ng tingin sa kanila.
"Paano nangyare yun?" Nica.
"Nakasalubong kasi namin si Yuji. Eh, ang sama ng tingin. Para rin tigilan na nya kaming dalawa. Tutal, ang alam din lang nya, kami na" pagpapaliwanag ko.
"Ahhhhhhhhh..." Lahat sila maliban kay Shane.
"Eh Ih Oh Uh. Kain na tayo." alok ko sa kanila.
Hinawakan ko na yung kamay ni Shane, yung hawak ng magshota at hinila sya papuntang kainan.
Pao Tsin! Gusto ko mag siomai e. Hahaha. Kain kain kain.
"Ang soroooooop!" ^o^ ako po yan. Hehe.
"masmadami ka pa ngang kinain kaysa saken e" Shane.
"Wag ka nga. Gutom ako e"
"Ang dami mo na ngang kinain kaninang lunch e"
"yuy! Stalker!"
"Bakit ba sinusundan ng lalake ang babae?" change topic?
"Pinagnanasaan kase nya! Hahahahaha" Nica
"hahahahaha. Ano ka ngayon?" ako.
"Bopols! Kasi mahal niya" sabay ngiti.
"Ok" at humarap ulit sa pagkain ko. Shet ka Shane. Shet ka. Banat ka ng banat.
Naubos ko na pagkain ko pero hindi pa rin kami umaalis. Syempre pahinga muna.
"Tammy, anong pangalan ko sa phone mo?" ano na naman bang pinagsasabi nitong impaktong to?
"Shane" simpleng sagot. Di ko na sinabi yung totoo. Baka ako sha-pak-in e.
"Panget naman. Ganda ng pangalan mo dito e."
"Ano ba?"
"McDo Ko"
"Eh?"
"Kase, love ko to!" ngiti nya sabay hug saken
Inhaler!!! Ang tagal ko ng di inaatake ng asthma kaya di ko na dinadala inhaler ko. Per bakit everytime na hahawakan ako netong si Shane at sobrang lapit nya saken parang aasthma-hin ako.
Hinga ng malalim..
"Hoy bakla! Narinig mo ba?" Nica
"Oo pero, di ko gets" -.-
BINABASA MO ANG
You and Me
Teen FictionWhat if the person you learned to love is not who you really think he is? A love full of promises, hopes and dreams, tapos isang araw bigla na lang nawala lahat ng yun. Ni hindi mo alam kung bakit at kung paano.