Monday na ngayon. Malamng, Sunday kahapon e. Andito na ako sa school. Hehehe. Maaga talaga kame pumasok ng school ng sister ko, si Bane. 1st year siya ako naman 4th year na.
"Good morning bakla!"
Bati saken ni Nica na masmaaga pang pumasok kaysa saken.
"Morning din bakla!"
Binati ko din sya syempre. At ayun, pumasok na kame at tumambay sa court habang naghihintay ng mga tao at mag bell.
Nagkkwentuhan na kame. Andito na rin si Matty pati na rin si Tantan. Nagkkwetuhan kame ni Tantan about sa heartbreak na natamo ni Tantan sa pinsan ko. Dahil sa strip poker na yan at sa di marunong maglaro tong pinsan ko natalo siya. Ayun, ang dare nya pumili sa kung sino ang lalake sa dalawang lalakeng nagmamahal sa kanya ang mahal niya. At sa kasamaang palad yhe other guy ang pinili nya. Huhu. Wawa talaga si Tantan, dalawang buwan nya niligawan un.
" Bat di ka nagreply kagabi?"
Kaasar naman o! Tama ba yun, hinugot ung kamay ko papalayo kay Tantan tas yan lang itatanong nya.
"Gago ka rin e no!" sabi ko sabay tanggal ng kamay ko sa pagkahawak nya. "Kita mong may kausap ako tas hihilain mo ako yan lang itatanong mo. Psh"
"Ah, sorry. Pero bat di ka na magreply kagabi?"
"Utang na loob nga Shane, wala akong oras makipag-small talk sayo. Nakatulog ako. Oh yan, alam mo na."
Yun, iniwan ko na sya dun at binalikan si Tantan. Di na ako nagsorry. Naintindihan naman na nun e. Bestfriends nga di ba? Kaw ba naman simula 8 years old kasama mo na.
Nag-usap ulit kame pero saglit na lang kase biglang nagbell. Kailangan na namin pumila by section sa mga assigned area namin. After nun morning rights at flag ceremony na.
"Ok, before you enter your classrooms, there is an announcement coming from the Senior Council. Ms. Montinegro"
Sabay abot sa akin ng Year Lever Adviser namin ng mike habang pataas ako ng stage.
"Goodmorning. This announcement concerns the Seniors kaya ako nandito. Pero with the help na rin of the Executive council, magha-hand out kami ng surveys regarding our Senior Ball. At mamayang lunch break din, all Class Presidents are to report at the SG Office. Yun lang. God Bless"
Binalik ko na kay Sir Avila yung mike, bumaba ng stage at bumalik na din sa pula ng class ko.
I forgot to mention, Senior Officer pala ako. P. R. O. Kaya nga ako ang nag-announce nun e. Napilitan lang akong tumakbo para kasi kulang ng members yung party ng mga hunghang kong friends. Edi un. Dun ako sa position na un. Pero wala namang gustong lumaban saken sa kabilang party kahit nga ung isang independent party e. Edi automatic win. Hustle!
Isang normal day lang sa school ang nangyare buong umaga. Nagdadasal ako na sana magbell na kasi gutom na gutom na din ako at bagot na bagot sa lesson.
**RIIIIIIIIIIINGGGG!!!!**
Sa wakas. After ng torture ng pagkabagot sa room lunch break na. Enjoy ako sa lunch. Sarap ng na pabaon saken ni mama e. Sinigang. After kumain pumunta na kame ng barkada ko sa room nina Nica at Tantan. Calssmates kasi sila. At tumambay sa labas. Overlookog at court dun at dahil may game nanuod na lang kame.
Tuwing may basketball game dito di mawawala ang pustahan. Syempre nakitpusta ako kung sa nanduon ang aking friends. Mga varsity players kasi sila e. Nahati sila pero alan na alam ko kung sino maslamang. Nung half time na. Biglang may nagsalita. Galing sa speakers.
"Marie Patricia Tamiko Montenegro..."
Ako yun a. Sana kainin na ako ng lupa. I hate this. I hate him. Kung sino man yun! Lahat ng tao napatingin saken.
"Pwede ba kitang ligawan?"
"Ayeeeee!!!!!"
Yang ang sigaw ng lahat ng tao na nasa court. At dahil overlooking nga ang court sa kinaroroonan namin. Lahat sila kitang kita ako!
"Tammy. Sana payagan mo ako...
Pinapangako ko...
Sa harap ng madaming tao dito...
Na ako, si Shane Vincent Villaflores...
Mamahalin ka...
I love you Marie Patricia Tamiko Montenegro"
BINABASA MO ANG
You and Me
Teen FictionWhat if the person you learned to love is not who you really think he is? A love full of promises, hopes and dreams, tapos isang araw bigla na lang nawala lahat ng yun. Ni hindi mo alam kung bakit at kung paano.