Unexpected

69 0 0
                                    

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malapit na magpasukan! Tinatamad na naman akong pumasok.

Incoming second year COLLEGE na kami nila Shane.

Oha! ang bilis di ba?

Pabalik na ako sa amin kasi galing akong Ilo-ilo. Dun ako nagbakasyon, ang tagal ko na ring hindi nakakasama mga kamag-anak ko dun e.

Tsaka enrollment ko bukas at sa susunod na araw, may swimming kami nila Shane.

Kung itatanong nyo kung anong nangyare for the past year, simple lang naman e. 

After ng prom, nilapitan ako nila Nica at nakipag-ayos. Kinausap pala sila ni Shane at inexplain sa kanila yung mga nararamdaman ko sa ginawa nilang pag-iwan sa akin. Hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanila, nasaktan lang ako na iniwan nila ako.

Si Matty at si Shane, well... Sad to say pero nag-away ulit sila dahil nakita ni Shane na ka-chat ko si Matty, pero sinabi ko naman sa kanya na para SANA sa surprise ko sa birthday nya.

Kami ni Mia, okay na. Nagsorry kami sa isa't-isa dahil masyado kami naging childish.

Si Nica pala at si Ron, SILA NA!!! WAHAHAHA. Totoo ngang sinagot nya si Ron nung prom after namin magka-ayos.

Nung graduation naman, dun na yung formal introduction sa akin ng family namin ni Shane sa isa't-isa. Nakikipaglokohan pa nga sila mama sa mommy ni Shane e. NAgpicture picture din kami no! Bonnga nga e.

Nung bakasyon naman, inasikaso ko yung schooling ko sa college. Dapat sa Japan ako mag-aaral pero napagdesisyunan ko na wag na lang ituloy dahil na din kay Shane. 

Pareho kami ng shcool ni Shane na pinasukan. Kinuha ko naman na course is MedTech si Shane naman nung una HRM tapos nagshift din sya ng Engineering after ng isang buwan. PARA DAW MASMALAPIT SA AKIN! Kilig naman ako!

Hindi naman mawawala yung away, tamouhan at selos! Jusko! Parang araw-araw nga kaming ganun e. Meron din yung mga oras na dumarating sa point na muntik na kaming magbreak. Umiyak na din ako dahil sa gagong yun. Pati sya, sa harap ko pa! 

Pero nakaya naman namin lahat yun e.

Kahit papaano, masaya pa rin kami. And I'd like to keep it that way.

"Love ko!" may narinig akong pamilyar na boses na tumatawag sa akin kaya naman nilapitan ko.

"Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Tamang tama lang sa dating mo"

Kinuha ni Shane yung isang bag ko habang ako suot pa rin yung backpack na hand carry ko.

"Tara na" tapos nagpunta na kami sa parking.

Sa bahay kami dumeretso para daw makapag-rest ako.

Saglit lang din si Shane, umalis din sya after namin mag miryenda.

Ako naman, nagshower tapos nagbrush at nagpalit na. 

Humiga ako at pumikit.

DI ko namalayan, tulog na pala ako.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang hirap talaga mag-enroll T.T

Masusunog na ako!

Ang init init.

Taas baba pa.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon