---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Uwian na. Hindi ko na hinintay sina Drex o kahit si Shane. Sinabi ko na lang kay Tantan para ipagpaalam na uuwi na ako kaagad. Sinabi ko din na tumawag na lang sya mamaya sa bahay.
Nang makasakay na ako ng taxi tinext ko si Mathan.
To: Tupid Turtle
Pagong, sorry kung nababaan kita kanina.
Haaaaaaaaay.. Hindi ko alam kung trip lang ba nya yun o totoo. Naguguluhan ako.
**BZZZT! BZZZT!**
From: Tupid Turtle
Ok lang alien. Hehe xD gwapo pa rin naman ako e.
Parang wala lang sa kanya yung mga sinabi nya sa akin kanina. Pero kahit gusto kong itanong kung seryoso ba sya sa inamin nya sa akin, hindi ko na babanggitin.
To: Tupid Turtle
Kapal mo talaga. Pangit pangit mo kaya! Ew!
At least kahit lumayo sya sa akin physically, hindi sya mawawala sa akin emotionally..
From: Tupid Turtle
Kaw ang makapal. Ang kapal kaya ng layers ng taba mo! Wahahahaha.
Imbis na maasar ka tinext nya sa akin, napangiti ako... Mamimiss ko sya ng sobra sobra.
To: Tupid Turtle
Pagong, mamimiss kita :( wala ng mang-aasar saken ng ganyan.
Naisip ko... Kung inamin ba nya sa akin una pa lang, kami na ngayon?
From:Tipud Turtle
Promise ko naman sayo Tammy, iwan ka na ng lahat ng tao... Pero ako, hinding hindi ko gagawin yun kahit ikaw mismo ang mang-iwan sakin.
Baka kame Mathan!!! Why only now?
Pinigilan ko ang luha ko na alam kong anytime, tutulo na.
"Manong, sa tabi na lang po"
Nakarating na pala kami ng bahay. Iniabot ko na yung bayad ko. Bumaba ng taxi, at pumasok ng bahay.
Wala pa sila mama. Pumasok na ako ng kwarto, nagbihis at nahiga.
Pagkahiga ko, kusang tumulo na ang luha ko.
Stupid Turtle. Stupid Mathan.
Fine!
I did love you Mathan.
Pero wala na.
Baka kame!
Tuloy tuloy lang ang pag-iyak hanggang makatulog na ako.
----------------------------------------------
[Tuesday, Lunch Break]
"Tammy, ano bang problema mo?" tanong sa akin ni Shane. Magkaharap kami kaya kitang kita nya na di ko pa ginagalaw yung pagkain ko. Masarap yung ulam, sinigang na baboy, pero wala talaga akong gana e.
"Shane... Naalala mo yung kinwento ko sayo na ex ko dati?" tanong ko sa kanya at hinarap sya.
"Si Yuji? O yung si Mathan?"
"Si Mathan"
"Oh bakit sya?"
Gusto ko na sanang umiyak dahil nasasaktan pa rin ako, pero walang lumalabas. "Punta na syang Japan e. Haaaaaaay" sumimangot na din ako.
BINABASA MO ANG
You and Me
Teen FictionWhat if the person you learned to love is not who you really think he is? A love full of promises, hopes and dreams, tapos isang araw bigla na lang nawala lahat ng yun. Ni hindi mo alam kung bakit at kung paano.