Adam's POV
Nandito kami sa bahay nila Johnny dahil broken hearted daw ang loko. Nagbreak na daw sila ng girlfriend nyang si Ariza dahil daw kasi pride ang pinairal nya at ni Ariza kaya ayan. Break na daw sila.
Hindi ko nga alam kung matatawa o maaawa ako sa itsura ng kaibigan kong 'to. Kung tutuusin ang gwapo nya, mayaman, magaling maggitara, magbasketball, kumanta at sumayaw. Yes, he's very talented. Madami din ang nagkakagusto sa lalaking yan. Pila pila. Pero isang babae pa lang ang nakabihag sakanya. Haga! Wow. Lalim nun ah! Saang baul ko ba nakuha yun? Haha! Bwisit! Pero seryoso na.
"Tangina, pare. Mahal na mahal ko si Ariza e. Sobra!" Sabi nya. Kanina pa yan e. Paulit ulit na nyang sinasabi yan. Yung mahal na mahal nya si Ariza. Tsk! Kawawa naman ang kaibigan ko.
"Akala ko hindi nya ako iiwan e. Pero wala! Iniwan nya pa rin ako. Alam nyo yun, pre? Sobrang sakit. Tagos na tagos sa puso ko e." Sabi nya at uminom ulit.
"Balikan mo kaya, Johnny." Sabi ko.
"What? Talaga naman diba?" Sabi ko ulit dahil nagtinginan silang tatlo sakin.
"Wow pare ha! Makapagsalita ka! Kayo nga ni Cassandra magdadalawang linggo ng hindi naguusap!" Sabi ni Art kaya napatingin ako sakanya.
Alam kasi nila 'yung tungkol samin ni Cassandra and you read it right. Magttwo weeks na kaming hindi nagpapansinan. Simula nung nangyari yung sa flag ceremony. Tss.
"Gago! Hindi naman ako iiwan nun!" Sabi ko.
"Sinabi ko na din yan noon sa sarili ko nung nagaway kami ni Ariza. Sabi ko away lang naman to. Hindi naman ako iiwan nun. But what happened? She broke up with me. She left me." Sabi ni Johnny.
Medyo natigilan ako sa sinabi nya pero hindi ako nagpahalata, "Iba naman kayo, iba kami." Sabi ko.
Napailing na lang sila, "Hindi din. Kapag ang babae nakaramdam ng parang wala lang sila para satin, iiwan nila tayo. Kahit sobrang mahal ka nyan pero mas pinapairal mo yung letseng pride mo kahit masakit para sakanila. Iiwanan ka nila. Kasi pakiramdam nila wala na silang halaga para sayo. Na pagkatapos mong paghirapan, itetake for granted mo na lang sila."
Nakatingin lang ako sakanya. Aamin ko. Natatakot na ako sa mga pinagsasabi nya dahil tama naman sya. Hindi na ako nagsalita. Pinapakinggan ko lang sya.
"Kaya kung ayaw mong mawala ang girlfriend mo. Alisin mo na yang pride mo. Ikaw na ang unang kumausap sakanya. Dahil ang mga babae parang abstract painting yan. Ang gulo gulo. Hindi mo maintindihan pero pilit mo pa ring iniintindi kasi mahal mo sya, mahalaga sya. Wala naman kasi talagang patutunguhan ang relasyon nyo kapag pride ang pinauna mo. Sisirain lang kayo nyan. Ang pride, sabon lang yang panglaba. Hindi inuugali yan kaya kung ako sayo. Susuyuin ko na ang girl friend ko baga pa sya mawala sayo. 'Wag ka ng gumaaya sakin. Tandaan mo pare nasa huli lagi ang pagsisisi."
Napanganga na lang ako sakanya. Ganyan ba ang nagawawa ng pagkabroken hearted? Dumadami ang alam? Pero kahit na ganon alam kong tama sya. Halos lahat ng sinabi nya tumagos sakin.
Nakatingin lang ako sakanya habang nilalaklak nya yung alak. Oo, nilalaklak. Aba! Gawin ba naman daw tubig? Inistraight e.
"Mahal mo diba? Gawin mo lahat para sakanya. 'Wag lang syang mawala. Ganon naman talaga pagmahal mo ang isang tao diba? Gagawin mo ang lahat wag na wag ka lang nyang iwan." Sabi nya pa ulit at tumayo na.
"Oy! Saan ka pupunta?" Tanong ni Justin kay Johnny.
"Matutulog na ako. Makikipagbalikan pa ako sa babaeng nangiwan sakin dahil sa pakiramdam nya daw wala na syang halaga sakin at hindi ko na sya mahal." Sabi nya at tuluyan ng umakyat papunta sa kwarto nya.
Ugh! Napatingin ako kay Art na kasalukuyang pumlakda sa sofa nila Johnny. Nagkatinginan kami ni Justin at sabay na nagkibit balikat. Tsk! Bahala sya dyan.
Wala namang pasok bukas kaya may naisip akong plano. Hindi ko yata kayang iwanan ako ng taong mahal na mahal ko.
Iniisip ko pa lang na mawawala sya sakin sobrang sakit na. What more kapag nangyari na? Hindi pwede!
"Tinamaan ka ba sa pinagsasabi ni Johnny?" Tanong ni Justin sa tonong nakakaloko.
"Gago!" Sabi ko at sumakay na sa motor nya. Oo, motor nya. Wala naman akong kahit anong sariling sasakyan dahil mahirap lang kami kaya paangkas angkas na lang ako sa mga kaibigan kong 'to. Mayayaman ba naman kasi. Tsk! Di bale, magaaral na lang akong mabuti para sa kinabukasan ko at ng magiging pamilya ko.
Bukas na bukas ko rin susurpresahin si Cassandra baby. Magpapatulong na lang ako sa mga kaibigan nya. Haha! Ano kayang magandang gawin namin bukas? Hmmm.
****
5am pa lang nang umaga. Medyo inaantok pa nga ako dahil 1am na ako nakauwi dahil nga naginuman pa kami. Tsk. Sakit tuloy ng ulo ko.
Isa isa kong tinawagan ang mga kaibigan nya at mga kagigising lang nila dahil ginising ko sila. Haha! Naiintindihan naman daw nila ako kaya lang daw sana wag naman yung nambubulabog pa ako ng ganitong kaaga. Actually wala pa talaga akong plano dahil hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko dahil paghiga ko pa lang kanina nakatulog na agad ako.
Nandito kami sa Garden ng bahay nila Rhaine at Beb. Ganda nga dito e. Perfect. Dito kasi namin naisipang magkitakita.
Hinihintay na lang namin si Ash dahil mabagal daw kasi talagang kumilos yun. Maya maya lang ay dumating na si Ash at nagsimula na kaming magusap.
"So Adam tell us your plans." Beb said.
Napakamot na lang ako sa batok ko kasi walaa pa talaga akong plano. He-he.
"Wait! Don't tell me wala ka pang plano? Sasamain ka talaga sakin!" Sabi naman ni Kc.
"Ah.. Eh.. Wala pa." Sabi ko at napatungo. Wala talaga akong idea!
"What?!" Sabi ni Ash.
"Ugh! Kaya nga ako nagpapatulong sainyo diba? Kasi wala talaga akong maisip!" Sabi ko.
"You're helpless, Adam Lee!" Sabi naman ni Cindy.
Ugh! Grabe mga kaibigan ba talaga ni Cassie baby to? Tsk.
"Ugh! Sorry naman kasi." Sabi ko at sabay sabay silang nagbuntong hininga.
"Okay. Fine. Since nandito na naman tayong lahat. Open tayo for any suggestions." Sabi ni Rhaine at nagtanguan naman sila.
Kanina pa sila naguusap kung anong magandang plano sa pagsusurprise ko kay Cassie baby. Hindi naman sila nagtatalo e. In fact nagkakasundo sila sa mga bagay bagay.
Passed 6am nung mafinal yung plano. Napangiti ako dahil kahit common sya, malaking tulong pa rin sakin yun at thankful ako sakanila.
After magplano ay agad na kaming kumilos para sa design at buti na lang ay may mga natagong pwedeng pangdesign.
10am nung puntahan ni Kc at Ash si Cassandra para magayos. Kinakabahan ako. Tsk! Feeling ko tuloy magpropropose na ako e. Tapos na rin kaming magayos kaya umuwi muna ako sa bahay para magpahinga at maligo na rin.
"Oh? Ngayon ka lang umuwi?" Si Mama pala.
"Hindi, ma. May pinuntahan lang kasi ako kaya maaga akong umalis." Sabi ko na lang.
"Ganon ba? Magalmusal ka na muna dito."
Marahan akong umiling, "Tapos na po ako, ma. Ge po. Aakyat na po muna ako sa kwarto ko." Sabi ko at tumango na lang si mama.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
From: Ash
Be ready.
Si Ash lang pala. Tsk! Hindi na nya ako kailangan sabihan nyan. Ready naman talaga ako. Kinakabahan nga lang.
BINABASA MO ANG
ILY Baby [COMPLETE]
Teen FictionAno nga ba ang ibigsabihin ng ILY para sayo? I Love you? I'm Leaving You?