Thirty Four- FMC- Philippines

1.3K 24 0
                                    

Adam's POV

It's been three days since the last time she called and I really miss her. I can't call her dahil baka may ginagawa sya doon at tsaka ang usapan namin ay sya lang ang tatawag dahil hindi nya daw hawak ang oras nya pagnandoon sya.

Malalim akong napabuntong hininga. Eto lang naman ang ginagawa ko simula nung umalis sya, maya't maya kong tinitignan ang cellphone ko dahil baka tumawag sya tapos hindi ko masagot. Inilagay ko na rin nga sa max yung volume ng ringtone ko para pagtumawag sya kung sakaling tulog ako ay masasagot ko at nilagyan ko rin ng vibrate para combo, may ringtone na naka vibrate pa pero kay Cassandra ko lang yun ginawa para sure akong sya yung tumatawag.

Saktong pagtingin ko sa cellphone ay mat narecieve akong message. Okay lang sakin kung hindi sya tumawag basta magtext sya. Handa akong magpaload ng malaki makatext ko lang sya. On my dismay hindi sya yung nagtext. It's Art, niyayakag nya akong magdota pero sabi ko ayoko dahil wala akong gana at wala ako sa mood.

Simula din nung umalis sya lagi na lang akong nakatingin sa picture naming dalawa.

Sighed.

Napatingin ako sa harap nung may magsalita, "'Wag mong isipin yun, mahal ka pa rin nun pagbalik nya."

Napangiti na lang ako dahil alam ko naman yun e. Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko, parehas lang kaming nakatingin sa malayo.

"Miss mo na?" Tanong ni Ate.

Marahan akong tumango, "Sobra pa sa sobra."

"Bakit hindi mo tawagan?"

Iniling ko ang ulo ko, "Hindi pwede e. May usapan kasi kami na sya ang tatawag sakin at hindi ako."

"Hmmm. Bakit naman ganon?"

"Dahil hindi nya daw hawak ang oras nya kapag nandoon sya sa America. Mahigpit daw kasi ang mga lola at lolo nya doon."

"Hmmm. Hayaan mo na. Namimiss ka rin nun at baka may ginagawa lang sya doon." Sabi nya kaya tinanguan ko na lang sya.

Tumingin ako sa langit at napabuntong hininga. Cassandra miss na talaga kita. Hays.

Sandra's POV

Gosh! Christmas na Christmas pero heto kaming dalawa ng pinsan ko sobrang busy sa pagaaral ng negosyo na nandito sa America.

Paano ba naman kasi ay nagbabalak sila Grandma at Grandpa na magbranch ng FMC sa Pilipinas at kaming dalawa daw ni Kuya ang maghahandle.

Flashback.

"Grandma, I can't handle that company. I'm still in my high school days. Kuya Aldrin can manage it alone." I said.

"Hoy! Anong ako lang. Hindi pa nga ako nakakagraduate sa course ko tapos ako lang paghahandle-in mo? Ayoko ngang mawalan ng oras para kay Lhia." He said.

"Ugh! You're so irrational, Kuya! Ano naman? It's for your future's sake. Duh? Eh graduating ka na kaya. Kayang kaya mo na yan!" I said.

"Anong irrational doon? Tss. Ang tamad mo!" He said.

"Nye nye! Dami mong alam. Sino kaya ang tamad sating dalawa? You'll be the CEO of FMC- Philippines and Kuya you're taking up BSBA kaya dapat lang yan sayo." I said.

"Enough." Grandma said pagkatapos kong magsalita.

"Both of you will manage the FMC- Philippines." Grandpa said.

"No, Grandmas' and Grandpas' I can't handle it, really! I'm just 16 years old."

"Okay. Kapag naggraduate ka na, maguumpisa ka na rin. But you still have to study everything about our company."

End of flashback.

'Yan ang dahilan kung bakit kami sobrang busy ni Aira. Psh! Matagal na palang alam ni Aira ang tungkol dito pero hindi man lang nya sinabi sakin. Paano naman daw nya sasabihin kung hindi naman ako nagtatanong. Aba! Malay ko bang may ganito pa! Psh!

Kaya't heto kami ngayon ni Aira, nagbabasa ng kung anu ano tungkol sa FMC. Si Kuya Aldrin naman ay hindi ko alam. Bahala sya sa buhay nya!

Well, okay lang din naman sakin dahil parang kami lang yung papalit kapag wala si Kuya dahil para sakanya talaga yung ibabranch sa Pilipinas.

Hindi ko naman kasama si Aira sa paghahandle sa Pilipinas dahil dito sya magtatrabaho para sa company at magbabranch din sa Germany at doon sya nakabase, silang dalawa din ng isa pa nyang kapatid na mas bata sa amin kaya palagay ko ay sya ang magiguming CEO ng FMC- Germany dahil sya ang nakakatanda or pwede rin namang si Axel yung kapatid ni Aira. Ayy. Ewan. Basta bahala na talaga.

ILY Baby [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon