Forty Three- They knew it

1.6K 31 4
                                    

Sandra's POV

From: Kuya Aldrin

    Umuwi ka dito ngayon din! Hinihintay ka nila mommy at daddy. Maghanda ka.

Agad akong kinabahan nung mabasa ko ang text message ni Kuya Aldrin. Bakit? Anong meron? Alam na ba nila?

"Okay ka lang?" Adam asked at isa isa akong napatingin sakanila.

Tipid akong ngumiti sakanila, "Oo naman! Ako pa!"

Nagkatinginan silang lahat at si Adam naman ay masuring nakatingin sakin kaya umiwas ako ng tingin sakanya. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin yung tungkol sa text ni Kuya dahil hindi naman ako sigurado kung tungkol saan iyon.

"Hindi man tayo nagsasama ng taon na, alam namin kung may tinatago ka o wala." Kc said.

"Simula nung lapitan kita at yayaing sumama samin hindi ka na iba samin dahil tinuring ka namin bilang kaibigan namin." Rhaine said.

"At kung ayaw mo mang sabihin ngayon ang problema mo naiintindihan namin yun at hindi ka namin pipilitin." Ash said.

"Pero kahit na hindi ka namin pipilitin, nandito lang kami para sayo. We got your back you know." Cindy said.

"'Wag kang matatakot lumapit samin, Cassandra dahil mapagkakatiwalaan mo kami. Best of friends tayo diba?" Kc said and they all nodded.

Napangiti ako sa sinabi nila, "Thank you guys! Thank you talaga." I said at naggroup hug kami.

Napahiwalay ako sakanila nung biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag.

[Where are you?] Maotoridad na tanong ni Kuya.

Napalunok ako dahil minsan lang naman maging ganito si Kuya, "Nasa school."

[Nasa parking lot ako. Pumunta ka dito.]

"Ba--"

[Now.] He said and he drop the call.

Huminga ako ng malalim bago humarap sakanila ng nakangiti, "Hey guys. I need to go."

"Saan ka pupunta?" Sabay sabay na tanong nila.

"Ah. Uuwi na. May emergency kasi sa bahay e. Sige na, uuna na ako. Bye guys."

"Take care and everything will be alright." They said.

I faced Adam and gave him a smile, "I love you, Adam. And I know everything will be alright."

He pulled me closer and gave me a tight hug. I bit my lips to hold back my tears. No! I can't cry now. Ayokong makita nyang nanghihina ako ngayon. Sakin sya kumukuha ng lakas para patuloy na lumaban sa relasyon na 'to kaya paano na lang kung makita nya ang lakas nya na nanghihina? Everything happens for a reason kaya alam kong may dahilan kaya nangyayari 'to samin.

"I love you more and yes my love everything will be alright." He said and he kissed my forehead.

"Alis na ako." Sabi ko at tumalikod na papuntang parking lot.

Nakasandal si Kuya Aldrin sa monterosport nya. Nakatungo sya kaya hindi nya ako napapansin at sobrang kinakabahan na talaga ako ngayon. Bakit ba kasi? Ano bang nangyari?

"Kuya," Tawag ko sakanya at tumingin sakin.

"Get in." He said at binuksan nya na ang pintuan ng driver's seat.

I sighed. I'll fight, promise.

I looked on Kuya Aldrin pero seryoso lang syang nakatingin sa daanan at seryosong nagmamaneho.

ILY Baby [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon