Sandra's POV
Nakalabas na din ako agad kahapon sa hospital nung pagkabayad nila mommy sa bill. Natulog lang ako buong maghapon at alam kong galit sila sakin dahil nga sa nangyayari. Iniisip ko rin kung paano ko palalakihin ang magiging anak ko, anak namin ni Adam.
Flashback.
"Kailangan ng umalis ni Cassandra bukas na bukas din." Sabi ni daddy.
"Pero sa tingin ko kailangan na lang din nating tanggapin ang lalaking 'yon para sa anak natin." Sabi naman ni mommy. Gusto kong sumagot ng 'Tama yan at tanggapin nyo na sya.'
Iniling ni daddy ang ulo nya, "No, honey. Aalis sya at doon lang sya sa America hanggat hindi sya nagpapakatino."
"Okay. I'll talk to Cassandra." She said.
"No. We're not gonna tell her na bukas ang alis nya para hindi na sya tumakas. Matigas na ang ulo ng anak mo at hindi ko na alam ang tinatakbo ng utak nyan." Dad said and mom nodded.
So that's it? Tuloy na tuloy ang alis ko? Hindi mahahadlangan ng kahit na sino? Tsk.
Napahawak ako agad sa tiyan ko. Hold tight, baby. We'll get through this, 'kay? Mommy and Daddy loves you so much.
End of flashback.
Alam na din ni Adam ang tungkol sa pagalis ko at mabuti na lang ay natext ko na si Adam bago pa kuhanin nila mommy ang cellphone ko.
4pm ang flight ko and it's already 11 in the morning. Adam's waiting for me at the park kung saan kami palaging pumupunta.
I looked on my reflection on the mirror. Hindi pa naman nagbabago ang katawan ko dahil dalwang linggo pa lang naman.
Kinuha ko ang shoulder bag ko at dahan dahang binuksan ang pintuan. Tumingin ako sa kaliwa at kanan, nang masiguro kong walang tao ay agad akong lumabas pero dahan dahan lang at sinigurado kong hindi ako makakagawa ng kahit anong ingay.
Agad akong pumara ng tricycle pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay, mabuti na lang at nakaalis ako ng hindi nahuhuli. Tsk!
"Adam!" Tawag ko nung makita ko sya sa isang bench.
Kaagad syang tumingin sakin at ngumiti, "Love,"
Sinalubong nya ako ng yakap at halik kaya't hindi ko napigilang ngumiti, "Akala ko hindi ka na dadating."
"Akala mo lang yun." Sabi ko sakanya at hinigpitan ang yakap ko.
"Mahal na mahal kita at pangako lalaban tayong dalawa." Sabi nya kaya tinanguan ko na lang sya.
"Mahal na mahal din kita." Sabi ko at ilang minuto din kaming magkayakap bago sya kumalas.
"Tara!"
"Saan?" Tanong ko.
He smiled, "Magtiwala ka lang sakin."
Napangiti ako. Hindi ko alam kung anong gagawin namin at kung saan kami pupunta pero dahil nandito si Adam sa tabi ko at kasama ko ay hindung hindi ako mawawalan ng pagasa dahil lalaban kami hanggang sa huli.
Alam kong hahanapin ako samin kapag nalaman nilang nawawala ako dahil ngayon ang alis ko kaya't hindi impossibleng hindi nila mapansin na mawawala ako.
Mali man o tama ay wala na akong pakielam dahil mahal ko sya at mahal nya ako. Wala namang mali hindi ba? Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakin kung bakit hindi nila matanggap si Adam pero kapag kay Steven ay kulang na lang ay ipakasal kami kahit nasa minor age pa lang kami.
"Adam baka makita ako dito." Sabi ko kay Adam dahil papunta sa subdivision namin ang tinatahak naming daan.
"Magtago ka. Isuot mo 'to." Sabi nya kaya sinunod ko na lang sya. Tumingin ako sa salamin ng trike at hindi nga ako makikilala dahil sa sobrang balot na balot ako. Hindi na ako umimik.
BINABASA MO ANG
ILY Baby [COMPLETE]
Teen FictionAno nga ba ang ibigsabihin ng ILY para sayo? I Love you? I'm Leaving You?