Forty One- The Promise

1.5K 33 2
                                    

Sandra's POV

Balik klase na kami at nagdedemand pa nga ang mga kaklase namin na 'wag munang magklase pero hindi pumayag ang mga teachers dahil late na ng lessons at friday naman naganap ang JS Prom at hindi kahapon.

Tuwang tuwa din sila mommy nung malaman nilang ako ang itinanghal bilang Ms. JS 20**. Hindi na daw sila magtataka dahil ako naman daw talaga ang pinakamaganda. Psh! If I were know sinasabi nya lang yun dahil ako ang anak nya dahil sino bang magulang ang nagsabing panget ang anak nila?

Simula nung maging Ms. JS 20** ako ay naging kilala na din ako at kahit hindi ko sila kilala ay kinocongratulate nila ako at nginingitian kaya maya't maya din ang ngiti ko sakanila at pagsasabi ng 'thank you'.

"Sikat na sikat ka na ha." Napatingin ako sa harap ko nung may magsalita.

I smiled, "Hindi naman."

"Hindi raw. Noon naman may ngumingiti sayo pero iilan lang at ngayon naman binabati ka pa nila. Iba talaga ang nagagawa kapag nananalo sa mga ganyan. Psh!" Sabi nya pa.

"So?" I looked on him, "Anong pinaglalaban ng mahal ko?" I asked.

He frowned, "Ang dami na ng tagahanga mo. Madami na akong karibal sayo." Yeah right. Madami din ang nahahalata kong panay ang pacute sakin. It's like what the fudge? Nanalo lang ako biglang ganon? Tsk. Ano? Gagawin nila akong trophy? Pangdisplay lang? Masabi lang na ako 'yung girlfriend nila? Maipagmalaki lang na nanalo ng Ms. JS 20** 'yung girlfriend nila. Psh! I'm not dense para hindi mahalata yun. Tao ako at hindi trophy. Tsk.

I can't help but to laugh, "Karibal? Hanggang tingin lang sila at alam ko namang hindi seryoso yang mga yan at kahit seryoso pa sila I don't care. Ikaw yung mahal ko. Wala ng iba, Adam. Ikaw lang, Adam." I said and gave him assuring smile.

"Talaga?" He asked and I nodded.

Halos sunod sunod na rin ang project, quizes, seatworks, activity, atbp. dahil 4th quarter na at sa sobrang busy namin ay hindi na kami masyadong nakakagala nila Rhaine at pati na rin ni Adam dahil graduating na kami sa pasukan at inihahanda na nila kami para sa buhay college.

Katulad ko ay excited na rin sila sa paglipat namin sa senior high, eto na talaga at hindi na mapipigilan pa. Isang taon na lang. Isang taon na lang at graduate na kaming lahat.

Gastos dito, gastos doon at gastos kahit saan dahil sa mga projects. Nakakainis pa minsan kapag by group ang project at activity dahil meron kang mga kagrupong hindi nakikipagcooperate tapos kapag hindi mo inilagay sa listahan ng grupo ay magagalit at kung anu anong sasabihin.

'Bakit hindi ako kasali? Nagbayad naman ako ha.'

'Hindi mo naman kasi ako binigyan ng gagawin.'

'Psh! Akala mo kung sino e nagbayad naman ako. Atleast may contribution.'

Ilan lang naman yan sa mga sinasabi ng hindi tumutulong. So what kung nagambag ka o nagbigay ng pera para sa materials? Hindi naman yun yun e, hindi purkit nagbigay ka o nagambag ng pera ay wala ka ng gagawin. Kayo ba? Naranasan nyo na ba 'to? Nakakainis yung ganyan, ano? Tapos sila pa yung may ganang magalit sainyo.

Ang unfair naman kasi kung kaparehas nyo sila ng grade kung wala naman silang naitulong kundi ang magbigay ng pera. Hindi naman kikilos yung pera para tumulong sa mga dapat nilang itulong. Tsk! Napakawalang kwentang dahilan at alam mo naman kung nagsisinungaling o hindi ang isang tao.

You don't need to be psychiatrist or psychologist para malaman kung nagsisinungaling ang isang tao kaya nga tayo merong tinatawag na 'human instincts'. Okay, baka mamisundertood nyo. Hindi purkit Psychologist or Psychiatrist ka ay nababasa mo na ang isip ng tao. Hello?! Hindi naman Telepathy yung pinagaralan nila para maging mind reader sila. They're studying human behaviors and they're studying about minds but they're not reading minds.

ILY Baby [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon